"It's my fucking bussiness lucas dahil nadadawit ang pangalan ko! Anong ibig mong sabihin duke? Anong ibig mong sabihin na hindi ako gonzales??" Tinignan ko si duke pero umiwas lang siya ng tingin sakin

"It's your fucking mother who fucking killed our grandma!" Kita ko ang galit, lungkot, at pangungulila sa mga mata ni lucas.

W-what? m-my mother?

Hindi na ako magtataka kung magiging mamamatay tao ang nanay ko dahil muntik na din niya akong mapatay noon dahil sa pambubugbog nya pero... Bakit ang lola nila? Anong kinalaman ng pamilya nila sa pamilya ko?

"B-bakit...P-paanong..." Hindi kona natuloy ang sinasabi ko nang biglang magsalita si lucas.

"Your mother is a fucking murderer."

"Paano niyo nasisiguro na magulang konga ang pumatay sa lola niyo?" sumabat si duke

"Remember nung nawala ako at nung sinabi ko sainyo na may sumusunod sa akin na may tattoo at ang nakalagay ay 'samantha'?" Diniin nya ang salitang 'samantha'. Tumango lang ako sa mga sinabi niya at ipinagpatuloy nya naman ang sinabi nya .

"Inutusan ko ang isa sa tauhan ko para hanapin at alamin kung sino ba talaga si samantha, hanggang sa may ibinigay ang tauhan ko na address at naka address iyon sa isa sa mansion ni lucas. Kaya naman pinuntahan ko ang mansion na yun at duon ko nakita ang lola namin.
walang buhay at nakahandusay sa sahig. May nakita akong sulat at usb"

May kung anong dinukot siya sa kaniyang bulsa at maluha-luha siyang ibinigay sa akin iyon. Narealize kong isang papel iyon na may puro mantsa ng dugo pa. Kinuha ko iyon at binasa.

"Hello del fuente brothers! i hope you two enjoy our special gift for the both of you! masakit ba? masakit bang makitang nakahandusay at walang buhay ang mahal niyo sa buhay? well patikim palang yan! marami pa kayong malalaman at matitikman! papahirapan ko pa kayo ng papahirapan hanggang sa sumuko kayo at magmakaawa sa harap ko! sabi ko naman sainyo eh hindi na dapat kayo nangi elam pa at pumasok pa sa buhay ni nathalia edi sana buhay pa ang lola niyo ngayon! kaya kung ako sainyo ibigay niyo nalang sa akin si nathalia para naman wala na tayong problema. Remember this del fuente brothers as long as hawak niyo si nathalia magiging miserable ang buhay nyo! And also check the usb so that you all can see what we did to your grandmother. ciao!"

Nanginginig ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi pa din ako maka alis sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman kong lumapit sakin si duke at iniabot sa akin ang isang usb at ibinigay ang laptop niya.

Agad kong isinuksok ang usb sa laptop at bumungad sa akin ang video kung paano tinortured ang lola nila duke at lucas. Agad ko itong ni-play at napahawak ako sa aking bibig sa aking nakita.

Sobrang dilim ng nasa video nang biglang bumukas ang ilaw nito at nakita ko ang lola nila. Nasa upuan at nakagapos ang lola nila. Nasa gilid naman ang... nanay ko... May hawak na kahoy at malaki ang ngiti na tila nasisiyahan pa sa nangyayare.

Bigla niyang hinampas ang ulo nito dahilan para tumalsik ang dugo. May isa pa itong kasamang lalaki at may hawak na sigarilyo. Nagulat ako nang bigla niya itong idiin kung saan may sugat ang lola nila duke. Napapikit ako sa ginawa nila na tila parang ako ay nasasaktan din sa ginagawa nila.

Rinig ko ang sigaw ng lola nila na nagpasakit lalo sa puso ko. Ramdam kong nahihirapan na siya. Habang ginagawa nila un tumapat ang camera sa isang magandang babae. May hawak itong baril at pinupunasan niya pa ito. Matangkad siya, brown ang buhok at maputi siya. Nagulat ako dahil mag kahawig na magkahawig kami.

Siya ata ang tinutukoy ni duke na 'samantha' daw ang pangalan. Tumingin ito sa camera at ngumiti ng nakakaloko na nagpainis sa akin. Halo halo ang nararamdaman ko may galit, takot, lungkot at selos?. Hindi ko alam kung anong pakay niya at bakit dinadamay nila pati ang lola nila duke at lucas.

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now