1

8 2 0
                                    

Being sa independent is hard. Akala nila okay lang palagi saatin. Akala nila sa lahat ng oras kaya natin mag-isa. Hindi nila alam kailangan din natin ng karamay. Akala nila hindi ka napapagod.

Malapit na ang Work Immersion namin pero may research parin kaming ginagawa.

Gusto ko lang naman na maayos na groupmates pero bakit mga pabigat napupunta saakin. Maayos tulog nila, tapos ako halos hindi na makatulog sa research namin.

Napag pasyahan ko na nag kape muna at doon nalang gumawa ng research namin bago ang mag Immersion dahil panigurado ay sobrang busy na non.

Gumayak na ako para hindi na rin alo gabihin sa shop.

Simple lamang ang sinuot ko. Pink t-shirt and white denim short. Mga importanteng gamit lang din ang dinala ko. Halos laptop nga lang ang nagpapabigat sa bag ko.

Nang makapasok na ako sa shop ay kaagad na akong pumunta sa counter para maka order na.

"May I know if what size po, ma'am," The cashier girl asked me.

"Grande," I answered.

After kong nagbayad ng order ko ay naghanap ako ng table kung saan ako p'wedeng mag-aral.

Andito ako ngayon sa coffee shop na medyo malayuan sa bahay namin. Tahimik dito. Maganda pa ang view. This is a peace for me. Tahimik, walang gulo.

Nang mahanap ako ng bakanteng upuan at table ay bumungad saakin ang magandang tanawin. Bundok dito at presko tignan. Katapos kong magmuni ay kaagad ko naman nilabas ang laptop ko habang hinihintay ang order ko para makapag simula na sa Practical Research.

"Punyeta. Bakit ba ako lang kasi gumagawa nito. Groupings nga pero isa lang gumagawa." Bulong ko.

Nabigla naman ako nang may tumabi saakin. Ang waiter pala. "You're miss Jemki right?" I nod. "This is your order po, matcha latte. Thank you."

"Thank you," I said.

May nakadikit na sticky note sa tray na, "I hope you enjoy it. Kaya mo 'yan!"

I took it a picture. At nilagay ko 'yon sa my day ko sa Instagram.

Napangiti naman ako nang kaagad akong naka receive ng message from my cousin.

Geo:
Lasang damo!

Kaagad naman ako nagtipa para i-defend ang matcha.

Jem:
Huh! Akala mo naman hindi umiinom niyan!


Geo:
Lasang damo na masarap!

Nang mabasa ko 'yon ay hindi ko na napigilan ang hagikgik ko. Sira ulo talaga.

Mabuti nalang ay wala masyadong tao ngayon dito. Malapit na kasi ang summer kaya siguro wala ng tao o sadyang maaga lang ako dito. Mag alas diyez palang ng umaga e.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind That Summer Where stories live. Discover now