kabilang buhay

37 1 2
                                    

Sa kabila ng apat na taon
Sa pagkawala mo'y d parin ako makaahon
Sa Mga sakit na dinulot mo
Sa Mga sakit na iniwan mo
Apat na taon na ang nakalipas
Pero tila ang sakit ay d parin kumukupas
Gaya nalang ng litratong kasama moko
Litratong bago ka lumisan sa mundo
Napadaan ako sa dati nating tambayan
At nakikita kopa rin ang bakas ng ating pagmamahal
Mahal gabayan moko
Gabayan mokong matupad ang pangarap ko
Pangarap ko na isa narin sa mga pangarap mo
Mahal,babe,honey,love
Miss na miss na kita
Nasasabik na akong makasama ulit ka
Pero sa ngayun na wala kana
Hihintayin nalang kita sa buhay ko na pangalawa
At doon ay makakasama na kita
Makakasama kna pero sa ngayun Wag muna.
Tutuparin kopa ang pinangako nating dalawa
Pangakong ako na muna ang gagawa
Mahal, Mahal na mahal kita
Kahit nasa kabilang buhay kana
At kasama ang diyos na ating ama.

Spoken word poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon