The bridge where it all began.

1 0 0
                                    

Pataas pa lamang ang araw ay lumabas na'ko ng bahay upang tumakbo. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nasilayan akong binibini na naka-tayo sa itaas ng mataas na  tulay.

Sa unang tingin ay aakalain mong sya'y nagnanais na wakasan na ang kanyang buhay. Kaya naman dali-dali akong tumakbo upang hilahin s'ya pabalik.

Pagkahila ko sakanya ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha.

"Kriza?" pangalang aking nasambit.

"Ano ba!" pagalit nya namang sumbat.

Ini-upo ko siya sa may bench sa ilalim ng puno.

"Anong ginagawa mo sa tulay?" tanong ko sakanya.

"..." wala syang imik at tila gulong-gulo ang kanyang isipan.

Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalita na sya.

"Bakit lahat ng taong malapit sa atin kailangang lumisan?" tanong niya sa akin.

It turns out na nagpunta pala ng ibang bansa ang dad nya at kaka-break lang nila ng ex-boyfriend nya.

"That's what people do. They leave, they go somewhere far away. Sometimes it's for good, sometimes they just felt like it." ang sabi ko sakanya.

"Hindi naman lahat ng taong umaalis ay nang-iiwan, hindi rin naman lahat ng taong nang-iiwan ay umaalis nang walang dahilan." sambit ko sakanya.

"Sometimes, us, humans, akala natin paglisan ang kaisa-isang paraan para mapawi lahat ng problemang pasan-pasan natin. Lahat ng taong umaalis nang walang dahilan, ay mga taong takot harapin ang katotohanan" dagdag ko.

"Well, it's a shame to be a human" mga katagang nasambit niya sa akin.

Pagkatapos ay umalis na sya. Walang paa-paalam, hindi man lang nagsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So this is how it ends?Where stories live. Discover now