Chapter 21

47 1 0
                                    

Kiervy's POV


Ang tagal ko ng naiinggit sa kanila ng mga kapatid niya kapag naglalaro sila nung uno cards kaya naman yun agad ang hiniling ko sa kaniya kaso——nagkakadayaan eh. Ayaw niya magpatalo. Pfft.


"Akala mo hindi ko napapansin?" Napatigil ako at kunot-noong tumingin sa kaniya.


"Ang alin?"


"Kanina mo pa ako pinagbibigyan kasi alam mong mabigat ang dibdib ko hindi ba? Hindi ba?"


Nahalata niya ako.


"H-hindi ah." Umiwas talaga ako ng tingin at hinawakan ang balikat niya para ilayo sa akin dahil naiilang ako at ang bilis na rin ng tibok ng puso ko potah. Mauuna pa ata akong mawala kesa sa sarili kong katawan dahil kay Misty.



"Kiervy,"


"Hmm? May problema ba?" Kailangan ko na siyang patulugin dahil nahihiya na ako. Nababaliw na talaga ako. Ang lala ko na eh wala pa namang gamot dito. Kahit ilang gamot pa ang ilagay sa katawan ko, hindi mawawala 'tong nararamdaman ko. Alam ko yun.


"Gusto ko lang sabihin na masaya akong may ganito akong kakayahan."


Napangiti agad ako sa sinabi niya.


Hindi ko masabing natutuwa ako dahil napunta ako sa ganitong sitwasyon pero nagpapasalamat ako ng konti dahil nakilala ko si Misty. Nakilala ko yung babae na naging liwanag ko sa napakadilim na mundo na meron ako.


Sumunod agad ako papunta sa photography club pagkatapos namin makausap ang President ng Adelaide. Anak niya pala si Katelyn. Pamilyar silang dalawa sa akin.


"Haines, may kailangan akong sabihin sayo." Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanilang dalawa at doon ko nalaman lahat.


Doon ko nalaman ang nangyari kay Misty dati.


"Nakalimutan mo na ba, Misty? Those things ruined you nung high school and you want to ruin your life again for them?"


"Haines, come on."


"Alam ba ni Tita 'to?"


"Hindi. Ayoko sabihin."


"Kasi mapapagalitan ka? Misty, you promised us na hindi mo na ulit papansinin ang mga naririnig mo because of what happened to you before. Akala namin ay tototohanin mo but now, Kiervy is a ghost, right?"


"Oo. And I am helping him to find his body."


Ayokong nagmamakaawa ng ganito si Misty dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil willing siyang gawin ang mga bagay na 'to to the point na posibleng mag-suffer siya sa dating nakasakit sa kaniya para lang matulungan ako.

"Haines!! Walang nasisira dito! I am not ruining myself!"


"Yes you are! You are being normal na Misty! You have your friends! Everyone can talked to you now! They wanted to be friends with you! And you're gonna throw all of this because of him?? Because of that ghost na alam naman natin pareho na walang madudulot sa buhay mo! They will just ask for your help and when you helped them, wala na! Hindi na sila babalik!"

Itatapon niya ang normal na niyang buhay ngayon para lang matulungan ako.


At mas luminaw lang sa akin ang lahat nang marinig ang usapan nila ng mother niya.


My Heart Heard Your VoiceΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα