Paano kaya lumandi si kuya? Paano nagkaroon ng gf? Tsk tsk. Pumapagibig na pala ang dragon HAHAHA.

Paano naman ako na single parin hanggang ngayon? Sad na tuloy ako jusko. Paano ba naman kase kapag magkagusto ako sa isang tao hindi ako gusto pero kapag yung taong gusto ako hindi ko naman gusto.

Eh pa'no nayan habang buhay na talaga 'kong single oh my gadd. Paano ako magkakaanak nito? Paano ko matutupad ang pangarap kong mag-alaga ng bata na galing saakin?

Mag-ampon nalang siguro ako no o di kaya magiging yaya nalang ng mga bata. Kahit ma stress ka kakaalaga may pera ka naman diba.

Pero mag-aral muna tayo ngayon mamaya nayang jowa jowa kineme nayan sasaktan din naman tayo at paiiyakin niyan.

I-enjoy ko muna ang single life era ko at kakain ng ice cream buong araw. Oh di kaya araw-araw hahahahah.

Tapos na 'kong kumain kaya nagligpit na ako ng pinagkainan namin at nilagay iyon sa lababo at tsaka hinugasan.

Masipag ang kaibigan niyo!

Pagkatapos kong maghugas ay nagpahinga muna ako saglit at uminom ng tubig. Napatingin ako sa sala nang marinig itong nag-riring.

"Maaaaa! May tumatawag!" Tawag ko kay mama.

"Nak! Pakisagot muna, nagtutupi kase ako ng damit! Salamat!"

Napailing nalang ako at kamot ulo akong pumunta sa sala at sinagot ang tumatawag sa telepono.

"Hello?" Walang sumasagot sa kabilang linya kaya naman ay inulit kopa ito pero wala paring sumasagot.

Ibababa ko na sana ang telepono nang   nagsalita ito. Lalaki ang boses nito at halatang kasing edad lang siguro ni mama base sa boses nito.

Dinikit ko ulit ang telepono sa tenga ko at pinakinggan ang susunod na sasabihin nito.

"Hello?"

"A-ah  h-hello? Anak kaba ni Olivia Serrano?"

"O-opo bakit po?" Bahagya itong natigilan at rinig ko ang iyak nito sa kabilang linya dahilan ng pagkakunot ng noo ko.

Hala sinagot kolang naman ang tanong nito a bakit umiyak?

"A-nak-"kumunot ang noo ko dahil hindi ko ito masyadong marinig dahil sa sigaw ni mama kaya nilayo ko muna ang telepono sa tenga ko.

"Anak! Tapos kana ba diyan?! Tulungan mona 'ko dito sa mga tinupi ko dalian mo!"

"Cge ma!"

Dinikit ko ulit ang telepono sa tenga ko at humingi ng paumanhin at tsaka ito binaba.

Parang naging bastos ako don a.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay nadatnan ko doon si mama na tinutupi lahat ng mga damit ko.

Lumapit ako doon at tinulungan siya. Medjo nahihiya pa'ko kase yung mga ibang damit ko ay ang baho na dahil matagal nang nastock sa aparador ko kaya pasimple ko itong kinuha at nilagay sa isang sulok para ilaba mamaya o kaya next year chrr.

Wala akong balak maglaba ngayon kase naglaba naman ako kahapon, pang school ngalang.

"Nga pala, sino yung tumawag. Ang tagal niyong nag-usap a."tanong niya habang nagtutupi.

Bumuntong hininga naman ako at tumayo tsaka binuksan ang aparador.

"Hindi ko kilala, tinanong lang niya  na nanay moba si Olivia Serrano? Tapos umo-o ako at ayun umiyak na."

Biglang natigilan si mama at mukang may iniisip. Kumunot ang noo ko at tinignan ako nito.

"Lalaki ba yun?"nagtaka ako sa tanong nito kaya kumunot ang noo ko.

"O-oo base sa boses niya mukang magkasing edad kayo o parang mas matanda yun?"

"H-hindi ba niya nabanggit ang pangalan niya?"

"Hindi naman ma... ang weird nga niya eh. May sinabi pa siya nung huli pero hindi kona iyon narrinig ng maayos."

Hindi na siya nagsalita at tinuloy nalang ang pagtutupi. Napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya mula nung nabanggit ko yun.

Kilala kaya niya yung tumawag?

Hindi ko nalang pinansin 'yon at nilagay nalang ang mga damit ko sa aparador. Medj maalikabok kaya pinunasan ko muna bago nilagay ang mga damit.

Nang matapos na kami ni mama ay dumiretso na 'ko sa sala para manood ng tv. Pagbukas ko ng tv ay hindi kona ka agad nagustuhan ang palabas kaya pinatay ko nalang.

Pagtalikod ko ay dumaan si kuya harapan ko papunta sa labas habang may kausap sa cellphone.

Kumunot ang noo ko dahil hindi manlang ako nito tinignan. Sinawalang bahala ko nalang ito at umakyat sa taas papunta sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto at biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Nagtaka ako nang mabasa ang nag text sa 'kin.

Unknown number,nang pindutin ko ito ay biglang kumunot ang noo ko dahil sa text nito.

:Unknown Number
'Sa wakas, nakausap narin kita'

Medjo kinilabutan ako doon sa text niya kaya hindi ko nalang iyon tinext.
Hindi kaya siya yung kausap ko kanina sa telepono?

Pero paano niya nakuha yung number ko?












Enjoy Reading!
The Only Girl In Section D.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now