KABANATA 4

12 3 0
                                    

"Paano ho ako napunta dito?" kaagad na tanong ko

"Hmmm...dinala ka dito ng anak ko, wala kang malay non at pulos galos" ngiting sagot nito

"May anak po kayo? "

"Oo, hija Helix ang pangalan niya. Ikaw hija ano ang pangalan mo?" ani nito

"Hellia po, maraming salamat po pakisabi sakanya, sainyo rin po salamat" sagot ko

"Napakaganda ng iyong pangalan, makakarating hija" nginitian ko ito

"Bahay niyo po ba ito? Nasa siyudad po ba tayo?" tanong ko

"Oo bahay namin ito, nasa gitna ito ng gubat. Maligayang pagdating sa INFERNUS hija." nakangiti nitong sabi

Parang may kakaiba sa mga ngiti niyang iyon, nakakakilabot. Nginitian ko nalamang ito pabalik.

"Salamat po, akyat napo muna ako" paalam ko

Pagkarating ko sa kwarto ay kaagad kong kinuha ang aking cellphone. Tinignan ko kung may signal naba ngunit wala parin.

Hanep yan! Nakakainis, kakaiba ang pakiramdam ko dito sa bahay na ito. Hindi ko maipaliwanag.

Napagpasyahan kong magpahinga muna.

Hapon na ng magising ako, maggagabi na at ito nanaman ang kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Bumaba ako, natagpuan ko ang ginang sa sala. Naka luhod ito parang nagadadasal , may ibinubulong na hindi ko maintindihan. Weird

Nagulat ako ng bigla itong lumingon saakin at nginisihan ako.

"Hija, maayos naba ang pakiramdam mo"

"Ahh...opo, ano po ba iyang ginagawa ninyo?" tanong ko, nginitian ako nito

"Naghahanda para mamayang gabi" nagtaka ako

"Ano pong meron mamaya?" nagatatakang tanong ko

"Malalaman mo" tsaka ako nito nginitian, nakakakilabot, pinagpatuloy na nito ang  ginagawa.

Bumalik ako sa taas hindi ako mapakali, may kakaiba talaga dito. Bakit nasa gitna ng gubat ang bahay na ito, hindi ba sila aware sa halimaw na iyon? At ano ang meroon mamayang gabi?

Naglibot-libot ako kailangan kong makahanap kasagutan sa mga tanong saaking isipan.

Habang naglilibot ako ay napatigil ako ng may makitang kakaibang pintuan, kulay itim ito na may kakaibang disenyo,may nakalagay sa itaas nito na "INFERNUS" tila ba'y dugo ang ginamit para isulat ito.

Hahawakan ko sana ang seradura ng pinto ng biglang sumulpot ang ginang.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin hija, wag na wag kang lalabas saiyong silid pagsapit ng gabi. Kahit anong mangyari, kahit ano pa man ang iyong marinig ay wag kang lalabas. Wag kang magpadala saiyong kuryosidad, dahil maari ka nitong dalhin sa kapahamakan." tsaka ito naglakad paalis

INFERNUSWhere stories live. Discover now