Prologue

479 14 0
                                        

Enero 18,1789
Hacienda De Guerrero

Nakatulala kong pinapanood ang mga paru-paro sa hardin. Matagal-tagal na rin simula noong ako’y huling nakalabas sa aming hacienda.

Napakaganda pala ng pakiramdam na maging malaya. Malayang gawin ang mga bagay na gusto mo.

“Señora Yurah, malalim yata ang iniisip mo. Hindi ba dapat kayo’y maging masaya, sapagkat sa wakas ay pinayagan na rin kayo ni Señor na lumabas ng mansion,” saad ng aming katulong na si Angelika. Matagal na siyang naninilbihan sa amin at medyo nalalapit na rin ang loob ko sa kanya.

“Iniisip ko lang kung gaano kaya kaganda ang labas. Ano kaya kung pumunta tayo sa sinasabi nilang mall, Angelika?” sambit ko sa kanya, na para bang batang nakikiusap na bilhan ng cotton candy.

“Hindi ho maaari 'yan Señora, lalo na kung wala po tayong pahintulot ng inyong ama” sagot niya.

“Nakakalungkot naman. Pero ayos lang, nakakasiguro ako na balang araw magagawa ko rin iyon… na parang isang normal na tao,” pilit kong pinaligaya ang aking boses sa kabila ng panghihinayang.

Napatango naman si Angelika, tila sumasang-ayon sa aking ipinapahiwatig.

“Halikayo na po, Señora. Pinapatawag po kayo ng inyong ama,” anyaya ni Angelika.

“Susunod ako, Angelika,” sagot ko, sabay muling tinanaw ang tanawin na dati’y tanaw ko lamang mula sa aking silid.

Hahakbang na sana ako pabalik sa loob ng mansion nang may marinig akong tila sigaw na nasasaktan.

Dali-dali kong tinungo ang pinanggalingan ng boses nito  at nakita kong may isang lalaking tila kumakawala sa pagkakagapos, ngunit sa mata ng anyong tao ay wala namang nakikitang kahit ano na nakatali sa kanya.

Nilapitan ko siya at tinanong.
“Anong ginagawa mo rito sa aming hacienda, Ginoo?”

Gulat siyang napatingin sa akin at ilang segundong napatitig bago sumagot,
“Nakikita mo ako?”

Naguluhan ako sa kanyang sinabi, ngunit sa kabila nito ay nagawa ko pa ring ngumiti.

“Medyo naguguluhan ako sa sinabi mo, Ginoo… pero maaari bang malaman ang iyong pangalan?” ani ko sa kanya.

“Ako si Ichiro,” sagot niya. Napangiti ako bigla.

“Napakaganda ng iyong pangalan. May lahi ka bang Hapon?” ngiting wika ko.

“Nakakatuwa ka, Binibini. Ang daldal mo tanong ka nang tanong. Maaari bang ang tanong ko naman ang iyong sagutin? Sino ka, at paano mo ako nakita? Hindi normal sa isang ordinaryong tao na tulad mo ang makakita ng isang kagaya ko,” sagot niya.

“Ako si Yurah Guerrero, ang nag-iisang anak ng nagmamay-ari nitong hacienda na iyong tinatapakan. At hindi ko alam kung anong ibig mong iparating. Basta’t ang alam ko lang ay narinig ko ang iyong boses na namimilipit sa sakit kaya nilapitan kita, at nakita kong pilit kang kumakawala sa pagkagapos, kahit wala namang anumang nakasakit sa’yo,” mahaba kong paliwanag.

Magsasalita pa sana siya nang tawagin ako ni Angelika mula sa di kalayuan, kaya iniwan ko muna ang estrangherong lalaking nagpakilalang Ichiro.

Baka naligaw lamang siya… o pinagloloko lang ako.

“Señora, ano ba ang ginawa niyo doon sa punong akasya?” tanong niya sa akin. Sa halip na sagutin, ngumiti lamang ako. Nang makapasok kami sa silid, agad akong tinawag ng aking ama.

“C'mon, prinsesa. Kumain na tayo. Bakit napakatagal mong bumalik sa silid? Ako’y nagaalala na sa'yo,” saad ng aking ama, sabay halik sa aking pisngi.

One Last Dance (Under Revision & Editing)Stories to obsess over. Discover now