1.

12 0 0
                                    

This place is so crowded, paparazzi are everywhere and most of the guests are wearing designer clothes. Ako lang naman itong hampas lupa na naka suot na Pair light-wash ripped denim with a corset top & sneakers.

Kababa ko lang halos ng eroplano ng hilain ako ng best friend kong si Kate papunta dito sa fashion show.

"Kate, can we go home na" sabi ko sa kanya habang papasok kami sa may entrance. Camera are flashing habang naglalakad kami malay ko ba kung sinong artista pinagkakaguluhan nila.

"Danielle, we just got here and relax. This is gonna be fun. Sa may bandang isle tayo uupo and Allison is waiting for us. ". Kate and Allison is my best friend during high school. Nag aral ako sa Maynila pero after graduation, something tragic happened.

It was devastating and bangungot pa rin sa isip ko ang nangyari although nakuha namin ang justice but living alone with your grandma sa province with no friends. Parang sobrang lonely ko.

After 4 years and since graduate na ako ng college, I need to find job that will suit my skills. Kaya umuwi ako dito sa may Manila.

"Dane! Oh my gosh, you're really here na" sinalubong kami ni Allison at sabay yumakap sa akin, may paiyak iyak pa.

"Its been si so long Danielle, but look at you. " Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, siguro nga nakakahiya ang suot ko.

"Diba, sabi ko sayo mukang model na tong kaibigan natin. " Sabi ni Kate habang dalawa na silang pinagmamasdan ako.

"Oo nga Dane, grabe. Sobrang ganda mo, tanggalin mo lang yang glasses mo ay shuta!!! Pagkalaguluhan ka lalo". Sabi naman ni Allison.

"Shut up guys, tara na at pagod pa ako sa flight. " Umupo na kami at maya maya pa nagsilabasan na ang model at isa isa ng naglakad sa Runway.

Hindi ako sanay sa mga ganitong event kaya medyo nabobored ako. Tingin lang ng damit dito at damit doon.

Hanggang itong kaibigan kong si Kate napahawak sa akin ng mahigpit at napakagat pa sa labi.

"!!Ouch, Kate masakit" bulong ko sa kanya at itong gaga kaya pala focus na focus dahil naka underwear lang ang mga lalaki and take note, sa baba talaga siya nakatingin.

Itong si Allison naman seryoso lang nakatingin

Maya't maya ay nagsimula naman lumabas ang mga kababaihan.

Ang gaganda ng mga dresses na minomodel nila, hanggang sa nakita kong parang nagseryoso naman ang mga tao sa kanilang pwesto at nakatitig lang sa susunod na lalabas.

At ayun na nga. Lumabas ang mala Dyosang babae na seryoso lang na naglalakad at sobrang lakas ng dating. Yung tipong akala mo nag sslow mo at siya lang ang nakikita mong naglalakad. Everybody's blurry.

She looks so elegant and nakakaintimidate ang beauty niya. Di ko maiwasan di tumitig sa kanya.

She posed and then pabalik na siya, I see her side eye looking at, maybe me or someone near me then giving a side smile. Gosh!!! Yung puso ko. Napahawak na lang ako ea dibdib ko, bakit para akong nanghina.

"Grabe, noh! Lakas ng dating ni Hera Dee" sabi ni Kate at nagpalakpakan ng malakas ang mga tao dahil lumabas sila ulit kasama ang isang matandang babae at pakaway kaway.

Siguro ito yung designer. I didn't get the chance to see kung ano ang suot ni Hera Dee dahil sa muka niya lang ako nakatingin.

I think I know her na, dahil siya lang naman yung laman ng billboard sa may edsa at mostly sa Makati. Iba ang dating niya sa personal pala then the way she look kanina, haaaay mapapailing ka na lang.

If I'm Not In Love With YouWhere stories live. Discover now