Chapter 1

66 1 0
                                    

"Gosh ate! ini-stalk mo na naman ang facebook ng crush mo!"

Nilingon ko ang nagsalita at para akong nanalamin sa pagharap ko. Only that she's wearing a black tight dress matched with black pumps while I'm wearing my favorite worn-out pajama.

Nakalugay ang silky straight nitong buhok. Asselle Ace is my twin sister. Nahuli akong ipinanganak ng isang minuto kaya't medically speaking, ako ang Ate.

We are identical twins, ngunit sa pisikal na anyo natatapos ang pagkakapareho namin. We are like North and South sa maraming bagay.

Isa sa malaking pagkakaiba namin ay ang ideolohiya namin sa pag-ibig.

She falls in and out of love na parang nagpapalit ng damit while I'm a romantic fool na nirereserba ang puso para sa isang lalaki.

"Hayaan mo na ako sis, alam mo namang sa ganitong paraan lang ako nakakalapit sa kanya". nakanguso kong wika dito.

"Hay naku! Hanggang kelan ka ba magpapakabaliw sa lalakeng yan. Ni hindi nga niya alam na may isang Sofia Aine Archangel na nage-exist sa earth."

James Adrian Montecillo is a well-known jetsetter and F1 car racer. He was listed as one of Philippines most sought after bachelor last year. Gwapo, matalino and belongs to an elite family from Camarines Sur who owns the infamous Sands and Tides Beach Resort.

Muli kong ibinalik ang atensyon sa pagtingin ng Timeline ni Adie. Mabuti na lang at may common friend si Ace sa mga kaibigan ng lalaking tinatangi kaya't malaya kong nakikita ang profile nito sa facebook.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko ng madaanan ng tingin ang nakangiting picture nito habang nakaakbay sa isang napakagandang babae. Bilugan ang mata nito na binagayan ng mapilantik na pilik mata, mahaba at makintab ang buhok. Parang modelo ang tindig at pangangatawan.

"That's Dana Isabelle." narinig kong wika ni Ace na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.  "She's James Adrian's first love."dagdag pa nito.

Pinili kong wag magkumento sa sinabi nito at pinatay ang laptop pagka log-out sa facebook. Hindi ko maiwasan ang malungkot.

We are destined for each other at hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I need to find a way to convince him na kaming dalawa ang nararapat sa isa't-isa.

Humakbang ako papunta ng  kama at piniling itulog na lang ang nararamdaman. Hindi naman kami. Wala akong karapatang masaktan.

Magtatalukbong na sana ako ng kumot ng hinila ito ni Ace.

"Why don't you come with me instead of sulking here? Ibinuburo mo ang kagandahan mo sa kuwartong ito!"

"You know I'm not fond of parties Ace." tanggi ko rito at muling hinila ang comforter.

"Because you never tried to go out! You'd rather hibernate here at gugulin ang buong oras mo sa pagbabasa!"

Ngumiti lamang ako rito bilang sagot habang pinapanood ito sa paglalagay ng lipstick. She'll never understand the happiness I get in reading books the way that I'll never understand her spending overnight at parties and having to endure hangover the next day.

On the contrary, I tried to party once ng lingid sa kaalaman nito. I stalked Adie and ending up spending the whole night getting wasted and not remembering what happened. It's a good thing nakauwi ako ng buo. Thus, I swear I'll never do it again.

"Uuwi ka ba mamaya?" pag-iiba ko ng usapan.

"It depends..." kibit balikat nitong sagot habang naglalagay ng Mccormick vanilla sa likod ng tenga at palapulsuhan.

"Ace..." may pagbabanta sa boses ko.

"I'll be with my college friends. Don't worry, kaya kong protektahan ang Bataan."

Well, I know that Ace can protect herself. Sa kagustuhan ng kanilang ama, they were enrolled in martial arts class during their highschool years. They were both black belter for that matter.

"Just make sure don't drink more than what you can handle. At magtext ka kung hindi ka makakuwi para alam ko ang isasagot kila Mama."

"Yes, mother hen."

Pabiro kong inirapan ang kapatid at nagtalukbong. As I was about to close my eyes, Ace said something.

"If it will make you feel better big sister, Maki just announced his engagement to Dana. And James Adrian is bound to Albay to mend a broken heart."

Natigilan ako sa narinig. Mabilis kong ibinibaba ang comforter. But before I can even say anything, likod na lang ni Ace ang naabot ng tanaw ko as I heard the door clicked.



"You can't catch me Dad" paghahamon ni Jacob habang tumatakbo palayo sa ama.

"Andiyan na si Daddy..." pabirong pananakot nito habang nag slow motion sa paghabol dito.

Napatili si Jacob at mas mabilis ang ginawang pagtakbo. Napuno ng halakhak ang bahay ng mga Montecillo ng naabutan ito ni Maki at kiniliti sa buong katawan. Pilit itong kumakawala habang pinupog ng halik ng ama.

They look happy now. Maki is so lucky to have them in his life. A life I've always dreamed of.

Napabuntunghininga ako sa naisip and a bittersweet smile formed on my lips.

"A penny for your thought?"

Nilingon ko si Dana na palapit sa akin habang may hawak na tomato juice. Di ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Darn, she's so beautiful!

Umiling ako at piniling huwag ipaalam ang laman ng isip ko kanina. I know what I feel for her is wrong. I don't want to ruin her happiness lalo na at maayos na sila ni Maki. I should be happy for her.

"I just dropped by to check on you guys... At para din magpaalam." sagot ko rito.

Napawi ang ngiting kanina lang ay nakaguhit sa maganda nitong mukha.

"Where are you going?"malungkot nitong wika.

"I'll be leaving for Albay tomorrow. I gave Mom and Dad a cruise ticket so I'll be taking over the hotel management for a while."

Hindi ko na kailangang sabihin pinili kong lumayo upang kalimutan ang pag-ibig ko sa kanya.

"Wow! That's so sweet of you! But... I will surely miss you here. Nasanay akong lagi kang andiyan para sa akin"

"You know I'm just one call away." I said to cheer her up.

Niyakap ko siya at banayad na humalik sa noo nito. Just a friendly hug. I thought to myself.

"Take care Dana. Invite mo ako sa wedding ha?!"nakangiting kong bilin sa kanya.

"Of course! Ikaw ang bestman ha?!" natigilan ako sa narinig. I just smiled at her as a response at nag-umpisang humakbang palayo.

"I hope you'll find your ever after soon Adie" pahabol nitong sabi at kumaway sa akin.

Chasing Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon