For whatever reason, the house had a dark brown paint. Halos itim na mula sa kalayuan. At ang mga alulod at daluyan ng tubig-ulan ay napansin niyang bumabagsak na. Sana man lang ay mapagkaabalahan ni Gregor na ipaayos ang bahay nito.

It also had a creepy appearance which was strange. Sa kanila sa Bulacan ay maraming lumang bahay at halos nasisira na rin subalit walang ganoong impresyon mula sa kanya. Ang malalaking puno sa likuran ng bahay ay lalo pang nagpangyaring tila ito mukhang abandonadong bahay.

Halos lahat ng bahay na nakikita niya ay may mga nakatanim na halaman, ang bahay ni Gregor ay hubad roon. Not a single plant in sight. Sa labas man o sa loob. Marahil dahil wala nga namang mag-aalaga at mamamatay rin lang dahil mapapabayaan. Ayon kay Gregor ay napakadalang nitong umuwi sa bayan nito.

She had been here once. Sila ng tatay niya noong pinag-aaralan ng ama niya ang business side ng pagkakaroon ng branch ng tindahan nila rito sa Ilocos. Actually, si Gregor ang nagbigay ng ideyang iyon sa tatay niya. Hindi pa pormal na nanligaw si Gregor sa kanya noong panahong iyon, bagaman nagpapahiwatig na.

Subalit nang dalawin nila ng tatay niya ang siyudad ng Laoag ay tinanggihan nito ang ideya na magkaroon ng branch ang tindahan nila roon. Wala itong makitang posibilidad na kikita roon ang MJ Jewelry tulad sa dapat asahan. And she knew Gregor was disappointed but took the rejection with a grain of salt. He was so charming that Aurora was so impressed.

Si Gregor ay isa sa mga clerk sa isang branch nila sa isang mall sa Makati. Wala pang isang taon nang matanggap ito bilang clerk ay na-promote ito bilang manager sa branch ding iyon. Sa katunayan, bilang parehong empleyado ng MJ Jewelry at sa parehong branch ay magkakilala sina Gregor at Doreen—her stepmother. Si Doreen mismo ang nagrekomenda sa tatay niya kay Gregor na i-promote ito nang mangailangan ng manager sa branch sa Ongpin.

Natuon ang pansin niya sa gate na bahagyang nakabukas at tuluy-tuloy siya sa loob. Nasa loob na siya ng bakuran subalit wala siyang makitang tao. Pero natanaw niya ang itim na kotse ni Gregor sa kaliwang bahagi ng bakuran. Pumasok siya sa bahay na nakabukas din ang pinto, na pangkaraniwan sa mga bahay sa probinsiya.

Ang sabi ni Gregor sa kanya noon ay lingguhan kung dumating ang katulong at nagmimintina ng bahay nito. Ang sala ay walang laman maliban sa mga lumang upuang yari sa narra. Nakikita niya ang mga bakas ng sunog ng sigarilyo sa coffee table. Hindi naninigarilyo si Gregor kaya malamang ay sa mga bisita iyon na walang pakundangan.

Ni isang throws ay walang nakalagay sa sala set. It was so unusually bare. Ang mga bintana, kahit blinds o kurtina ay wala rin at nakapinid ang mga iyon. Mayroon iyong kuwa-kuwadradong asul na salamin na tila yaong sa simbahan na marahil kahit ang sinag ng araw sa katanghalian ay bahagya nang tumagos doon.

Sa uri ng pagkakalapat ng mga bintana ay parang hindi iyon nabubuksan minsan man. Bagaman nang huli silang naroroon ng tatay niya ay nakabukas naman ang mga bintana at maaliwalas.

Ang sahig ay makinis na sementong pula at may mga crack dala ng kalumaan. Na marahil ay kikintab kung may mag-aalagang lagyan iyon ng floorwax at bunutin at pakintabin. Sa dako ng kusina ay madilim. Nalimutan pa yatang magbukas ng ilaw. Alas-singko y media pa lang pero dahil may nagbabantang ulan ay maagang dumilim. Kung wala ang sasakyan nito sa labas ay iisipin niyang walang tao sa bahay.

"Tao po! Anybody home?" Aurora called softly. Napapagod siya mula sa mahabang biyahe mula sa Clark. Kahit man lang tubig ay makainom kaagad siya. Inilapag niya ang maleta niya sa may tabi ng mahabang sofa. Inulit niya ang tawag subalit walang taong lumabas. Pahakbang na siya patungo sa kusina upang uminom nang makarinig siya ng mga tinig.

Mga tinig ng mga lalaking nag-uusap at nanggagaling sa ikalawang palapag. She smiled. Tinungo niya ang hagdan at walang ingay na pinanhik ang itaas. Walang tao sa may pinakabungad ng hagdan at nakatanaw siya ng pasilyo. Subalit patuloy niyang naririnig ang mga tinig.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt