Chapter 6

1.9K 90 4
                                    

If you happen to read any typos or poor/wrong grammar, please pardon me and understand that I'm not a perfect writer po. hehe. Thank you 🫶

"I'm done." saad ko kay Azaleah pagkatapos kong i-check mga paper namin.

Tumingin ako sa oras at may isang oras pa ako bago ang work ko.

Inilagay ko sa table nito yung mga papel saka na kinuha ang bag ko.

"Where are you going?" tanong nito sa akin. Hindi ba obvious?

"Aalis na."

"Wait for me. I'll take you home."

"Wag na. Commute nalang ako." I said and tumalikod na pero pinigilan pa rin ako nito.

"No. You heard me earlier. I don't take a no for it. Beside, it is hard to wait or see a jeepney outside. You might-"

"I'm fine. Kaya kong maghintay. Also, you're busy." putol ko dito pero umiling lang siya saka tumayo at iniligpit ang mga gamit.

"I'll do it at home nalang, then. Let's go." She said at nauna pang lumabas sa akin pagkaayos ng mga gamit niya.

"Look, I'm fine naman. You can finish whatever you're doing here. You don't have to-"

"No, Kio. Don't be stubborn. I want to take you home to make sure you're safe." mataray na sagot nito bago niya ibinigay sa akin yung bitbit niyang mga papel.

Tsk. Sabi kasing wag na e. Makulit din tong babaeng to. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya dahil nabanggit naman ni Aliah how stubborn she is. Kapag gusto niya, gusto niya.

Tahimik kami ng makapasok kami sa elevator. Tinatamad akong magsalita, but again, I can see in reflection how she looks at me. Nasa may bandang likod ko kasi sa gilid ko.

Why is she looking at me like I am a very expensive thing? Tsk.

"Quit staring, Azaleah." Hindi ko mapigilang saad dahil naiilang ako sa mga tingin niya.

"I'm not staring at you. Don't be assuming." depensa nito.

Hindi ko nalang ito sinagot pa at nauna ng maglakad pagkarating namin sa baba.

Pero ng makarating kami sa parking lot ay pinauna ko siya dahil hindi ko naman alam kung alin ang sasakyan niya.

Sinusundan ko lang siya papunta sa sasakyan niya ng may makita akong taong nakatayo at nakangiti sa akin. Kumaway ito ng mapansin niyang nakita ko siya.

Nakita ito ni Azaleah kaya agaran siyang tumingin sa akin pero hindi ko siya pinansin at sinalubog ang lalaking papalapit sa akin.

"Surprise?" he said pagkalapit sa akin saka ako niyakap. Hinayaan ko lang siyang yakapin niya ako dahil hindi ko naman siya mayayakap dahil sa mga papel na hawak ko.

Kaagad din naman siyang humiwalay sa akin at ginulo pa ang buhok ko.

"Lalong gumanda ha? Lalo na't wala yung mga kaibigan mo sa katawan." natatawang saad nito.

"Shut up." I said as I rolled my eyes pero ngumiti din naman pagkatapos.

"What are you doing here?" tanong ko dito. Pero imbes na sagutin ay pinakita nito ang hawak niyang papel na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata.

"Surprise... Again..."

"Tanga. Nagtransfer ka dito?" tanong ko dito.

"I told you, susundan kita." he said na parang proud na proud pa sa ginawa.

"Gago, 3rd year kana tapos lumipat kapa? Ano bang nasa utak mo?"

"Ikaw." he answered kaya napailing ako sa kanya.

Always? Always!Where stories live. Discover now