LBKKMG 25 - Wait Lang

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanila. Ang sakit sakit na nga ng mata ko sa kapipigil ng luha. Natatakot ako na magsalita si Trixie. Natatkot ako na may sabihin siya na kahit isang salita lang. Who knows diba? Baka yung isang word na bibigkasin niya, would surely change everything.

"Eunice umiiyak kaba?" Tanong sakin ni Rain dahil nasa tabi lang ako ni Trixie

Oh shoot hindi na talaga napigilan ang mga luha ko "Ah hindi Rain ah! Tears of joy lang! Pa-ara sa-a inyo" saka ako nagpakawala ng pilit na ngiti

Yumuko nalang ako kasi pakiramdam ko anytime pabagsak na yung katawan ko. Hindi ko na kayang makita silang dalawa sa harapan ko. Kung pwede lang sanang tumakbo papalayo? Ginawa ko na. Kaso hindi eh. Mahahalata nila.

Wala akong naririnig na nagsasalita. Maski si Trixie natameme na ata. Naiintindihan ko naman siya eh. Marahil gulat pa siya sa lahat ng nangyayari.

Maya maya lang may naramdaman akong biglang humablot sa kamay ko at kinaladkad ako sa kung saan

*end of flashback*

"Eunice! Nakikinig kaba sa mga sinasabi ko?" Rinig kong sambit ni Trixie

"A-ano yun? Sorry ah. Na pre-occupied lang" paumanhin ko

"Gosh! Andami kong sinabi tas ni isa eh wala palang nagregester diyan sa utak mo? Eunice naman eh!" Saka pinalo niya ako ng mahina sa braso

Tignan mo tong babaeng toh! Kung makapalo feeling close lang!

"Sorry na nga eh.. Ano ba kasi yung sinasabi mo? Tsaka si Rain! Balikan mo siya! Hindi mo pa siya sinasagot" saka ako naman ang tumulak tulak sa likuran niya pabalik

Oo nasasaktan ako. Pero hindi ko din naman hahayaang iiwan niya lang ng ganun si Rain! Kung irereject niya, edi sana kausapin niya ng maayos. Wag yung nagwalk out lang siya bigla. Sayang yung effort ng taong yun!

"Eunice stop it" pagmamatigas ni Trixie

Hindi padin ako nagpaawat sa pagtulak sa kaniya "Bumalik ka nga duon! Kausapin mo siya ng maayos"

"EUNICE I SAID STOP IT! I KNOW YOU LIKE HER OKAY!?" sigaw ni Trixie

Agad naman akong natigilan. Dont get me wrong ah? Hindi ako natigilan dahil sa sumigaw siya, kundi sa mga katagang sinabi niya. Pano niya nalamang gusto ko si Rain?

"A-ano b-bang p-pinagsasabi mo diyan?" Nauutal kong sambit

"Maglolokohan paba tayo dito Eunice?" Saka hinawi ni Trixie yung hibla ng buhok na napunta sa may mukha niya "I know you like him okay?" at hinawakan ni Trixie yung dalawang kamay ko "Wag mo na itanong sakin kung paano ko nalaman kasi tanging girl instincts lang ang masasagot ko sayo" tapos tumawa siya ng mahina " Alam mo ba na gusto ko din siya? Kaya lang hindi kami pwede para sa isat-isa. Hindi ako ang para sa kaniya"

"Paano mo nasabing hindi ikaw ang para sa kaniya? Ikaw nga ang slow mo. niya diba?" Tanong ko

"Yun na nga eh, ibabasi lang ba ni Rain ang lahat sa slow mo? I mean, Minahal niya lang ako dahil sa slow motion na yun? That's pointless Eunice" sagot ni Trixie

Hindi niya kasi naiintindihan. Mahalaga samin ni Rain ang slow mo. Totoo ang mga bagay na yun!

"Trixie you don't understand. Oo maaring binase lang ni Rain sa slow mo yun pero believe me, mahal ka niya not just because of that. Mahalaga para kay Rain yung slow mo. At alam kong hindi rin siya ganun kababaw. Yung aayain niya yung isang babae na maging girlfriend niya just because he got slowed mo? He's not that person! Mahal ka niya and that's it. Hindi ko na kailangang i-elaborate. I know Rain, maski tindig, lakad, panananalita at actions niya, lahat, alam ko na kung ano ang ibig sabihin Trixie" pangangatwiran ko

Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon