CHAPTER 27

883 58 0
                                    

"Ito magiging silid niyo." Sabi ng Reyna sa amin, personal niya kasi kami hinatid sa silid na tutulogan namin dito sa palasyo.

Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod naman kami sa kaniya.

"Ang ganda, Mama." Puri ni Levan pagkapasok namin sa loob ng kwarto na gagamitin naming apat.

"Oo, maganda nga." Pagsang-ayon ko sa kaniya.

Maganda ang dekorasyon ng loob kwarto pang maharlika talaga, halatang mamahalin ang mga kagamitan dito.

"Sumabay na kayong kumain sa amin mamaya." Sabi ng Reyna sa amin.

"Dito nalang po kami kakain." Sabi ko sa kaniya.

"Sasabay ngayon ang mga kapatid mo, sayang naman ipakilala ko sana sa kanila ang apo ko." Sabi niya at ngumiti kay Levan.

"Sabay na po tayo sa kanila, Mama." Sabi ni Levan sa akin.

Tumingin ako kay Levan, bakas sa mukha niya na nais niyang makita o makilala ang mga kapatid ko.

"Sige, paki sabihan nalang kami kapag kakain na." Pagpayag ako sa alok ng Reyna.

"Sige, ipapatawag ko nalang kayo kapag maghahapunan na. Magpahinga na muna kayo sandali." Nakangiting ani 'ya sa amin at umalis na.

"Ang ganda ganda talaga dito, ito na ba ang magiging silid natin dito Mama?" Tanong ni Levan sa akin.

"Hindi, pansamantala lang 'to." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit po?" Tanong niya.

"Dahil hindi dito nakatira si Mama, iba ang bahay ni Mama." Sagot ko sa kaniya.

"Diba po dito nakatira ang Prinsesa at Prinsipe?"

"Ang Hari, Reyna at Prinsipe lang nakatira dito." Sagot ko sa sunod na tanong niya.

"Bakit naman po sila lang?" Sunod na tanong niya.

"Sabi ng Mama ko, hindi daw mahalaga ang mga Prinsesa kaya hindi sila sa palasyo nakatira." Sabi ni Tomas habang nagmamasid sa buong silid.

"Hindi mahalaga? Ibigsabihin hindi nila tinatrato ng patas sila Mama dahil Prinsesa siya?" Tanong ni Levan kay Tomas.

"Tama, kaya nga iilan lang nakakakilala sa mga Prinsesa." Tugon ni Tomas kay Levan.

"Edi ayaw ko na dito kung iba pala trato nila kay Mama." Nakayukong sabi ni Levan habang kami ni Duke Marvis pinapakinggan sila.

Gusto ko sanang magsinungaling pero naunahan ako ni Tomas, pero kung magsisinungaling ako hindi rin naman maganda diba?

Malalaman at malalaman pa rin naman ni Levan kapag lumaki na siya lalo na kapag sinimulan na niyang intindihin ang lahat sa paligid niya.

At ayaw ko rin naman magtago o maghilim sa bata na 'to baka kapag lumaki siya magalit siya sa akin dahil tinago ko sa kaniya o nagsinungaling ako sa kaniya.

"Diba gusto mong makilala ang mga kapatid ni Master?" Tanong ni Tomas sa kaniya.

"Oo, akala ko kasi mababait sila gaya ni Mama." Sagot ni Levan sa kaniya.

"Hindi lahat ng akala mo ay tama, Mahal na Prinsipe. Kadalasan kabaliktaran pa sa inaasahan natin." Sabi ni Tomas sa kaniya at ngumiti kay Levan.

Itong dalawa 'to, sana ganito sila kasundo hanggang sa paglaki nilang dalawa.

Napatingin naman ako kay Levan nung humarap siya sa akin, "Mama, balik na po tayo sa Serevo baka po apihin ka nila dito. Ayaw ko po nun." Sabi niya sa akin.

Umupo ako para mapantayan siya, "Hindi tayo babalik ng Serevo hangga't hindi natin natutulongan ang Papa Marvis mo na mabawi ang sa kaniya." Sabi ko sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now