Chapter 5

81 5 7
                                    


ARYANE was sweating all over her body. Alas kuwatro pa lang ay lumabas siya para magjogging. Hindi  siya nakatulog. Hindi na kasi bumalik si Logan sa bahay nila pagkatapos nang kasal nang kapatid niya. Nalaman niya sa ama nitong umalis itong kasama nang fiancee nitong si Natalie.


At hindi niya maiwasang makadama nang matinding inis.  Bagay na alam naman niyang hindi dapat. Kung bakit kasi boung durasyon nang dinner nila kagabi si Logan ang topic nang kanyang pamilya. 


Mukhang eager na rin kasi ang ama ni Logan na ipakasalan na ito. Nalaman niyang tatlong ulit nang napopostponed ang kasal nito kay Natalie. Dahil madalas rin palang umaalis si Natalie dahil sa trabaho nito sa New York.


But she hate that thought nasa pagbalik ni Natalie ay laging nag-aantay lang si Logan para dito. Napahinto siya sa pagtakbo nang muntik na siyang matisod.  Kaya sinipa niya ang naka-usling bato. Pero hindi gumalaw 'yon, kaya nasaktan ang paa niya.


Napapadyak siya sa inis.


Kung bakit kasi si Logan na lang ang laman nang kukute niya.


"Masisira ang semento." Napapiksi siya nang marinig ang pamilyar na tinig sa likuran niya. Paglingon niya ay naroon si Logan. Mukhang nagjojogging rin dito.


Ipinagtaka niyang naroon ito sa lugar nila sa ganung oras. Maganda ang subdibisyon para magjogging pero malayo ito sa bahay nito sa Manila.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito. Ignoring the pain on her foot.


"Pati kawawang bato, pinatulan mo pa." Sabi nito sa halip na sagutin ang  tanong niya. Sa asar niya ay iniwan na lang niya to. Pero maya maya lang ay nakikisabay na ito sa pagtakbo niya.


"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Mapalingon siya dahil sa tanong nito. She had stop jogging naglalakad na lang siya at nakigaya rin ito.


"Talaga ba, hindi ko napansin, pasensya na." Aniya saka nginitian pa ito. Oo nga naman dapat hindi niya ito iwasan, dahil lalabas na hindi siya sports. What happened between them was her fault too. Kaya hindi niya dapat isisi dito ang lahat.


Inlove siya dito noon, kaya pumayag siya. And she was happy back then. Kaya hindi siya dapat magalit. Maayos naman itong nakipaghiwalay sa kanya. Siya lang ang hindi maayos na umalis at hindi nagpaalam.


"You left without a word, tapos babalik kang may kasamang bata. Ni hindi ka nga umattend ng graduation mo." Nang-aakusang sabi nito.


"Ah--- I just don't want to miss my flight back then." Kibit balikat na sagot niya dito.


 "Kaya ba iniwan mo ang lahat ng bagay na ibinigay ko sa'yo noon."


"OO, dahil gusto kitang kalimutan.  Hindi ko naisip na kailangan kong kunin ang mga 'yon. Sana itinapon mo na lang." Kibit balikat na turan niya.


"Itatapon lang. Ganun! Dapat talaga itinapon ko na." Kitang kita niya mula sa ilaw nang maliwanag na poste nang pagtangis nang bangang nito.

Secret AffairWhere stories live. Discover now