Chapter 4

1 1 0
                                    

NAKATULOG si Myra Belle matapos ang grabeng pag d-drama niya kanina na ngayon ay halos mag laway na nga sa sarili nitong unan. Napagod sa kakahikbi ngayon ay ang sarap na ng tulog. Kanina pa nasisiraang pag bubungisngis ang matalik na kaibigang si Melissa o kung tawagin ng nanay ni Myra ay Lissa, isang makating garapatang kuto sa ulo ng lahat na kulot.

Pinag ttrip-an na naman niya ang kaibigan habang natutulog ito, ilang beses ng kaka-change ng filters at puwedeng pagkatuwaan ang memes ni Myra Belle sa Facebook habang ito ay mahimbing na natutulog. Ene-dit pa niya iyon ng bonggang-bongga.

Bakit ba? Eh puwede nalamang siya mag Live kung sinasakali diba? Sa kasiraan ng ulo niya ay pinicture-ran pa niya si Myra ng sampung beses at puwede namang i-alay iyon sa nakaka-chat nilang mga arabo. Just like, 'send me money please' ang kapalit niyon.

May pagka praning din siyang inaamin niya  dahil sa nagiging komportable na siya sa lahat lahat, hindi lang sa company ni Myra.

“Ughuu uh groooo!” saglit pa'y akala niya ay magigising at babangon na nga si Myra habang pinag ttrip-an paniya ito ng todo, na gulat siya sa kasiraan ng ulo niya, oo babae siya. Ngunit sa kasarapan lang ang tulog ni Myra humahagik-hilik pa ito.

“Medyo malalim pa bessy ang tulog mo saka nalang ha? Bwahehehehe!” bungisngis niya matapos ang ginagawa niya. Balik kaagad siya sa kaniyang silid at humandusay na sa kama. Ilang lapit lang naman ang mga kuwarto nila.

Sanay na niyang pagtripan sa lahat ng oras na hindi nalalaman ng kaibigan, simula noong nasasanay na talaga siya rito pero kung malaman iyon ni Myra lahat ng kabaliwan niya ay siguradong ipa-flush siya patungong siptick tank.

Nag-scroll down muli sa News Feed at laking tuwa niyang napa nganga pa siya dahil nakita niyang up to Three Hundred plus likes at reacts na ang bagong update ni Myra na bagong Profile Picture nito. Marami naring iyong Comments. Pero puro 'HB po' with heart emoticon lang naman na ang ibig sabihin n'on ay heart back.

Meron ding uma- idol kay Myra like 'Ang Ganda Mo Teh' everything like that ay hindi niya mapigilang maiingit sa kaibigan kaya nag update rin siya ng Bagong Profile Picture.

Ine-dit rin niya muna iyon ng napaka ganda para magmukha siyang mala diyosa gamit ang Beauty Plus trending app ngayon sa Google Play na di-nownload lamang niya kamakailan, dahil sa 'di mapigilang hiningang kasing bilis at walang makakasukat na speed ng Wireless Fedility nila ngayon sa apartment nila. Tanging siya lamang ang nakaka alam ng password niyon, si Myra naman hindi pero naka automatically connect na iyon dahil naka scan sa kaniya.

*click*

“Whooah ang ganda ko rito! Whahaa! Tingan natin bessy!” napatawang sinabi niya sa sarili dahil sa ginagawa na naman niya. Ilang oras din niyang inilaan ang sarili sa kaka online, wala siyang magawa ngayong hapon.

Hindi naman nilang magawang maka labas man lang dahil malalanghap ang nasa hanging crown virus na trending din sa hangin.

Napakatahimik din dahil ang layo nila sa downtown, ang apartment nila ay nasa isa lamang bayan na kasapi sa Quezon City.

Meron silang kakapit bahay. Mag isa nalamang ang matandang kapitbahay nila na si Aling Meding dahil linayuan na ng mga anak at itinuring na itong baliw, naaawa ang kaibigan niya rito at ramdam niya iyon.

Tumutulong naman din ito sa kanila like they trust this old poor and pity woman sa paglilinis ng kanilang apartment. Kaya binibigyan nila ito ng sweldo up to two hundred pesos.

Ngayon ay napag tuunan lang ni Melissa na tahimik ang paligid ng bahay ng matanda.

Hindi niya inakalang dadalawin pa siya ng antok. It's already two twenty PM. May two hours pa siya para makapag pahinga, puwede na naman siyang mag pa until eight o'clock kung sinasakali at magigising nalamang mamaya kapag nag luto na naman si Myra ng adobong manok na tanging nagpapagising sa kaniya ay ang masarap na aroma niyon. Ang paborito rin niyang pang ulam kapag umuulan tuwing haponan at masasarap siya sa kaka-kape ngayo'y wala silang magawa sa apartment nila dahil lockdown.

