Prologue

7 0 0
                                    

"Talaga bang maayos ka na"?

Tumango ako kay Alessia, pinsan ko daw. Nandito ako ngayon sa ospital sa Spain naaksidente daw ako. Napapikit ako ng mariin ng biglang sumakit ang ulo ko, pilit kong inaalala kung bakit ako na aksidente. I have a temporary memory loss sabi ng doctor, kaya yun ang dahilan kung bakit wala akong naaalala.

"Kung mag stay na lang kaya muna tayo dito, Insan? Sina Tito Fred ay bukas pa pupunta dito." My cousin said.

Tumingin lang ako sa kanya, feeling awkward because I really don't know her. Pero sabi niya ay close daw kami magmula nung bata pa. And I don't have a choice but to trust her. Mukhang mabait naman siya dahil nung pagkagising ko sa coma ay siya yung nadatnan ko na umiiyak.

"Tito Fred? Is that the name of my Father?" I asked her cluelessly.

"Yes Insan, Siguro, we really should go home, at baka pag-uwi natin doon sa Pilipinas ay may maalala ka dun. Bakit ka ba kasi pumunta dito sa Spain ng mag-isa." Sabi niya habang nag aayos.

"I go here, alone?" She just nodded as a response.

"Anyways, let's go. I've already book a hotel para dun muna magpahinga." I just nodded and follow her silently.

Habang naglalakad sa hallway ng ospital ay napatingin ako sa bintana ng isang kwarto. Merong isang lalaki na nakahiga dun at maraming kung anu-anong nakadikit sa kanyang mga apparatus. Hindi ko namalayan na tumulo na yung luha ko habang pinagmamasdan siya. Bigla ring tumibok ng malakas ang aking puso at sumakit ang ulo ko.

"What the hell! Aray!" Sigaw ko. Humahangos na tumakbo si Alessia sa akin at inupo ako sa upuan. Kumuha siya ng tubig at pinainom sakin. Ilang minuto ang lumipas ay nawala na yung lakas ng tibok ng puso ko at yung sakit ng ulo ko pero yung luha ko ay tumutulo parin sa hindi ko malamang dahilan.

"Ano, Insan tatawagin ko na ba si Doc? Masakit pa ba? Tahan na Insan wag ka nang umiyak." Tarantang sabi ni Alessia.

"I-I'm okay, now. Let's go." Hindi pa ako nakakatayo ay biglang nagsitakbuhan ang mga nurse at doktor sa loob ng silid na yun. Hindi na ako muling tumingin kung anong nangyayari dun dahil yung mga luha ko ay nagsisipatakan sa hindi ko malamang dahilan.


Memory BridgeWhere stories live. Discover now