Prologue

33 2 0
                                    

Prologue


Napaginhawa ako nang malalim at inayos ng pa bun ang aking buhok habang nakatingin sa salamin. This is it pancit. Uwian na.




Pagkatapos ng kaunting pag aayos ay kinuha ko na ang maliit kong itim na bag at saka lumabas ng locker. Naabutan ko pa si miss Shemz na nagliligpit ng gamit.



"Oh, aalis kana?" Tanong niya. Tumango ako at tumingin sa labas. Hapon na ngayon subalit parang gabi na dahil madilim ang langit.  Usually gabi naman talaga ang labas ko galing sa trabaho kaya lang nag pa alam ko sa kaniyang may pupuntahan ako ngayon or should I say kami ng kasama ko.



"Uulan yata," mahinang sabi niya. "Dito kana kaya matulog? May kwarto sa itaas wala naman si Keein ngayon" aniya.  Kahit na gusto ko ay tumanggi na lamang ako. May kailangan akong puntahan ngayon. . . Hindi pwedeng hindi ko ito mapuntahan ngayon dahil may usapan kami ng kaibigan ko saka espesyal ang araw na ito para sa akin.




"Hay nako, Youinnie talagang hindi kita mapilit oh sya sige, maghanap ka ng payong dyan sa kusina baka meron" aniya. "Huwag na po. . . Malapit lang naman ang bus. Hindi ako aabutan ng ulan" ngumiti ako sa kaniya.




At talagang hindi niya na ako napilit kaya't umalis na ako bago pa man umambon. Pagkalabas ko ng pinto ay tumingala ako sa kalangitan. Hindi pa naman umaambon makakatakbo pa ako.




Sinumulan kong tumakbo mula sa restaurant hanggang sa paradahan ng tricycle ngunit sa malas ay wala pa palang byahe papunta sa pupuntahan ko.



"Naku! Miss, umalis na 'yung huling papuntang terminal. Mag aantay ka ulit ng tatlumpong minuto pero paniguradong matatagalan rin 'yun at paulan" ani ng lalaking may tuwalya sa leeg. May mga papel pang pera na naka suot sa kaniyang bawat kamay.


"Ah sige po. . . Mag aantay ako" sambit ko at umupo sa gilid. Hindi lang naman ako ang pasahero marami rin kaming nandito, nag aantay ng tricycle.




Maya maya pa ay nararamdaman ko ng may tumutulo mula sa itaas ko. Shit. Wala akong payong. Ang simpleng tulo ay nasundan ng sunod sunod na patak.



Ulan.

Umuulan.


Malakas ang buhos ng ulan sa kalangitan habang nakatingin ako rito. Nababasa ang kakaunti ng aking damit pero wala nalang sa akin iyon. Pwede naman akong magbihis sa may banyo ng terminal mamaya.



"Miss, sumilong ka muna rito!" May sumigaw na babae sa akin. Nakapayong siya at mukhang maraming dala kaya tumanggi na ako. Baka mabasa pa ang dala niya dahil sa akin.



Napatingin ulit ako sa langit. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang mapait na pinagmamasdan ang itim na kalangitan. Pagbalik ko ng tingin sa daan ay napatigil na lamang ako sa aking nakita.




Hindi ko maintindihan kung bakit. . .

Magkahalo ang nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko kasi ay masaya ako. . .


Masaya sa parteng nakikita ko siya sa aking harapan ngayon at dahil sa bawat patak ng ulan ay naaalala ko siya.


At malungkot sa parteng kahit nakikita ko siya alam ko sa sarili kong hindi na maaaring maibalik ang dati. Isa na lamang siyang parte ng aking buhay sa nakaraan.


"Minahal mo ba talaga ako? O minahal mo man lang ba ako kahit kaunti?"




Paulit ulit na umiikot ang tanong na iyon sa aking isipan. Walang oras na hindi ko maalala ang lahat sa kaniya. Minsan nga iniisip ko nalang na. . . Sana sa buhay ko ay hindi ko siya nakilala. Na. . . Sana sa buhay ko ay hindi ko siya naaalala.




"Kalimutan mo na ako. Hindi naman kita minahal"



Paano ko kakalimutan ang lalaking nagpadama sa akin na ang bawat salita niya'y kasinungalingan lamang? Gusto kong isipin na ganoon nga. . . Na sana ganoon nalang.



Tuluyang pumikit ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng aking luha.




Naramdaman kong nawala ang tulo ng ulan sa akin kaya bahagya akong dumilat. Hindi ko maintindihan kung bakit napakabilis parin ng tibok ng puso ko sa kaniya sa kabila ng nangyari.


Kapwa kaming nakatingin sa isa't isa at kahit ako nanghihina sa tingin niyang ayaw mawala sa paningin ko.


Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon ang lalaking nagbigay ng saya at hapdi sa aking puso.



Ang tanging lalaking nagpadama sa akin na sa kabila ng lahat ng kasinungalingan ay napasaya parin ako. . .



Ang unang lalaki kong minahal at mamahalin. . .


Febres Rayne Davian.


"Prepare for the heavy rainfalls that will come, woman"


Hindi ko aakalaing siya pala. . .



Siya pala ang ulang dapat kong pinaghandaan.



End of Prologue.

Tears from the skyWhere stories live. Discover now