Simula noong magkakilala sila ni Myra as OFW sa Dubai ay laking pasalamat niya dahil mabait ito at ma alalahanin kaya hindi lang siya nasasakal sa ka komportable rito. Taga Cebu siya, kaya ang layo rin ng pinanggalingan ni Myra dahil taga Leyte ito, sa Upland.

   Ipinagtagpo rin sila noon. Sa side ng language nilang dalawa ay mahirap kung mag Wa-waray pa si Myra sapagkat Bisaya siya o Cebuana kaya tanging Filipino as a National Langauage ang ginagamit nila upang hindi lang emotion ang maiintindihan sa isa't isa.

“Hayst!” bigla nalamang siyang huminga ng malalim sa mga dating alaala. Sa mga napagdaanan niyang kahirapan sa Dubai bilang domestic helper lamang tulad rin ni Myra na mahirap din. Pareho lamang silang dalawa, isang taon lang ang tanda niya rito sa kaibigan ngunit may pagka isip bata siyang natitira sa attitude niya. But it's not that really bad either. Okay lang iyon, dahil kalog siya at palakaibigan simula noong naging Senior High siya hanggang tumontong na siya sa Forth Year College. Mabuti nalamang ay Graduate siya, si Myra ay hindi pa. Kinuwentohan na siya ni Myra tungkol sa kung ano ang naging buhay nito.

Mga papeles nalamang ang kulang niya upang maging slave sa gobyerno, ang maging isang proffesional! Alam niyang hindi sila mag tatagal rito sa apartment dahil kung bumalik na ulit ang kalagayan ng mundo at panahon mag ttrabaho ulit siya o di kaya subukan niyang umuwi sa kaniyang pamilya sa Cebu plus hindi pa sila binabalikan ng may ari nitong apartment, baka malaki na ang sisingilin nito dahil apat na buwan na silang nakikitira rito. She saw how cruel those eyes were ng may ari ng apartment nito. That biyoda at baka mapobre silang dalawa at mauubos ang kanilang perang pinag ipunan nila sa Dubai kaya they need to balance things inside the house like how they conserve kuryente, tubig and lalo na kung papano niya lunukin ang unlimited data ng Wifi. Ngunit hindi na ata babalik pa ang dating mundo na wala pang pandemya but she should not worry about those things this time. After all she had her best friend na si Myra Belle, she's grateful na nakilala niya ito. Lagi ito ang magluluto ng masarap na ulam sa kanila ng nanay nito noong narito pa ang Ate Melinda niya. There was so much for that.

Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata, at napaisip na naman sa mga nakakachat niyang mga arabo! Sa totoo lang hindi naman niya kailangan humanap ng arabo para makalimutan ang dati niyang nobyo at magpa like 'send me money' sa mga 'yun!
Ang dating nag wasak sa kaniyang puso na si Renzore, ayaw pa niyang banggitin sa sarili ang pangalan nito dahil isasablay na naman niya ang kaniyang phone sa pinakatuktok ng Eiffel Tower sa Japan. Nagagalit siya rito kaya ayaw pa niyang pagtripan siya ni Myra na kulitin at banggitin na naman ang pangalan ni Renzore.

Dahil noon ay walang sawang 'ayieee ng ayieee' ang kaibigan hanggang sa magka rashes siya sa namumula niyang cheeks. Maganda iyon dahil wala namang pimples as like zero percent iyon. Kahit nagpapa puyat pa siya noon hanggang ngayon 'till three o'clock in the madaling araw sa kakaisip kay Renzore?

Pati narin sa mga arabong nakaka video packin' call niya? No way! She won't do that! Again!

Mag sasacrifice nalamang siya para ma iwasan ang walang kuwentang kasiyahan rito sa mundo buong buhay niya.

Just like, kunware ay masaya lang siya ngayon sa maliliit na 'kasira-yahan' niya, 'yun pala nasasaktan na!

“Uhu uhu uhu uhuuuu!” hindi siya makapaniwala sa sarili na humikbi ng kunti ngunit malakas iyon sa dibdib at feel na feel niya ng husto iyon kaya tinuloy pa niya ang pag dadrama niya seriously.

Inisip pa niya lahat ng nasayamg na oras at lahat lahat ng kalungkutan sa buhay niya.

Hanggang ilang minuto ay natigilan siya at sa wakas naka tulog rin siya ng mahimbing.

Ang CR sa UplandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon