This are work of fiction, names, character, palaces and events, if any resemblace to real person, living or dead or actual even is purely coincidental.
I wrote this without harming any other reader so do the same if you don't like my story your free to leave.
Pls don't be a silent reader I wanna know what's in your head 。◕‿◕。
Enjoy!
__________________
"Tadeo ano ba nasasaktan ako!" Malakas kong sigaw dahil sa higpit nang pag kakahawak nya sa braso ko. " You listen to me young lady, and you listen to me good, you have no rights to tell me what's wrong and what's right, im an attorney of course i know the rules of the authority and what ever my business is it's not for you meddle, pag nahuli ulit kitang pinapakialaman ang mga ebidensya sa office ko malilintikan ka sakin, naiintindihan mo? " He said while holding my cheeks with force, slowly digging his nails in my cheeks.
Napatango nalang ako. Pabalang niya ko binitawan at inayos ng suit na suot niya at tumingin sakin. " You have 5 minutes to fix your self lune, at kapag wala ka parin pag katapos ng limang minuto, humanda ka sakin" ani niya habang matalim nakatingin sakin at umalis na nang kawrto.
Sinunod ko nalang siya, nang matapos na ko ay agad nakong lumabas naabutan ko syang may kausap sa cellphone. " Oo na uuwi ako mamaya ok? Hmm, alright, love you" binaba Niya na ang tawag at lumingon sa aking direksyon. " Pumasok kana at aalis na tayo, hindi ako maaaring malate sa hearing" tumango nalang ako at pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit naging ganto ang takbo ng Buhay ko, I never expected it to be like this specially him, he wasn't like this when I first met him, he was kind and sweet but now he's a devil, a liar and a cheat. I need him for something kaya nadito parin ako sa tabi niya, once na matapos ko ang plano ko I will leave this abusive boyfriend of mine.
Nag makakarating na kami sa building agad pumasok si tadeo, at ako ay naiwan sa loob ng sasakyan. Hindi ako pwedeng lumabas hanggat wala pa si tadeo, ngunit hindi ako pwedeng maupo nalang at walang gawin, kailangan Kong malaman kung anong totoo.
Lumabas ako nang kotse at pumara nang taxi, palinga-linga ako sa paligid sinisigurado na pumasok natalaga si tadeo sa loob. Nang makasakay na ay agad Kong binigay sa driver ang address ng aking pupuntahan, habang nasa kotse di ko maiwasan na kabahan dahil alam ko na maaaring pinamanmanan ako ni tadeo sa mga tauhan nya, matagal ko ng Kilala si tadeo anim na taon kaming mag nobyo kaya di malabo na pinasundan niya ako.
Nang makarating na sa isang building mukang naabandona na ito dahil marupok na Ang mga pader, sahig at kisame nito, napapapaligiran rin ito ng mga matataas na damo, inaakyat narin ng ugat ng Puno ang ilang bahagi ng pader nito, pumasok ako sa loob ng building, dahan-dahan lang ang aking hakbang dahil baka biglang bumigay ang sahig, umakyat ako sa hagdan at pinasok sa ilang mga kwarto nito, ngunit wala naman akong Nakita kundi basag na mga salamin, beaker, test tubes at iba pang kagamitan sa isang laboratoryo.
Habang binabaybay ko ang hallway ng building ay nawawalan na ako ng pag asa dahil wala akong nakuhang kahit anong makakatulong na ebidensya sa kawalangyaan ng mga Gomez.
Habang nag lalakad mag Nakita akong pulang tali kasing nipis nito ang nylon pero parang sinulid and texture nito, hinila ako ng pulang tali, Nakita kong papunta ito sa isang kwarto, agad ko itong sinundan, tumakbo ako papunta sa kwarto habang hawak parin ang pulang tali, hinila ko ulit ito at Nakita ko na naka konekta ito sa carpet na kulay pula nasa kalahati nalang ang carpet na ito, kinuha ko ang carpet at may Nakita akong maliit na lagusan paloob, madilim ang loob nito nag dadalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob o hahayaan nalang sila jean ang tumuklas kung ano ang nasa loob, pero paano kung wala palang kwenta ang nasa loob nito edi sayang at nakakahiya na itinawag ko pa kila jean, kaya napag desisyonan ko nalang na pasukin ito.
Nilakasan ko ang loob ko at hinanda ang flashlight at pumasok na sa loob, dahan-dahan akong bumaba dahil medyo malangis ang hagdan pababa, inikot ko ang flashlight sa paligid ngunit wala parin akong maaninang na kahit ano, nag lakad pa ako paloob para Makita kung ano talaga ang nandito, ang tahimik ng paligid, tanging tulo lang ng tubig Mula sa itaas at kaluskos ng mga daga at ipis ang maririnig, ilang oras na akong nag lalakad wala parin akong maaninag na kahit ano, na ngangahulagan na sobrang lawak ng Lugar na ito, agad akong kinabahan na baka hindi na ako makabalik sa itaas pero patuloy parin ako sa pag lalakad ng tumunog ang cellphone ko, tinignan ko kung sino sa tumatawag, si lavin agad ko itong sinagot.
"hello lavin bakit na napatawag"hinintay ko itong sumagot
"lune umalis kana dyan! " Humahangos nitong sabi
" Ha? Bakit? Hindi kita maintindihan" na guguluhan Kong tanong
" Si tadeo!"
Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagkabog nang aking dibdib, bimibilis ang aking pag hinga at nag sisimula na akong pawinsan
" A-anong meron k-kay tadeo?"
" Basta umalis- hello honey? Hindi ka talaga mapagsabihan ano? Ang tigas talaga ng ulo mo...
Kung ako sayo tumakbo kana... Lune I'm coming."
Kasabay nang pagtalikod ako ng pag Palo ang kung anong matigas sa aking ulo, napahiga ako sa sahig unti-unting nawawalan ng Malay, pinipilit ko parin na maaninang ang tanong pumalo saakin at hindi ako nag kakamali kilala ko Ang ngisi na iyon....
__________
Hello guys sorry for the grammatical errors hindi ko na naayos.
Ps. This was my in drafts since 2020
- ms. Solar
