Chapter 4

30 2 0
                                    

Chapter 4

Dumiretso na ako sa school ang sabi kasi ni Arisse ay baka hindi siya maka-attend ng first subject dahil may inaayos siyang papers, para sa renewal niya ng passport. Kailangan kasi 6 months before the expiration date ng passport mo ay makapagrenew kana agad. Marami-rami pa namang documents ang kailangan. Kaya goodluck sa aking bff!

Habang naglalakad ako ay may nakabunggo sa aking isang lalaki, nakayuko siya at parang busy sa pagbabasa kaya hindi niya ako napansin "Ouch!" sabi ko nang mapaupo ako sa sahig

"Ay! Sorry po miss! Sorry po talaga!" Then tinulungan niya akong makatayo

I just smiled at him "No, it's okay! Mukhang busy ka kasi dyan sa binabasa mo eh"

"Ah eh! Sorry talaga! Hinahanap ko kasi dito sa map kung saan yung admission office"

"Ganun ba? Pagdiniretso mo ito ay library may stairs bago dumating ng library bumababa ka dun then left side, first door. Dun yung admission office"

"Thank you! Mabuti na lang talaga at tinulungan mo ako. By the way, I'm Iñigo" Sabay abot niya ng kamay

"Hi Kathryn, Kath for short" Then inabot ko din ang kamay ko sa kanya at binawi ko din agad ito

"Thank you talaga Kath! And sorry din sa pagbangga kanina"

"No it's okay! So paano? Una na ako, may klase pa din kasi ako eh. Bye!" Sabi ko naman

"Thank you ulit!" And we part ways. Dumiretso na agad ako sa classroom dahil alam kung malalate na din ako.

I was about to enter the room ng may tumawag sa pangalan ko "Kath!" agad ko naman nilingon ang pinanggalingan ng boses, and its Patrick!

"Pat, what's going on?" I asked him dahil halata mong tumakbo siya ng malayo dahil maririnig mo ito sa kanyang paghinga

"I just want to give you this" Sabay abot niya sa akin ng isang maliit na box "May nag-iwan niyan sa table ko kanina and I don't know kung sino siya. Nag-iwan lang siya ng note na ibigay ko daw sa'yo. Nagtanong naman ako sa mga blockmates ko pero hindi rin daw nila nakita kung sino ang nag-iwan nyan."

Tinignan ko ng masama si Pat dahil baka mamaya ay kilala niya talaga kung sino ang nagbigay nito sa akin "Ay nako Kathryn promise hindi ko talaga alam kung sino" Sabi pa niya sabay taas ng right hand as a promise sign

"Okay okay! Thank you na lang sa pag-dala. Sige na! Papasok na ako at sobrang late na ako." Sabi ko naman

"Sige sige! Walang anuman. Mauna na din ako ha! Bye!!" At umalis na din si Pat, may klase pa din ata siya

Sa likurang pinto na ako dumaan dahil nagsisimula ng magdiscuss ang prof ko, sa likurang upuan na din ako naupo

Tinititigan ko lang ang maliit na box na ipinapabigay daw ng isang tao na ayaw naman magpakilala, uso pa ba ang mga secret admirer sa panahon ngayon? Parang hindi naman na. Sino naman kaya ang tao na yun na magbibigay ng regalo ng hindi man lang magpapakilala. Kung sino man siya, maraming salamat sa kung ano man ang laman ng kahon na ito 

Believe AgainWhere stories live. Discover now