Chapter 2

9 0 0
                                    


Daughter

Alex pov.




Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaking maraming tattoo na kanina pa sulyap-sulyap na tingin sa aking dibdib sa loob ng jeep.

Tumikhim ako at dahan dahang tinakpan ng malaking bag ang aking katawan. Natuyo ang lalamunan ko at sumulyap ulit sa kanya. Dinilaan niya na ngayon ang kanyang itim na labi na siyang nagpatayo sa balahibo ko.

" Kuya!  Para po!  "

Pagkatigil ng jeep ay mabilis akong bumaba at walang lingon lingon. Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin na may sumusunod sakin. Bumaba rin pala yung maniac kanina sa jeep.


Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang patakbong naglalakad. Lumapit ako sa mga pulis na nagkakape sa tabi ng kalsada.

" K- Kuya.. s- ..san po ang Santa Isabella?  " tanong sa lugar kung saan ako nakatira

"Okay ka lang ba? " nag aalalang tanong nila.

"Opo!  O- okay lang po... " gusto ko ng umuwi.

Sinabi nila yung daan. Tumango-tango lang ako kahit alam ko naman. Doon naman kasi ako nakatira.

Humakbang na ako at lumingon sa aking likod. Nang makitang wala ng sumusunod ay nakahinga na ako ng maluwag.

Gabi na ng makauwi ako sa maliit na apartment ko.

"Brown out? "

Lumabas ako ng makitang may ilaw naman ang mga kapitbahay sa labas lalong kumunot ang noo ko.

Bumuntong hininga nalang ako at nag hanap ng kandila at flashlight ng cellphone ang gamit kung ilaw. Nahanap ko na yung kandila nang may kumatok . Mabilis akong lumakad papuntang pintuan.

" O! " binigay sakin yung bill "- tatlong buwang ka ng di nagbabayad ng kuryente kaya pinutulan kana! "

"Salamat po... "

" Yun lang?  Hoy!  Alex?!  Pinutulan ka na ng kuryente at kapag hindi kapa magbayad ng renta mo sa sunod na buwan. Baka sa kalsada kana matutulog? Isang taon kanang di nagbabayad ng renta. Sobrang bait ko naman yata para pagbigyan ka pa? Porke't kaibigan ka ng anak ko?! "

" Nag aaral pa po kasi ako "

" Ay!  Kasalanan ko?  May pa aral aral pa kasi!  Mas mabuti pa tumigil kana dahil wala kang mapapala diyan at magtrabaho ng maayos? Nang makabayad ka na sakin?  Baka gusto mong ako pa magbayad ng kuryente at tubig mo? Nakakalibre kana nga ng pagkain sa anak ko? Abusador! "

" Hindi naman po "

"Tse! " singhal niya at umalis.

Bumuntong hininga ako at isasara na sana yung pinto ng pinigilan ito ng kaibigan ko.

" Samgyup? " malapad na ngiti niyang tanong. Umiling ako kaya hinawakan niya ang kamay ko "- hayaan mo na si mama. Kilala mo naman yun? "

"Pagod na kasi ako e. Bukas nalang ha? " at unti unting binitawan ang dalawang kamay niya. Ngumiti ako ng malapad para di siya masaktan.

" Sige! Bukas ha?  Maaga ka bukas ha?  "

Malungkot na ngumiti ako. Dahil di ko na alam kung nandito pa ako bukas. Sobrang nahihiya na ako sa kaibigan ko. " Eh.. di ako sigurado e. Baka mag overtime ulit ako... "

" O di sige.. Bibili nalang ako bukas at dito tayo kakain sa apartment mo! "

"Walang ilaw! "natatawang iling ko. Pano kami kakain mag mumultu-multuhan ?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartbeats(OSL SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon