Tinignan nya lang saglit ang pagkaing inihanda ko na inilapag ko sa kanyang tabi ngunit hindi nya man lang ito ginalaw.

Mukhang mahihirapan ako dito ahh. Naupo ako sa monoblock na nasa tabi ng hospital bed nya at hinawakan ang kamay nya. Ngunit lalo lang sumama ang loob ko ng tanggalin nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya at ipinatong ito sa kanyang tyan.

Napayuko nalang ako at hindi na napigilan ang aking sarili na mapa iyak. I can't help myself na ipakita sa kanya na matatag ako. Mga hikbing hindi maitanggi. And until now hindi pa rin  sya natitinag.

When our friends enter the room ako naman ang lumabas. Ayokong makita nila na nagkakaganito kami. Ayokong kaawaan nila ako at mas lalong ayo'ko na magalit sila kay Glen dahil sa ipinapakita nya sa akin. Kaya mas minabuti ko nalang na lumabas ng walang paalam. Ang alam nila ay gagamit lang ako ng banyo. Ewan kung maniniwala sila dahil may CR naman sa loob ng room ni Glen. Pero bahala na. Gusto ko lang munang mapag isa. Kapag kaya ko na ulit syang harapin. At hindi nag papaapekto sa mga ikinikilos nya ay tyaka ako babalik.
.
.
.
.
.
.
.
GLEN'S POV

Every minute, every hour, every day na lumilipas ang mga araw. Ay lalong akong na guguilty dahil sa pagtataboy na ginagawa ko kay Yves. Naka uwi na ko ng Condo kaso naka wheel chair dahil nga sa hindi ako makalakad.

The first thing I do when I walked up is find the presence of Yves in every corner of my room, pero sina Cley at Jia ang una kong natanawan. Agad nilang tinanong kung ano na ang lagay ko and when I try to sitdown I didn't feel my lower body specially my knees. I started panicking lalo na hindi ako makagalaw. Doon naman din nataranta ang dalawa at dali daling tumawag ng doktor.

Pagdating ng doktor, Inobserbahan nya ang kalagayan ko at doon nya nasabing napuruhan nya ang mga tuhod ko. Doon na ko nag overthink ng kung anu ano. At dala dala ko sya hanggang ngayon. Everyday nandito si Yves just to check my health.

Alam kong sasabihin ng iba na napaka gag* ko dahil sa ginagawa ko sa kanya. It is not my intention. Gusto ko lang layuan na nya ko dahil alam kong mahihirapan lang syang mahalin ako lalo na nasa ganitong kalagayan na ko. Ayokong maging pabigat sa kanya kaya hanggang maaari ay iniiwasan ko sya.

Actually, I missed her so much, i missed her hugs and kisses. Pero hanggang kailan ba ko ganito? Hindi ko rin alam.

This morning. Walang Yves na dumalaw. Everyday bago sya pupunta ng restaurant ay dadaan muna sya dito sa condo. Pero ngayon walang Yves na nagparamdam. But a minute later I heard someone knocking my door. Akala ko si Yves but its Cley and Jia

"What brought you here?" I asked when they finally sat down

"It's a serious matter Glen"

Takang napalingon ako kay Cley dahil sa sinabi nya.

"How serious it is, at ganyan ang mga mukha nyo"

"It's about you and Yves"

Alam ko na kung saan nanaman patungo ang pag uusapan naming ito. Kaya nag iwas nalang ako ng tingin sa kanila. Kahit si Jia na alam kong laging baon ang kanyang mga ngiti sa labi. Ngayon ay parang ibang Jia ang nasa harapan ko.

"Sabihin nyo na at ng makapagpahinga na ko" malamig na turan ko

"Talaga ba Glen? Ganyan ka na ba talaga katigas? Wala ka na bang natitira kahit katiting man lang na pagmamahal kay Yves at ganyan mo nalang sya tratuhin ngayon!?" Mahina ngunit may din na turan ni Cley "may I remind you, Yves is your Fiance. Hindi sya kung sino sino lang para tratuhin mo ng ganyan. Bakit hindi mo sya kausapin!? Bakit hindi mo sya tapatin? Sana nakikita mo rin yung sakripisyo nya para sayo. Kase kami simula ng magising sya ikaw lagi ang hinahanap nya. Ikaw ang inaalala nya. Kahit na masakit pa ang buong katawan nya gustong gusto ka nyang makita. Hindi sya umalis sa tabi ng mga panahong halos isang linggo kang walang malay. At hanggang ngayon ginagawa nya pa rin yung part nya bilang PARTNER mo"

"Kaya ko nga sya iniiwasan ehh para magsawa sya at sya na ang kusang lumayo"

"Gag*!, Bakit hindi mo sabihin ng harapan sa kanya? Bakit gusto mong pinahihirapan sya?"

"Hindi ko sya pinahihirapan, tinutulungan ko na nga sya para magsawa na sya sa akin ehh"

"Sira ulo!"

"Mahal, lower your voice nakatingin na si Tita"

Napadako ang tingin naming tatlo sa kinatatayuan ni mama malapit sa may kusina. Wari ay naririnig nya ang pinag uusapan namin.

"Sorry po tita pero kailangan lang pong magising  ni Glen sa mga pinag gagagawa nya sa kaibigan namin." Muling napadako ang tingin nya sa akin ng may pagbabanta. " Ito lang ang ipapa alam ko sayo alam mo ang ugali ni Yves. Kung sa harapan mo malakas sya, kung sa harapan mo ipinapakita nyang okay sya. Sa amin hindi. Gabi gabi nalang syang umiiyak dahil sa kagagawan mo. Hindi kasalanan ni Yves ang nangyari sa mga tuhod mo. Hindi mo rin kasalanan. Aksidente ang nangyari sa inyo. Yun sana ang isipin mo. Alam kong ginawa mo yung part mo bilang kasintahan ni Yves. Ayaw mo syang mapahamak pero sana nakikita mo rin yung effort na ginagawa nya para lang maalagaan ka lang"

Yun lang at tumayo na ito at dire deretchong lumabas ng condo ko. Naiwan akong tulala at na blanko ang isipan

________________________________________

Protector talaga nila si Cley no? Hahaha

Ako din naiiyak habang sinusulat ko to.

Them: ito na ba ang sinasabi mong against AU?

Hahahaha let's seee 👀👀

What do you prepare? Against or not? (Feel free to comment 😅)


Through The Years Where stories live. Discover now