UNO- Pulang Buwan

26 2 0
                                    


Author's note:

This chapter, UNO, is a long one. It is the pilot chapter of this novel. That is why it is long. Bear with it because I assure you, it is worth it. Enjoy reading!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


NAGISING ako nang marinig ko ang mahihinang kaluskos na nagmumula sa labas ng aking masikip na kwarto. Maririnig ang tunog ng mga maliliit na kampana dala ng hangin at ang mga kubyertos na animo'y may nagluluto. Bahagya at malumanay ang ingay sa labas.

Muli ko sanang ipipikit ang aking mga mata nang dumaplis ang hinahanging kurtina sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mga mata dahil dito. Inilibot ko saglit ang aking mga mata sa loob ng aking kwarto upang magising ang aking diwa. Napatingin ako sa orasan para tignan kung anong oras na.

"Shuta! 8 o'clock na pala!" Napabalikwas ako sa aking higaan na gawa sa buri at dali-dali itong tinupi upang itabi.

Nagtagal ng sampung minuto ang aking pagbibihis bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang aking imang na nasa tapat ng anito ng isang dios. Nakaluhod ito at parang may ibinubulong na kung ano-anong mga salitang hindi ko na marinig at sigurado rin naming hindi ko alam.

Maayos na nakalagay din ang iba't ibang mga gulay, prutas, at atay ng manok bilang alay sa sahig. Sinasayaw ng hangin ang apoy ng mga kandilang nakapalibot sa sahig sapakat mahangin ngayong umaga.

Hindi ko na ginambala pa ang aking imang (lola) sa ritwal na ginagawa niya at diretsong naglakad papuntang kusina upang magsandok ng pang-umagahan.

Adobong manok pala ang niluto ni imang. Nakapagsaing na rin pala siya. Mukhang wala na akong gagawin. Ipaghahanda ko na rin siya ng makakakain.

KATATAPOS ko lamang maihanda ang mga pagkain sa hapag nang dumating na ang aking imang at diretsong umupo sa upuan.

"Anong oras na bakit ngayon ka lang nagising, hija?" aniya sabay subo sa adobong manok at puting kanin.

Sumubo pa muna ako ng ulam bago sagutin ang kaniyang tanong. "Nagrereview po kasi ako kagabi. May exam kami ngayon sa isa naming subject. Baka gabi na rin po ako makauwi niyan, imang. 'Wag mo na ako hintayin."

"'O siya, basta't galingan mo sa exam mo kung ano man iyan. Siya nga pala, araw ng pag-alala natin ngayon. Dapat ay gumising ka ng maaga para nasamahan mo akong magbigay-pugay at magbigay-pasasalamat sa anito." Pangaral niya habang seryosong hinihiwa ang manok bago isubo.

"Imang, alam nyo naman pong hindi ako naniniwala sa ganyan eh. Actually, medyo scary pa nga." Saad ko nang medyo ngumingiwi-ngiwi pa para ipakita ang aking emosyon.

Hindi man ako nakatingin sa kanya pero naramdaman ko ang matatalim na tingin ng aking imang. Sa totoo lang, laging ganto ang usapan namin. Traditional ang aking lola at naniniwala sa mga ganitong paniniwala, ritwal, anito, at kung ano-ano pa. Sinasabi niya na ginagawa na 'to ng aming angkan hundreds of years ago pa. Aba'y ewan kung gaano na katagal. Pero anyway, mukhang sa akin magtatapos ang family tradition na 'yan.

Wala na akong mga magulang. Ako at si imang lang ang magkasama sa buhay. Sa aming angkan, kami na lamang ang natitira. Sa hindi malamang dahilan ay puro isa lang ang nagiging anak ng aming angkan. Isa lang ang naging anak ni imang at yun ay ang aking papa. Ganun din si papa na ako lang ang anak. Kumbaga, ako ang latest sa models ng phone at para mapanatili ko ang lahi namin, kailangan kong mag-asawa at manganak. Ganun na daw talaga ang pamilya namin kahit noong mga unang panahon pa. Dahil din doon kaya gusto ni imang na matutunan ko ang mga ritwal na siyang naabutan ko kanina para maipagpatuloy ito. Pero hindi talaga ako traditional na tao.

BabaylanWhere stories live. Discover now