That's my sign. Yun lang ang kailangan ko para tuluyang bitawan si Misty.


Masasaktan ko lang siya kung mananatili pa ako sa tabi niya ng matagal dahil tama si Haines, aalis din naman ako.


Hindi ko man lang narealize na, masasaktan ko siya. Posibleng maibalik ko yung past niya na ayaw na niyang alalahanin pa. Pero para sa akin, hindi niya inisip na posible yun.



Umakyat agad ako sa kwarto niya at nagsulat sa sticky notes dahil full moon naman at kaya kong magsulat.



Ang bigat ng dibdib ko. Ayokong umalis. Ayokong umalis sa tabi niya pero kailangan. Hindi naman para lang sa akin 'to. Para kay Misty 'to na walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako.


Kaso mahirap pala talagang iwanan ang taong ayaw mo pang bitawan 'no? Kasi nakita ko nalang ang sarili ko na nasa harapan ni Misty.


Umuwi ulit ako sa itinuturing kong tahanan sa mga oras na 'to.


Alam kong masama dahil naka-depende na ako kay Misty pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.


"Misty," limang araw akong hindi nagparamdam sa kaniya. At sa limang araw na yun, madalas ko siyang pinapanood at sumusunod sa kaniya tuwing pauwi siya dahil madalas ay mag-isa siya.


Bakit ba gustong-gusto niyang mag-isa?


"Anong gagawin ko?" Naguguluhan na tanong ko sa kaniya dahil gulong-gulo na talaga ako sa kailangan kong gawin. Hindi ko na alam kung paano pa ba ako makakabalik sa katawan ko. Wala na akong maisip na paraan.


"Isa lang. Isa lang ang kailangan mong gawin, Kiervy." Napunta sa kaniya ang atensiyon ko. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao niya.


"Ano yun?"


"Manatili sa tabi ko."

Ginusto kong tumaya sa isang bagay na kahit ako, hindi ko sigurado kung magiging maayos ba pero dahil kay Misty naman, ginawa ko.


Susugal ako.


Ipinaliwanag ko kay Misty ang dapat na gagawin ko kaso nagbati din agad kami. Hindi ko matiis eh. Hindi ko siya magawang matiis.


"Hello, everyone." Napangiwi ako nang makita yung Aeron na magpe-perform ata dito sa Adelaide. Hindi ko siya gusto. Hindi ko sila gusto lahat. Naiinis ako sa kanila. "I'm going to play a song for this wonderful event. I hope you will like it." Wala pa siyang nasisimulan ay hindi ko na gusto kaya 'wag na siya magsalita.


Rinig ko ang tili ng mga kababaihan sa paligid ko pero as long as hindi si Misty ang sumisigaw, mananatiling kalmado ako.


Kasi kung sisigaw siya, magseselos talaga ako ng malala. Dadamdamin ko yun at baka yun pa ang ikamatay ko.


"Sus. Puro ngiti naman umay. Hindi naman maganda ang boses." Totoo naman ang sinasabi ko pero sinaway agad ako ni Misty.


"Hoy bad ka."


"Nagsasabi lang naman ako ng opinyon ko."


"Ang pangit ng opinyon mo."


"Mas pangit ang boses niya." Masama talaga ang loob ko. Bakit pinapakanta yan eh hindi ko naman maintindihan ang boses niya.


Sa mga opinyon na sinasabi ko, hindi ko alam kung makakapunta pa ba ako sa langit pagkatapos nito.


My Heart Heard Your VoiceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz