Chapter Two

3.7K 110 1
                                    



"AYOKO!!" yun lang at tumakbo papasok ng van si Allie.


Agad namang sumunod si JR. Pumasok din ito sa van at hinarap ang babae.


"Akala ko ba gusto mong makilala si Yael? E bakit daig mo pa ang nakakita ng multo at bigla ka na lang tumakbo?"


Genuine ang pagtataka sa boses ni JR. Tila hindi nito na-gets ang punto ni Allie. Oo nga at nagsabi ang dalagita sa kaibigan na gusto nitong makilala ang pinakasikat na lalake sa high school department pero hindi naman niya sinabing ora mismo! As in, katatapos lang nilang mag-PE, pawisan pa si Allie at magulo ang buhok dahil nag-volleyball siya. Sinong matinong bagets ang haharap sa crush niya na madungis?


"Ano ka ba, nakita mo nang nanglilimahid ako! Ayan o, basa ako ng pawis, ni hindi pa ako nakakapagsuklay, tapos hihilahin mo ako para ipakilala kay Yael! Hindi mo man lang ako binigyan ng konting dignidad! E daig ko pa ang mangkukulam sa itsura ko no!" singhal ni Allie kay JR. Sa totoo lang, gusto na niyang batukan ang kaibigan!


"Wala ka namang sinabing dapat ay naka-gown ka kapag pinakilala kita no? Nagmamagandang loob na nga ako, tapos mali na naman pala ako?" napakamot ito ng ulo. "Diyan ka na nga!" tumayo si JR at lumabas ng van.


"Teka, saan ka pupunta?" tawag ni Allie.


"Kukunin ko yung bag ko, nasa bench pa!" halata ang inis sa boses nito.


Nakasimangot pa rin si JR nang bumalik ito sa van.


"Next time naman, abisuhan mo ako para makapaghanda ako. Siyempre gusto ko, maganda naman ako kapag nakaharap ko ng malapitan si Yael," wika ni Allie habang nagsusuklay ng buhok.


"Wala nang next time."


"Anong wala nang next time?" napatigil si Allie at tumingin sa kaibigan.


"Hanggang Friday na lang tayo, di ba? Bakasyon na sa susunod na linggo." Seryoso na ang mukha ni JR.


"So? Buti nga yun, bakasyon. At least may time ako para magdiet at magpapayat. Para sa pasukan, maganda na ako. Tamang-tama di ba?"


Hindi umimik si JR. Nakatingin ito sa labas ng bintana ng van. Nasa harap na si Mang Ambo at tinatawag na ang iba nilang kasamang uuwi.


"Ano, sa June, ipakilala mo na ako kay Yael, ha?" ungot uli ni Allie sa best friend.


"Hindi na puwede."


"Anong hindi puwede, nakakainis ka naman! Parang may time frame ah!"


"Di ba nung hiniling mo sa akin the other month na makilala si Yael, pumayag naman ako?"


"Oo nga. Bakit ngayon, sabi mo hindi na puwedeng makilala si Yael?"


"Wala naman akong sinasabing hindi mo na puwedeng makilala si Yael. Ang sabi ko lang, hindi na puwede.. I mean, hindi na kita puwedeng ipakilala kay Yael sa June."

Laging Naroon KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon