CHAPTER 1

5 1 0
                                    

CHAPTER 1

Elaine POV:

10 YEARS NA NAKALIPAS

"Hahahahaha Oliv"

"Hahahahah Elaine"

Nandito kaming dalawa sa park at ginaganap ang aming monthsary.Sakasalukuyan kaming kumakain ngayon habang nagkukwentuhan sa nilatag namin sa sahig.

Dito sa park namin napag-usapan na ganapin ang aming monthsary. Para kahit papaano ay makapaglaro rin kami ng badminton.

"Oliv laro tayo mamaya ah?" Naka-ngiting sabi ko sa kanya.

"Sige Elaine.. anything you want.." naka-ngiting sabi nya.

"Oh Elaine.. kain ka marami" Sabi nya at bahagya nya panglagyan ang Plato ko.

"Okay.. Ikaw Kain karin ng marami" Sabi ko tumango naman sya.

Hindi rin nagtagal ay natapos rin kumain. Nagpahinga lang kami ng konti bago naisipan na naming maglaro.

Hindi sa kalayuan kaming naglaro sa pinagtambayan namin kanina.

"Oliv talo ka!" Tuwang Sabi ko.

"Hahahaha Sige na talo na ako.." natatawang Sabi sabay lapit sakin at ginulo ang buhok ko."1 kana 0 Ako" dagdag na sabi nya habang naka-senyas ang dalawang daliri.

"Hehe Sige dun ka ulit.." natatawang Sabi ko rin "dun! Doon pa!" Dagdag na sabi ko habang sinesenyas ang kamay ko na parang tinataboy sya.

Natatawa naman syang lumayo Hanggang sa makarating sya sa dulo.

Nagsimula na kaming maglaro ulit para sa round 2 pabalik-balik ang shuttlecock sa bawat hampas namin.

Nailang rin kami Hanggang sa Hindi naabot ang paglipad ng shuttlecock at napunta sa puno.

"Ayy Talo na hahahha" natatawang Sabi ko Nung lumapit sya sakin.

"Hehhe tie na Tayo" naka-ngiting sabi nya.

"Naka-tyamba ka lang" tunog pang-aasar na sabi ko natawa naman sya dun.

"Oh Sige Isa pang laban.. tutal Meron naman tayong Isa pang bala eh" naka-ngiting sabi nya pero may tunog rin syang pang-aasar. Kaya nginisian ko sya.

"Sige dun ka ulit" naka-ngising sabi ko.

Natatawa naman syang pumunta sa pwesto nya kanina.

Nagsimula ulit kaming maglaro. Tulad nga ng karaniwang laro ng badminton ay pabalik-balik ang shuttlecock. Alangan naman tumalbog Yan!

Hindi na mabilang ang pagbalik-balik ng shuttlecock sa laban namin at sa hindi inaasahang biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya natangay ang bala na nasa himpapawid pero hinabol ko ito.

"Elaine..."

Pero Ganon nalang ang paglingon ko sa paligid ko ng may biglang tumawag sakin. Wala naman akong nakikita Kilala ko na pwedeng tumawag sakin bukod Kay Oliv.

"Elaineee!"

Isa pang tawag pero Ganon nalang ang pagbagsak ng luha ko ng makitang unti-unting naglalaho si Oliv ng tignan ko ito.

"OLIVVVV!!!!"

sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.

.
.
.

"ELAINEEEEE!!!!!"

Bigla akong napa-balikwas ng tayo ng may yumugyog sakin. Bigla nya naman akong niyakap.

"Elaine.. napa-ginipan mo ba ulit sya?" Nag-aalalang tanong sakin ni Yam habang hinihimas ang likod ko.

Walang akong naging sagot kundi umiyak lang ako ng umiyak.

TIME TRAVELWhere stories live. Discover now