KABANATA 3

11 2 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman ang sinag ng araw sa aking magandang mukha, umaga na pero teka nasaan ako? Nilibot ko ang aking paningin, kaninong silid ito?

Tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang aking ulo, biglang nagsibalikan saaling isipan ang mga nangyari kagabi.

Napaupo ako sa sahig at sumiksik sa gilid na tila ba takot na takot, hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang takot at kilabot.

Sariwa pa saking isipan ang lahat ng nangyari, bigla kong naalala ang lalaking nagligtas saakin.

Hindi nga pala ako nakapagpasalamat sakanya, kung hindi siya dumating ay malamang ginawa na akong hapunan nung halimaw na iyon. Utang ko sakanya ang aking buhay.

Nang mapakalma ko na ang aking sarili ay tumayo na ako, sakto namang pagbukas ng pinto. Bumungad saakin ang isang babae, i think she's in her early 40's. Maganda ito maputi , mahaba ang buhok at maganda din ang hubog ng katawan.

"Magandang umaga hija, gising kana pala." nakangiting bati nito

"Magandang umaga rin po" magalang at nakangiting sagot ko

"Kamusta ang tulog mo?" tanong nito

"Maayos naman po, medyo masakit pa po ang ulo at katawan ko"

"Ganoon ba, halika mag almusal ka muna at uminom ng gamot pagkatapos, ng saganon makapagpahinga ka ulit" nagaalalang ani nito

"Nasaan nga po pala ako? Paano po ako napunta dito?"

"Kumain ka muna tsaka natin pagusapan"

"Sige po" bumaba na kami papunta sa kanilang kusina, pinagmasdan lamang ako nito habang kumakain. Nakakailang.

Pagkatapos kumain ay pumunta kami sa kanilang sala para pagusapan ang dapat pagusapan.

INFERNUSDär berättelser lever. Upptäck nu