Chapter Eight: Blood in Roses

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinigilan ni Fenier ang kanyang sarili na magpunta doon dahil alam niyang nandoon si Vivian upang magtrabaho. Kahit na puro siya kalokohan, alam pa rin naman niya ang ibig sabihin ng responsibilidad. Kahit na hindi niya ginampanan noon ang pagiging Walker, na siyang namumuno dapat sa buong Vampire Clan, handa na niya itong gawin ngayon kahit paunti-unti.

Nag-intay sila sa Town Square sa pagsulpot ng mga Insanes ngunit nakalipas na ang tatlumpong minuto ay hindi pa rin sila nagsisidatingan.

Nagkaroon na ng kutob si Fenier. "Mukhang hindi sila magsisimulang umatake dito," panimula niya.

Tumingin sa kanya si Maia. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Hindi sila aatake sa isang lugar kung saan walang mabibiktima. Ibig sabihin, ang pupunteryahin nila ay ang lugar kung saan madaming tao."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sarili niyang realisasyon. Mabilis siyang nagtungo sa taberna at mas binilisan pa niya ang takbo nang marinig niya ang mga sigawan mula doon. Hindi ito sigawan ng mga nagsasaya, sigawan ito ng mga natatakot at nahihirapan.

Halos masira ang pintuan sa taberna dahil sa pag-uunahan ng mga tao sa paglabas. Napamura na lang si Fenier dahil wala siyang madaanan. Maging ang pintuan sa likod ay nilalabasan na ng mga tao.

Tumalon siya patungo sa bubong. Gamit ang isang kamao ay binutas niya ito ng kasing laki ng isang tao upang magkasya siya. Pumasok siya gamit ang butas na ginawa niya at bumagsak siya sa sahig. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Sobrang dilim na at ang mga apoy lang sa gasera na nakadikit sa pader ang tanging ilaw.

Narinig niya ang mga tunog na nililikha ng mga Insanes. Nagpapasalamat siya dahil bampira siya dahil kahit na napakadilim ay nagagawa niyang makita ang kabuuan ng taberna.

Mabilis niyang hinanap ang kaisa-isang nilalang na dahilan kung bakit siya napatakbo patungo dito. Kung tutuusin, wala naman siyang pakealam kung umatake ang mga Insanes dito pero dahil sa nandito nagtatrabaho si Vivian, kailangan niyang makasigurado na ligtas ito.

Panay ang suntok niya at butas sa dibdib kapag inaatake siya ng mga Insanes. Patuloy siya sa paglakad at kahit ilang Insanes pa ang humarang sa kanya ay mabilis niyang napapatay. Inililibot niya ang tingin niya sa paligid, nagbabaka sakali na makita niya si Vivian.

Nang makarating siya sa entablado ay kinuha niya ang isang bagay na nakapatak sa sahig. Maskara itong puti na may puting rosas sa gilid ngunit nagmistulan itong pulang rosas dahil sa dugo na nakabahid dito. Napamura siya at pinisil ang maskara sa kanyang kamay.

Marahas niyang inilibot ang tingin sa paligid para muling hanapin si Vivian.

Damn, where is she?! And damn, why am I so worried about her?!

Tumakbo siya patungo sa dressing room ngunit tanging bangkay lang ng ilang mga tao ang nandoon. Napapikit siya ng mariin nang humalimuyak sa buong paligid ang dugo ng mga tao. Pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi ito ang tamang oras para magutom.

Lumabas na siya ng taberna. Nakita naman niya ang mga Nobles na nakikipaglaban na sa mga Insanes. Inamoy niya ang paligid para malaman niya kung nasaan si Vivian. Tumingin siya sa kanyang gilid nang maamoy niya ang pamilyar na amoy ni Vivian-matamis at nakakaadik.

Mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Vivian. Ang amoy ng dalaga ay dinala siya sa isang masikip at madilim na eskinita. Nakita niya ang isang pigura na nakasalampak sa sahig. Habang papalapit ay nakita niya si Vivian na hawak ang kanyang braso na puno ng dugo at may napakalaking hiwa.


"Hey,"

Marahas na lumingon sa kanya si Vivian. Mapula na ang mga mata nito at nakalabas na ang pangil. Mas maputla na ang balat niya ngayon kaysa sa dati.

The Playful VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon