"Salamat," ani ko at sinulyapan siya.

Kanina ko pa napapansin na hindi siya tumitingin sakin. Nanatiling bahagyang nakayuko ang mga mata niya at iniiwasan ako.

"Pagkatapos mong kumain, kung kaya mong tumayo ay lumipat ka na sa pabalik sa kwarto mo. Inutusan ako ni Mr. Hudson na hindi ka na muna papapasukin ng isang linggo."

Isang linggo? Ganun ba ka grabe ang pagkasira ng katawan ko?!

"Hindi.." nag-init ang pisngi ko at hindi ko maisaboses ang mga gusto kong sabihin. "Hindi k-ko kaya.. hindi ko kayang tumayo.."

"I'll bring a wheelchair."

Buong buhay ko ay hindi ko alam na talagang gagamit ako ng wheelchair dahil lang sa ganitong rason. Nakakahiya.

Ang mas lalong nakakainit ng pisngi ay ang katotohanang ang isa sa mga taong nasa kotse habang ginagawa namin ni Mr. Hudson 'yon, ay nasa harapan ko. Kung umakto siya ay para lang walang nangyari. Sanay na nga talaga sila sa mga ganun. Pang ilang lalake na kaya ako.

Tumalikod na sakin si Nelson upang umalis na ng kwarto. Pinulot ko ang kutsara at tinidor at magsimula ng kumain.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagsara nito kaya hindi ko maiwasang mapalingon doon. Bago pa tuluyang maisarado ang pinto, mula sa maliit na bukana ay nakita ko kung paano hilutin ni Nelson ang ulo niya at mariin siyang pumikit.

"Fuck, Umayos ka, Nelson," rinig ko ang pagmura niya sa sarili. Mahina man ang pagkakasambit niya ngunit rinig ko siya.

'Yon ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng emosyon mula sa boses niya. Palagi siyang pormal at tila robot kung magsalita kaya nakakapanibago 'yon. Ano kayang nangyayari sakaniya?

Binalewala ko nalang 'yon at nagpatuloy na sa pagkain. Maya-maya lang ay bumalik na si Nelson at nagdala talaga siya ng wheelchair. Inalalayan niya akong maupo doon saka niya ako dinala sa kwarto ko.

Pagkatapos kong makabalik sa kwarto, ay muli akong naidlip at pinahinga ang katawan.

Isang buong linggo talaga ako hindi nakapasok. Sinubukan kong pakiusapan si Mr. Hudson na papasukin ako ngunit hindi siya pumayag. Nagsimula na akong mabahala sa pag-aaral ko.

Ngunit kung iisipin ay hindi na 'yon ang importante ngayon. Ang importante ay makaya ko pang matiis ang buhay kasama si Mr. Hudson at kung makakawala pa ba ako sa puder niya.

Isang umaga nung magising ako at nadatnan ko siyang nakatitig sakin. Nakatayo siya sa dulo ng kama habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Hindi gaya ng palagi niyang suot na pormal na suit, ngayon ay isang black button-up ang suot niya at ang huling dalawang buton ay nakabukas. Nakagrey siya na pants at kulay itim na sapatos.

"Mr. Hudson," napabangon kaagad ako.

"Get ready, we're going somewhere," aniya at nilapag sa kama ang isang paper bag na naglalaman ng damit. "I'll give you ten minutes," huli niyang sambit bago siya umalis ng kwarto.

Kaagad na akong tumayo at binilisan ang kilos. Mabilisan akong naligo at nagbihis. Hindi ko pa nabubutones ang suot ko nung bumukas na ang pinto.

"Naghihintay na si Mr. Hudson sa'yo," ani Nelson.

"Opo, nandiyan na," ginulo ko nalang ang basa ko pang buhok saka lumabas na ng kwarto.

Peace In Your ViolenceΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα