To deceive you, Aurora. Hindi ba at ipinaalala sa iyo ng tatay mo na hindi siya sang-ayong maging kasintahan mo si Gregor?

Napahikbi siya sa pagkaisip sa tatay niya. Pinapurihan ng ama niya si Gregor sa pagiging masipag nito sa trabaho noong una. Subalit nang malaman nitong nanliligaw ito sa kanya ay tumutol ang ama.

"Tatay! Nang-uuri ka ba ng tao? Dahil ba tauhan natin siya?" she had accused her father.

"Hindi sa ganoon, Aurora. Pero kailan lang kayo nagkakilala ni Gregor. Hindi mo kabisado ang pagkatao niya maliban sa mahusay siyang empleyado at totoong may interest sa pag-aalahas—"

"Then those are admirable traits, Itay," putol niya sa sinasabi nito. "At huwag mong sabihin sa aking baka ang mamanahin ko lang ang hangad ni Gregor. Ang luma-luma na ng mga linyang iyan na ginagamit sa mga pocketbook at sa sine."

"Hindi sa ganoon, anak," wika ng tatay niya na sa wari ay malalim na nag-iisip. "Lamang ay..."

"Lamang ay ano?"

Nagkibit ng mga balikat si Julio. "Hindi ko kayang ipaliwanag, Aurora. Parang may isang bagay kay Gregor na hindi tugma."

She rolled her eyes. "You hired him. You promoted him."

"Rekomendado siya ni Doreen. Nagkaroon ng pagkakataong magkasama ang dalawa sa trabaho at nakita ni Doreen na mahusay si Gregor. Pinaniwalaan ko siya at totoo namang napuna kong mahusay talaga. Pero—"

"Walang pero-pero, 'Tay. Gumagawa ka lang ng dahilan." She laughed. "Bukod pa sa sobra kang protective sa amin ni Nadja."

"Anak, alam mo bang dalawang buwan pagkatapos ng promosyon niya ay nawalan ng tatlong milyon ang Ongpin branch?"

She frowned. "What? Paano nangyari iyon?"

Umiling si Julio. "Hindi ko alam, hija. Walang makapagpaliwanag sa pagkawala ng mga alahas. Lalaking nakasuot ng itim ang nakita sa CCTV sa area na iyon ng building. Nakita rin sa CCTV kung paano nito binaklas ang kandado at itinaas ang accordion door. Hindi minsan man nakita ang mukha ng lalaki. Alam niyang nakikita siya sa camera..."

"Bakit hindi ko nalaman iyan?"

"Ayokong magulo ang isip mo sa nalalapit mong pagtatapos."

"At si... Gregor ang pinaghihinalaan mo?"

"Kasintaas niya ang lalaki. Parang si Gregor ang bulto." Huminga ito nang malalim. "Kung sana nga lang ay kaya ko siyang tukuyin sa pagnanakaw na iyon sa Ongpin branch. Nagkataon lang na nang malipat siya sa Ongpin branch ay saka tayo nawalan. At hindi birong halaga ang tatlong milyong alahas."

"Bakit mo siya isinasabit sa usapang ito kung hindi ka naghihinala?" she asked angrily.

"Ewan ko, Aurora. Ewan ko. Hindi ko maialis ang kutob sa dibdib ko."

Naiiritang napabuntong-hininga siya.

"Knowing you, napaimbestigahan mo na si Gregor at wala kang napatunayan. Nanakawan tayo. Mahusay ang magnanakaw."

Hindi kumibo ang tatay niya.

Doon natapos ang usapan nilang mag-ama tungkol kay Gregor. Hindi rin naman niya sinasagot ang panliligaw nito bagaman nagpahiwatig siya ng pag-asa na sasagutin niya ito sa sandaling magtapos siya ng pag-aaral. Marahil, sa sulok ng puso niya ay gusto rin naman niyang paluguran ang tatay niya.

Ngayon siya naniniwalang tama ang tatay niya sa damdamin nito kay Gregor. Her father's gut instinct had always been right. Tulad din ni Nadja. Siya lamang ang labis na mapagtiwala.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon