Chapter 7

24 1 0
                                    

Chapter 7

Nauna akong pumasok at pumwesto sa likuran ng shot gun seat kung saan nakaupo si Arisse at si Daniel naman ay dun sa likod ni Pat. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana at pinagtabi pa kami ng taong pilit ko ng kinakalimutan sa matagal na panahon

"Enchanted Kingdom here we go!!!!" Rinig kung sabi nina Pat at Daniel

"Doon tayo pupunta?" Pagtataka ko, kaya nakita ko sa peripheral view ko na napalingon si Daniel sa akin

"Oo Kath, ayaw mo ba?" Sagot ni Daniel kaya agad akong tumingin sa kanya

"Hindi naman" Pagkasabi ko nyan ay binalik ko na agad ang tingin ko sa bintana at tinignan ang mga tao sa labas

Bigla kung naalala si Mommy hindi niya alam na pupunta ako sa EK ngayon at siguradong gagabihin ako ng uwi at hindi rin niya alam na nakabalik na si Daniel ng bansa at kasama ko pa ito ngayon. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ito. Alam ko naman na nalungkot si Mommy sa nangyari sa amin ni Daniel noon. Pero wala siyang nagawa kung hindi palakasin ang loob ko at tulungan akong makamove-on sa mga pangyayari kahit masakit para sa kanya na nakikita akong nahihirapan at nalulungkot.

Nilabas ko ang cellphone ko at sinimulan ko na siyang itext para magpaalam.

To: Mommy M

Mommy, baka po gabihin ako ng uwi ngayon. Kasama ko po sina Arisse at Pat nagkayayaan po kasi kaming magpunta sa EK ngayon dahil wala naman pong pasok bukas. Quality time lang and gusto lang po namin mag-enjoy bago dumating ang pre-lim week.

Message Sent

Pagkasend ko ng message ay agad ko na ding tinago ang phone ko at muling tumingin sa labas ng bintana. Ayokong magsalita dahil wala naman din akong sasabihin samantalang sina Pat, Arisse at Daniel ay halatang namiss ang isa't isa sa dami ng kanilang pinag-uusapan. Nakikinig lang ako sa kanila.

"Alam mo kasi DJ si Dom yung tropa natin noon na pa-nerd nerd, ngayon isa ng heartthrob sa university na pinapasukan niya" Masayang kwento ni Pat.

Napangiti ako sa narinig ko. Yung kaibigan namin na sobra kung bullyhin noon dahil pangit at bakla daw ay isa na palang heartthrob ngayon. Wala na din akong naging masyadong balita sa kanila pagkagraduate ng high school dahil hindi na din ako masyadong gumagamit ng mga social media tapos si Arisse na lang ang lagi kung nakakasama.

"Talaga? Eh parang dati sobra kung pagtripan natin yun dahil sa pagiging nerd niya" Sagot naman ni Daniel

"Ang laki na talaga ng pinabago niya! Gwapo pala yun eh" Hirit naman ni Arisse

"Hinihingi niya nga yung number ni Kath sa akin nung huling kita namin. Ewan ko kung bakit. Nagtext ba sa'yo yun Kath?" Tinignan ko si Pat ng marinig ko ang pangalan ko sa usapan nila.

Umiling ako sabay sabing "Hindi, wala pa naman akong natatanggap na text from him. Bakit?"

"Kinuha ni Dom yung number mo, may sasabihin daw kasi siya sa'yo. Loko loko din yun! Di naman pala nagtext sa'yo"

"Eh di ba love, may gusto kay Kath yun dati at nagbabalak umamin kaso naunahan ni Daniel kaya nawalan ng pag-asa" Hindi ko alam pero na-awkwardan ako sa sinabi ni Arisse. Siguro dahil pagkatapos ng ilang taon ngayon na lang ulit napag-usapan ang nakaraan na magkasama kami. "Oops sorry!" Dagdag niya pa ng mahalata niyang hindi naging kumportable ang lahat sa sinabi niya

"Ako nga ang nauna kaso iniwan ko naman ng ganun ganun na lang"

Believe AgainWhere stories live. Discover now