Chapter 6

109 5 4
                                    

HINDI maiwasang maasar ni Logan habang sinusundan niya si Timmy, kung hindi lang magtatampo ang bata, mas gusto niyang manatili sa living room para maitaboy niya ang lalaking naroon.

He was obviously into Aryane. And he hates that Aryane keep smiling at that man. Pamilyar sa kanya ang lalaki pero hindi niya maalala kung saan ito nakita.

"Hurry up, Tito Dad." Udyok ni Timmy saka siya nito hinila. Nagulat siya nang dalhin siya nito sa kuwarto ni Aryane. Her familiar scent filled his nose. Memory flooded  his head. The good and sexy one. Lalo na nang makita niya ang nakasabit na bra nito sa upuan. Hindi niya maiwasang mapangiti.

She never change,  sa kanilang dalawa, he was the neat freak at ito naman ang makalat. She would always forget her clothes sa banyo o kaya sa  ibabaw nang  tokador.

But he never mind at all. Inayos niya ang kalat na  naroon, dalawang laundry basket ang naroon. At mukhang mas masinop pa si Timmy sa ina nito.

"Just don't mind my mom, things, she's always like that." Timmy shrugged adorably off his shoulder.

"I know." Mahinang sabi niya alam niyang hindi pa naman nito maiintidihan ang gusto niyang ipahiwatig.

"Tito Dad, are you married?"Nagulat siya sa tanong nang bata, "do you have a girlfriend?"

Natawa siya. "Why?"

"Can you marry my Mom. Can you please be my Daddy." Napalunok siya sa kaseryosuhan nang bata. Kaya hindi niya magawang tumawa. Dahil parang tumalon sa tuwa ang puso siya sa sinabi nito. "I think my Dad hurt my mom?"

"You never meet him?" Muli itong umiling. Kaya kinabahan siya. Sa totoo lang iniisip niyang anak niya si Timmy. Given his age, alam niyang hindi impossible.

But what if he isn't his? Pero kaagad rin niyang kinuntra  'yon. He just need a week to get the result. Pero mas nakuryos siya sa sinabi nito.  Sinaktan ito nang ama ni Timmy.

"Bakit mo naisip 'yon."

"Because she cried when she's drunk, calling someone jerk and user." Nakangusong kuwento nito. "But she forget about when she woke up. So, can you be my Daddy?" Pinagsalikop pa nito ang braso.

"Well you can call me Dad. But your mom hates me."

"Why?" Kuryos na tanong nito.

"I  did something bad at her."

"Then, say you're sorry. I'll help you." He smiled brightly, looking hopeful. Sana nga ganun kadali 'yon. Pero hindi niya alam kung paano. Kahit magkaayos sila. Komplikado na rin ang mga bagay bagay. He had a promised  to Natalie.

Bandang alas siete ay tinawag sila ni Manang Cora para  sa haponan. Sumampa sa likod niya si Timmy, bumaba silang nakapiggy back ride ito sa kanya.

Hindi niya maiwasang makadama nang labis na kasiyahan.  Timmy chose to sit beside him. Formal naman siyang ipinakilala sa panauhin ni Aryane.  Asar na asar siya sa nakikitang sweetness ni George dito. Kung puwede nga lang niyang sipain ang lalaki palabas.

Pero hanggang matapos ang dinner ay wala siyang nagawa kundi ang mapikon sa lalaki, na parang ayaw na atang umalis. Salamat sa tumawag dito kaya bigla itong nagpaalam. Pero ihinatid ito ni Aryane  palabas. 

Kaya hinintay niyang makabalik ito.

"Makikipagdate ka sa mukhang pulbos na 'yon?"Usig niya dito nang nasa tapat na niya ito. 

"His good looking guy-- don't address him like that wala siyang ginagawang masama sa'yo."

"Pinapainit niya ang ulo ko." Gusto sana niyang sabihin pero iba ang lumabas sa bibig niya. "Hindi siya bagay sa'yo."

Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon