✧: 2

14 0 0
                                    

——★

Tara’s P.O.V

Agad akong namilipit sa sakit nang magising ako sa sipa ni tatay.

“Anong oras na! Bakit tulog ka pa hanggang ngayon?! Gutom na ako oh!”

“P-pasensya na po. Magluluto na po ako.” sabi ko saka tumayo.

Inismiran niya ako. “Kailangan pagbalik ko ay may pagkain na ha, kundi talagang malilintikan ka sa'kin.”

Sabado ngayon kaya walang pasok sa eskwelahan. May trabaho ako mamaya sa café hanggang alas kwatro ng hapon. Pagkatapos ay papasok naman ako bilang waitress sa isang restaurant.

Kahit masakit ang sikmura ko mula sa pagkakasipa niya, hindi ko 'yon ininda. Hindi pa ba ako nasanay? 19 years old na ako ngayon, second year college sa isang med school. Ang ganitong klaseng sitwasyon ay araw-araw kong nararanasan. Sanay na ako.

Mahal ang tuition pero sa awa ng Diyos ay naging iskolar ako. Bukod sa libre na ang tuition ko, pinapadalhan pa nila ako ng limang libo kada buwan. Hindi iyon alam ni tatay. Ayokong ipaalam iyon sa kaniya. Dahil alam ko, wala na naman matitira para sa akin.

Kumuha ako sa maliit naming ref ng tatlong itlog at kapirasong karne ng baboy.

Nang mailuto ay inilapag ko na agad lahat ng kailangan ni tatay sa lamesa. Kinuha ko ang kapirasong karne na iniluto ko atsaka pumasok sa kwarto para mag-ayos dahil papasok na ako.

Inilagay ko sa lagayan ang karne saka ako naligo.

Pagkalabas ko ng kwarto ay kumakain na si tatay. Napatingin siya sa'kin atsaka bumalik ulit sa pagkain.

Lalabas na sana ako nang bigla siyang magsalita.

“Ibili mo nga ‘ko mamaya pag-uwi mo ng bagong short. Butas na kasi ‘yung paborito ko e.”

Tumango na lang ako saka lumabas.

Hindi pa masyadong mainit ngayon dahil alas otso pa lang naman ng umaga. Alas nuebe pa ang time ko sa kapehan kaya pumunta muna ako sa lugar kung saan araw-araw akong pumupunta dahil may obligasyon ako ro’n.

Agad tumakbo ito papalapit sa akin nang makita ako.

Kinamot ko muna ang tiyan niya dahil gustong-gusto niya ang gano'n.

Narito ako ngayon sa bakanteng lote na walang pumupuntang tao kundi ako lang.

Inilabas ko mula sa bag ko ang karne  na niluto ko kanina atsaka ang baon kong tubig at kanin. Nilagyan ko na rin iyon ng dog food at vitamins.

Nilantakan naman agad ni Casper ang pagkain niya.

Si Casper ang nagligtas sa akin noon sa isang magnanakaw. Tatlong taon ko na inaalagaan ang aso na 'to. Araw-araw ko siyang dinadalhan ng pagkain, umaga at gabi. Hindi ko siya maiuwi sa amin dahil alam kong ibebenta lang siya ni tatay kaya naman ginawan ko na lang siya ng bahay dito para may masisilungan siya kapag mainit o umuulan.

Wala talagang tao na pumupunta rito dahil natatakot silang baka mamatay sila. Kilala kasi ang lote na 'to na sumpa dahil lahat daw nang pumupunta rito ay namamatay.

Nilinis ko ang bahay ni Casper habang kumakain siya. Nilagyan ko na rin ang pangalawang tubigan niya ng maraming tubig dahil baka uminit nang matindi mamaya, ayoko namang mauhaw siya. Pinalitan ko na rin ang bedsheet niya dahil madumi na ito, siguro ay nahiga na naman siya sa lupa ta’s sumampa siya rito kaya medyo maputik.

Kulay puti si Casper at nakataas ang isang tenga niya na animo’y antena.
Tuta pa lang siya nung niligtas niya ako, nakakatuwa nga dahil natakot sa maliit na kagaya niya 'yung magnanakaw.

Si Casper ang tanging kakampi ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit kahit mapait at unfair sa'kin ang mundo, gusto ko pa ring mabuhay.
Ayokong maiwan siyang mag-isa dahil alam ko ang pakiramdam na maiwan.

Pumunta sa tabi ko si Casper nang matapos niya ang pagkain niya.

“Busog ka na ba, Per?”

Kumawag ang buntot nito kaya alam kong "oo" ang sagot niya.

Nagpaalam na ako sa kaniya dahil papasok na ako, baka kasi wala akong masakyan na jeep kapag hindi pa ako umalis.

Ini-lock ko ang gate para hindi makalabas si Casper which is hindi naman niya ginagawa pero para makasigurado na rin.

Ang bakanteng lote kasi na 'to ay 'yung kagaya sa tv na may nakalagay na "bawal pumasok".

Malawak iyon at kayang patayuan ng mansyon kaya kahit nandito lang si Casper, nakakalakad-lakad pa rin siya.

>>>>

Nakasakay na ako sa jeep. Muntik pa ngang hindi makasakay dahil puno na, buti at bumaba na ‘yung isang pasahero kaya nakasakay ako.

Mabilis lang naman ngayon ang biyahe dahil wala namang traffic. Kaya wala pang kinse minutos ay nakababa na ako.

Bukas na ang café at nandito na si Ethan, ang ka-trabaho ko.

“Good morning, Tara!” bati nito.

Tumango ako. “Morning, Than.”

Nag-ayos na ako at naghugas na ng mga gagamitin para mamaya.

Alas dyis ay nagsidatingan na ang customer namin. Si Ethan ang taga timpla, ako naman ang nasa counter.

Mabilis lumipas ang oras at sarado na ang café.

Nasa labas na ako at hinihintay si Ethan dahil nagbibihis pa 'to sa likod.

“Uuwi ka na ba niyan?”

Umiling naman ako. “May work pa ako sa Crams.”

“Hanggang anong oras ka ro’n?”

“10 pm.”

Nagsimula na kaming maglakad papuntang terminal.

“Sipag mo talaga, ‘no? Hanga ako sa‘yo eh.” natatawa niyang sabi.

Tumawa rin ako.“Alam ko namang idol mo ako, huwag mo naman masiyadong ipahalata.”

Nagkwentuhan pa kami at natapos lang nang makasakay na siya.

[ Ethan 🎸 ]

hoy, ingat ka.

Natawa naman ako. Nag-text pa talaga siya.

Nireplyan ko naman din ‘yon dahil kung hindi, baka bukas e awayin na naman niya ako dahil hindi ko siya nireplyan.

[ Ethan 🎸 ]

ty, same.

Ambilis niya mag-reply dahil kaka-send ko lang e nakasagot na agad siya. Dami namang load nito.

[ Ethan 🎸 ]

himala nag reply ka XD

Hindi ko na siya nireplyan at binulsa ko na ang cellphone ko.

Napakalalaking tao kasi napakahilig mag text, dinaig pa ako eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STARS AROUND MY SCARSWhere stories live. Discover now