Napailing ako sa tanong niya.

"Gaga. Syempre para malaman niya kung ano yung laman ng utak natin." Sagot naman nito.

"Sus. Ikaw, puro lalaki laman ng utak mo. Hindi ba alam ng kapatid mo yon?" saad ni Sandra.

"Tanga. Di mo sure."

"Sure ako. Kita ko laman ng messanger mo kahapon, puro lalaki. Pare-pareho pa ng nickname. Baby amputa. Kaya pala ang losyang mo dami mo ng anak." pang-aasar nito kaya binatukan siya ng isa.

Ganyan na yan mula kahapon. Nagulat nalang ako ganyan na silang mag-usap na akala mo sobrang tagal na nilang magkaibigan.

"Foul na yan. Sino ba kasi nagsabing tignan mo messanger ko?"

"E sinong tanga ba kasi ang mang-iiwan ng phone tapos nakabukas pa yung messanger?" sagot nito.

"Che! Bahala ka nga." Pagsuko ni Aliah na ikinatawa ng isa.

"Bakit ba kasi kayo yung naging kaibigan ko?" bulong nito pero dinig naman namin.

"Tanga talaga nito. Ikaw yung lumapit samin e." Sandra said.

Napailing ako sa mga sagutan nila.

Nagtuloy tuloy lang sila mag-asaran hanggang sa dumating na ang prof namin sa MathWorld na nagbigay lang din ng pre-test saka na umalis kaagad.

Sa ikalawang subject namin which is USelf, ay ganoon din pero mas nahirapan ako dito dahil may mga philosophers pa sa tanong. Kahinaan ko ang tao kapag ganitong usapan sa school, but luckily, nasagot ko naman halos lahat.

Lunch time na and nasa cafeteria kaming tatlo. Nasa pila pa ang dalawa kaya nagulat nalang ako ng biglang may tumabi sa akin.

It was her.

Napatingin ako sa gilid niya pero wala siyang kasama. Nang tumingin ko sa pila ay doon ko nakita yung kambal na lagi din niyang kasama.

"Hi." Bati nito sa akin na bahagya pang nakangiti.

Tumango lang ako sa kanya bilang pagbati pero narinig ko itong suminghal.

"Where's your respect, Kio? You're suppose to greet me when you see me. I mean, us. Your professors." saad nito.

Hindi ko siya nasagot ng dumating ang mga kasama ko pati yung kambal na propesora.

"Mainit, Kio." Paalala sa akin ni Sandra pagkabigay niya ng food ko kaya tumango ako at humarap sa kambal.

"Afternoon po, mga Miss." bati ko sa kanila na ikinagulat nilang lahat lalo na yung katabi ko.

"Why are you greeting them?" tanong nito.

"You just said I must greet professors when I see them." I answered her na ikinasama ng tingin nito sa akin.

Kita kong ngumisi ang dalawang prosesor at tumawa naman yung dalawa ko pang kasama.

"And you haven't greet me yet." matigas na saad nito sa akin.

I just shrugged my shoulder na ikinasama lalo ng tingin niya sa akin.

Napatingin ako sa isa pang kasama ng mga propesora dahil hindi ko ito agad napansin kanina.

Nakatingin lang ito ng daretso sa akin na para bang sinusuri nito ang mukha ko.

She's beautiful. I must admit. Like me, she has light brown eyes.

"Ay. Siya nga pala si Lennon. Pinsan nila Miss Peizen at Miss Faiza. Dito din siya nag-aaral pero grade 10 palang siya." pakilala ni Aliah dun sa babae.

Always? Always!Where stories live. Discover now