DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, incident, characters, location, places, events are either the product of author's imagination. Any resembles to the actual persons, or events is purely coincidental.

***

Freya Brielle Sanchez's POV

Nasaan ako?

"Love!"

"Love!"

"Love!"

Paulit-ulit ko yang naririning. Pilit kung hinahanap kung saan galing ang boses pero hindi ko alam kung saan nagmumula. Lakad-takbo na yung ginagawa ko pero hindi ko parin alam kung nasan ako. 

"Aray" Sabi ko ng nadapa ako, tatayo na sana ako pero biglang nagpalit yung lugar. And this time nasa park na naman ako. Ang gandang lugar para kang nasa Disney dahil yung park ay pinalilibutan ng mga magaganda bulaklak.

"Love!"

Ito na naman yung boses na kanina ko pa naririnig. Luminga-linga ako pero wala akong makita.

"Love! Just you wait I'll find you." Yun ang huli kong narinig bago ko imulat ang aking mga mata.

/Ringggggg/

Napaupo ako sa kama galing sa isang malabong panaginip. Halos gabi-gabi kong napapanaginipan ng paulit-ulit ang mga senaryong yon. Kanino kayang boses yun? At bakit paulit-ulit siya. Pinahid ko ang butil ng pawis sa aking noo at bumangon dahil may pasok na naman.

"Goodmorning baby!"

"Goodmorning Mom, morning Dad." Sabi ko at humalik sa mga pisngi nila. 

It's been 2 years since I was discharged from the hospital. Hindi pa rin bumabalik ang part ng  mga alaala ko lalo na yung mga nangyari kung saan nasa Spain ako. Hindi ko parin alam kong anong sanhi ng pagka-ospital ko. Pero sa 2 years na pamamalagi ko sa bahay namin ay unti-unti ko ring naalala yung taong nakapaligid sakin dito. Hindi nga lang lahat-lahat. 

"Mom, Dad, maybe I will be home late later. My friends and I decided to hangout later, eh. Since medyo stressfull yung mga nakaraang weeks namin." Paalam ko sa kanila.

"Okay, just text your Kuya Vhon so that he can fetch you."

"Okay."

Ganyan ang mga magulang ko simula ng umuwi ako dito. Sobrang overprotective nila sakin, but I'm trying to understand dahil muntik na akong mawala sa kanila.

"I'm going to school Mom, Dad. Bye! see you later po." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil alam kung puro bilin na naman ang sasabihin nila. Pagdating ko sa School ay nandun na si Alessia, yung pinsan ko kasama si Sienna at Rhyss. Halos magkababata lang daw kaming apat according to Alessia. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil nga sa mababait sila. Lalong-lalo na si Rhyss. 

"You're almost late, cous." Reklamo ni Alessia

"You dreamed about those vague dreams, didn't you?" Tanong naman ni Rhyss. Napatango na lang ako sa mga tanong nila.

"Hayaan niyo na. Anyways, Let's go baka malate tayo."

Habang nasa University kami ay samo't-saring mga tao ang aking mga nakakasalubong. Dahil nga maaga ngayon ay hindi na nakakapagtaka. I'm a 3rd Year College, taking a Bachelor of Science in Engineering at the University of Santo Tomas. We are all taking up Civil Engineering kaya mas lalo kaming naging close ng mga friends ko.

"Hi, uhm is this the room for Engineering Utilities?" Tanong ko sa isang babae na nakaupo sa labas ng room.

"Uhhh, Yes it is. Come on in."

Memory BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon