03

85 1 0
                                    

Athalia POV

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalabas sa bar na iyun.

"Enjoy girl!" rinig kong sigaw ni Maureen na nanonood pala.

Napatingin ako sa kanya at nakangisi ito sa akin. Teka, alam ba niyang pupunta dito si Fierro?!

"Teka, dahan dahan naman." sabi ko kay Fierro dahil kung hilahin ako ay parang madadapa ako.

Nakarating kami sa isang itim na kotse at binuksan niya ang passenger seat.

"Sakay." tiim bagang niyang aniya na sinunod ko naman.

Nakakatakot ang awra niya! Gagi, parang diko keri ito.

Kanina pa ako lunok ng lunok ng sarili kong laway dahil sa sobrang bilis magpatakbo ng kotse ni Fierro.

At mukhang gigil na gigil pa siya sa minabela!

Napatingin ako sa labas at isang mansion ang nakita ko. Ang ganda.

Bumukas ang gate at pumasok kami dun. Inihinto ni Fierro ang kotse niya sa garrage at lumabas. Binuksan niya ang pinto at lumabas naman ako.

"Ano-" magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.

"Kailan ka pa nagtratrabaho dun?" nag igting ang panga niya at hinawakan ang braso ko Ng mahigpit.

"Teka, m-masakit." sabi ko.

Parang babakat ata ang kamay niya sa braso ko dahil sa diin ng pagkakahawak niya.

"Answer my fucking question, Athalia Maxine!" sigaw niya na ikinaigta ko.

Problema ba niya?

"Bitawan mo nga ako!" galit ko na ding sigaw.

Kung galit, mas galit ako ngayon dahil ngayon lang pumasok sa isip ko ang pang iiwan na ginawa niya sa akin noon.

"No, hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung kailan ka pa nagtatrabaho sa putang inang bar na iyun!" galit niyang sigaw.

"Nung umalis ka! Nung iniwan mo akong mag-isa! Nung iniwan mo ako sa gitna ng paghihirap ko!" sigaw ko sa kanya na ikinatigil nito.

Dahan dahan naman niyang akong binitawan. Pinigilan ko naman ang sarili kong umiyak. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap niya.

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa magsalita siya.

"Mag bihis ka." tipid niyang Sabi na ikanakunot ng noo ko.

"Ha? Pinapabihis mo ako? Nakikita mo bang wala akong dalang damit?! At gusto mo pa talagang sa harap mo ako mag bihis noh habang nasa labas tayo!" sigaw ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya, "Sinabi ko bang magbihis ka sa harap ko? At sinabi ko bang mag bihis ka sa labas?"

Bigla na namang namula ang pisngi ko sa kahihiyan. Oo nga naman, Athalia!

Hinawakan naman niya ang braso ko at hinila ako papason ng mansion kaya sumunod naman ako.

Napasinghap naman ako ng makita ko ang loob. Ang ganda dito at puro mamahalin ang mga nasa loob. Parang gusto kong nakawin.

Umakyat kami sa hagdan at ilang pinto ang nadaanan namin bago kami nakarating sa gitna.

Binuksan niya iyun at isang pamilyar na amoy ang nalanghap ko.

Katulad pa pala ng dati ang amoy ng kwarto niya noon at pati na rin siya.

"Damit ko muna ang isuot mo, malaki naman iyun sayo." sabi niya at pumunta sa closet niya.

Ginala ko lang ang tingin ko sa kwarto. Paboritong paborito talaga niya ang black.

Bigla ko tuloy na miss yung dating kami pero pilit kong sinisiksik sa isip ko na huwag maging marupok.

'Tandaan mo, Athalia. Anim na taon siyang walang paramdam sayo simula ng iwan ka niya kaya wag kang basta basta maging marupok!'









Author's note: sorry for typographical and grammatical errors.

Love syndromeWhere stories live. Discover now