40

186 11 11
                                    

GLEN'S POV

Nilapitan ako agad ni Mama pag alis nina Cley. Umupo sya sa sofa katabi ng wheelchair ko.

"Mali po ba ang ginawa ko mama?"

"Talagang mali anak, hindi sa kinakampihan ko sila pero kase ikaw ang nasa mali ehh. Tama ang sinabi ni Cley sayo. Walang kasalanan ni Yves sa mga nangyari or kahit ikaw. Aksidente ang nangyari. Tatanungin kita. Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Nagsimula ng umagos ang luha sa aking mga mata. Kanina ko pa ito pinipigilan ngunit hindi na kinaya ng emosyon ko ang mga nangyayari.

"A-ayoko ko po kasing maging pabigat pa kay Yves mama ehh. Ayoko ko pong nakikitang nahihirapan sya kaya iniiwasan ko sya para sya na mismo ang sumuko at layuan ako."

"Makakaya mo ba na isakripisyo yung halos lima or anim na taon nyong magkasintahan? Engaged na kayo ohh. Hahayaan mo bang masira nalang yon dahil sa ayaw mo syang mahirapan? Sabi nga ni Cley sa tingin mo sa ginagawa mo ngayon sa kanya hindi sya nahihirapan at nasasaktan? Saksi ako sa lahat ng sakripisyo ni Yves anak. Ni ayaw na nga nyang umalis sa tabi mo nung naging maayos na ang lagay nya ehh. Hanggang sa makauwi tayo dito. Sa tuwing tulog na ka doon sya uuwi. Minsan nalilingat ako madaling araw nandito pa sya. Tinatapos nya yung work nya bago sya uuwi sa kanila. At alam mo ba ang mas masakit na nasaksihan ko? Yung makita ko syang nakayukyok sa lamesa habang umiiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod or dahil sa hindi mo pag kibo sa kanya. Hindi kita pinalaking ganyan anak. Maganda at maayos ang pagpapalaki ko sayo kaya please ibalik mo na yung dating ikaw. Bakit hindi mo hayaan si Yves na alagaan ka. Alam kong sayo lang din sya humuhugot ng lakas para patuloy na lumaban kaya sana ikaw din ganoon ang gawin mo. Siya rin ang gawin mong inspirasyon para lumaban. Mas maganda naman yun diba? Yung sabay nyong aabutin yung goal nyo?"

Hindi ako makasagot dahil sa labis na pag iyak. Napaka sira ulo ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Masyado akong kinain ng takot ko kaya ko nagawa sa kanya yun.

"Huwag mo ng masyadong pahirapan si Yves anak. Ikaw din baka isang araw magsawa sya gaya ng gusto mong mangyari. Baka iwan ka nalang nya bigla dahil sa sakit na idinulot mo sa kanya. Imbis na iwasan mo sya bakit hindi mo nalang i appreciate yung mga ginagawa nya para sayo?"

"S-sorry ma" tanging salitang lumabas sa bibig ko

"Huwag ka sa akin manghingi ng pasensya anak. Hindi ako ang nasaktan mo. Kay Yves ka manghingi ng sorry, pati na rin sa mga kaibigan nyo. Mabuti nalang at nandyan sila para libangin si Yves kahit papaano pero try to think of it. Bestfriend mo si Cley pero hindi ka nya kinunsinte sa kagagahang ginawa mo para sa kasintahan mo. Naiintindihan ko sya kung bakit ka nya namura at napagtaasan ng boses kanina. Sinasaway ka lang nya sa maling ginagawa mo. Sana maunawaan mo yun. Maiwan na muna kita para makapag isip isip ka."

Bago nya ko iwan ang hinalikan nya muna ko sa aking sentido ang nagtungo na sa may kusina. Naiwan ulit akong malalim ang iniisip.

Iniisip ko lahat ng sinabi ni mama, gayon din ang mga sinabi ni Cley sa akin. Bumalik sa ala ala ko lahat ng ginawa ni Yves para sa akin. Yung mga flowers na dala nya tuwing pupunta sya dito. Yung baon nyang ngiti sa kanyang mga labi na alam kong pilit dahil sa alangan syang kausapin ako. Nakikita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata sa tuwing titignan ko sya habang nasa ibang gawi naman ang tingin nya. Yung mga fruits na inihahanda nya pero hindi ko ginagalaw. Lahat ng yun sumagi sa isip ko.

Grabeng guilty ang nararamdaman ko. To the point na baka wala na kong mukhang maihaharap sa kanya kapag nagpunta pa sya dito.
.
.
.
.
.

KINAGABIHAN habang nanonood ako ng Tv sa sala ay doon naman dumating si Yves bitbit ulit ang isang bugkos ng rosas, mga prutas ang isang kahon na may katamtamang laki. Base sa design niyon ay alam kong isa iyong cake mula sa restaurant nya.

Through The Years Where stories live. Discover now