Chapter 10

36 0 0
                                    


TAHIMIK lang na gumagawa ng schedules si Ainah sa working table niya habang ang isa niyang maliit na laptop na nasa ilalim ng mesa niya ay nag-generate ng data na kailangan niya sa imbestigasyon. Sa loob ng ilang araw na naka-tap ang phone ng mga kasambahay sa kanila ni Cedrick ay wala pa naman silang nakukuhang kahina-hinalang detalye.

She was like a ghost at the corner of the office. Althed was just on his table and busy on his laptop. Hindi na niya ito masyadong ginugulo dahil baka mainsulto na naman siya tulad noong isang araw. Grabe siya. Ang laki na nga ng iginanda ko mula noon, as in glow up kung glow up tapos sasabihin niya iyon?

Napatingin siya sa laptop sa ilalim ng mesa niya nang makita ang chat ni Cedrick. May ipinadala itong mensahe tungkol kay Samuel, ang isa sa company drivers. Binasa niya ang file. Isa iyong police report—dated five years ago—tungkol sa isang construction worker na namatay. According sa report, ang namatay na construction worker ay pinatay mismo ng katrabaho nito. Ang tinutukoy na construction worker ay anak ni Samuel at ang gusaling itinatayo ng panahong naganap ang insidente ay ang SCK Tower, ang mismong building kung saan siya naroon.

Mula sa ginagawang work schedules ni Althed ay napa-focus na siya sa binabasang data. Hindi malinaw ang dahilan ng nakapatay kung bakit nito nagawa ang krimen. Nag-message siya kay Cedrick para i-confirm kung nasa Bilibid pa ang convict. Isang legal document pa ang nabasa niya na nag-confirm ng financial assistance ng Kaviero Group of Companies sa pamilya nina Samuel dahil naganap ang krimen sa kanilang properties.

Ainah checked the employment data of KGC in her laptop. May recommendation letter mula kay Mrs. Sophia Chii-Kaviero ang employment record ni Samuel Pesa. Mukhang kasama ang trabaho sa tulong na in-offer ng kompanya sa pamilya nito. But still, he has a reason for revenge. She navigated her laptop again. Ilang segundo lang ay nakapasok siya sa real-time CCTV monitor panel ng SCK Tower at SCK Mall. Manual search na hinanap niya si Samuel. Natagpuan niya itong nakatambay sa smoking area ng building malapit sa parking area. Kasama nito ang personal drivers nina Irvo at Jasper. Nakita niyang nilapitan ni Cedrick ang mga ito at nakikipagkuwentuhan na ang huli. Hinayaan na niya si Cedrick na kumuha ng impormasyon. Inilipat niya ang viewing sa CCTV sa may working table ni Vernice. May inilagay siyang spy cam na nakatutok sa working area nito para makita niya ang galaw nito. Bagama't walang suspicious sa pagkaka-hire nito bilang secretary ni Althed, may something off siyang napansin dito. Everyday, Vernice was taking photos of Althed in discreet. I need to tap her phone. Madali niya kasing napapasok ang computer na ginagamit nito at malinis ang laman noon. Siguro dahil alam nitong nakikita ng IT department ang laman ng bawat company computers, naging maingat din ito.

Namataan niya sa monitor na paparating si Jasper Chii kaya agad niyang itinago ang kanyang laptop. Ilang segundo nga lang ay bumukas ang pinto at dumiretso ito kay Althed. "I need more clarifications." Umupo ito sa couch just few meters away from Althed's working table. Napatingin ito sa kanya.

Tumango lang siya bilang respect. He just nodded and smiled bago ito muling nagseryoso nang bumaling ito kay Althed. The next thing happened, Ainah heard a sort of business arguments between the two.

"Why did you terminate the contract of Quizon Farm?" tanong ni Jasper.

"It's time," tipid na tugon ni Althed.

"But it's early termination. May dalawang taon pa sila dapat. Quizon Farm has been our dealer ever since the SCK Supermarket was born," tugon nito. "I don't know why you are doing this. Ni hindi ka kumunsulta muna sa amin ni Daddy."

"The company is no longer capable of providing what SCK needs. We constantly receive reports from purchasing department about the quality of the goods that Quizon Farm delivered. They can't provide what we need both in terms of quality and quantity. We need to let go those incapable suppliers."

TLBS1: Lost With A Haughty BillionaireWhere stories live. Discover now