Prologue

35 3 0
                                        

DISCLAIMER: Itong storya na po ay kathang-isip ko lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar, or events ay gawa gawa lamang ng aking utak. Kung may kapangalan o same scenario man po ay siguradong coincidence lang ito. Also I'm so sorry in advance po kung marami akong errors, tulad na lamang ng typos or tulad ng paggamit ng "sa'yo/ sayo, din/rin at etc.

WARNING: Some chapters are not suitable for some young readers. Read at your own risk. 

Enjoy Reading!

                                                                                                                     ****

"Congrats anak! Proud na proud kami ng tatay mo sa'yo!" Mangiyak ngiyak na sambit ng aking pinaka mamahal na nanay. 

"Salamat po nay, tay. Kung hindi po dahil sainyo wala po ako sa pwesto ko ngayon." Tuwang tuwa kong sambit habang hawak hawak ang aking medalya at diploma.

"Ano ka ba naman anak, trabaho namin ng inyong nanay na buhayin kayo ng mga kapatid mo. Ay salamat sa Diyos at tapos na sa pag-aaral ang bunso namin" Saad ni tatay sabay halik sa aking noo.

Pagkauwi namin sa aming munting tahanan ay nagulat ako ng biglang nagsigawan ang mga tao sa loob "Conratulations bunso!" Sabay na sabi ni Zayden Ezra at kuya Caden. May hawak pa si kuya Zayden na bond paper at nakasulat doon ang "congrats bunso, proud kami sayo ng sobra sobra" Si kuya Caden naman ay may hawak na whatta tops na may nakasinding kandila sa ibabaw non.

Nakakatuwa lang dahil kahit hindi kami mayaman ay gumawa talaga sila ng paraan upang ma surpresa ako. Napatingin ako sa maliit naming lamesa, meron doong maliit na bilao na ang laman ay pansit. Nako pustahan, inutang nila ito kay ate Melba. Si ate Melba kasi ay kumare ng aking nanay kaya malakas si nanay don. 

"Salamat po sa dalawa kong gwapong kuya." natatawa kong sambit habang yakap yakap silang dalawa.

"Oh siya halina at kumain na tayo, lumalamig na ang pansit" sabi ni nanay habang naglalatag ng mga plato para saamin. Nagdasal muna kami at nagpasalamat sa Panginoon para sa mga biyayang ipinagkaloob niya saamin.

Balak kong maghanap ng mga pwede ko munang pasukan ng trabaho dito sa lugar namin. Gusto ko sanang mag Maynila ngunit natatakot ang pamilya ko para saakin. 

"Bunso pasensya na kung ayaw ka muna naming paalisin dito sa tabi namin ha, natatakot kasi kami para sayo. Nag-iisa ka naming babae kaya hangga't maaari ay dito ka lang sa malapit saamin." Sabi ni kuya Caden habang hindi makatingin saakin.  

"Naiintindihan ko po kuya, alam ko naman pong para sa'kin din ang mga sinasabi ninyo." Nakangiti kong sambit sakanya bago sumubo ulit ng pansit.

Kinabukasan 5am palang ng umaga ay gumising na ako dahil balak ko na agad maghanap ng trabaho. Nako bawal magpatumpik tumpik dito sa probinsya lalo na't mahirap ang buhay dito. Kinuha ko agad ang twalya ko at lumabas ng aking kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay bumungad agad sa'kin si kuya Caden, nasa kusina siya habang nagkakape. 

"Oh bunso ang aga mo naman nagising? tulog pa sila nanay, papasok na ako sa trabaho ko mamaya maya" sambit ni kuya bago humalik sa noo ko.

"Balak ko na po kasi maghanap ng trabaho kahit diyan sa bayan natin" sabi ko bago maki higop sa kape niya.

"Teka, balita ko naghahanap ng taga tutor si Mayor Thaddeus para sa pamangkin niya. Tutal Educ naman ang tinapos mo, bakit hindi mo subukang mag apply doon" Sabat naman ni kuya Zayden. Napatalon pa ako sa biglaan niyang pagsasalita sa likod ko. Shuta talaga itong si kuya Zayden, hindi ko alam kung may lahi ba itong kabute bigla biglang sumusulpot!

"Hmm, sige po. Maliligo na po ako para hindi ako tanghaliin papunta sa bayan" Sabi ko habang naglalakad na patungo sa maliit naming banyo. 

Nang matapos ako maligo ay nagbihis na agad ako. Isang simpleng pants at tshirt na gray lang ang sinuot ko, pinaresan ko lang ito ng luma kong rubber shoes. Kinagat kagat ko lang ang labi ko para pumula ito. Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita ko si nanay at tatay na naka bihis na din, pupunta na sila sa bukid namin para mag ani ng mga palay. 

"Tay ang aga niyo naman po ata pupunta sa bukid ngayon?" sabi ko pagkatapos magmano sakanilang dalawa.

"Ay nako anak, may magandang balita kasi ako. Balak pakyawin ni Mayor Thaddeus ang mga palay natin, hindi pa iyon. Triple ang bayad niya!" Sabi ni nanay habang nakembot kembot pa habang nagluluto ng babaunin nila ni tatay sa bukid. Si nanay talaga kahit kailan napaka taas ng energy.

"Talaga po nay?! Magandang balita nga po iyan, tiyak matutuwa din sina kuya nyan pag nalaman nila iyan." Sabi ko at sinabayan din si nanay sa pagkembot, si tatay naman ay tawa ng tawa habang pinapanood kami.  









Choose me, Mayor.Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora