Chapter 1

2 0 0
                                    

"Hello."

Sinagot ko ang tawag ng kaibigan ko.

"Ja, I'm sorry..." Malungkot na anito.

Kumunot ang noo ko habang sumasakay sa backseat ng kotse namin. "Don't tell me you are not coming with me anymore?"

Bumuntong hininga ito. "Then I won't tell you."

"Are you sure that you are not coming anymore?" I asked her.

"Hmm..."

Masungit na tinaas ko ang aking kilay kahit na may kaunting lungkot ring nararamadaman dahil hindi ko nakakasama ngayon ang friend ko.

"Guess, I'll be on my own again."

"I'm sorry talaga, ja..."

"Yeah, " bored na sagot ko at binabaan na ito.

"Saan po tayo, Ma'am?" Tanong ng driver ng family namin.

"Jack N Jill," sagot ko rito na nag umpisa na lang magdrive.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe. Nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko ay kinuha ko ito sa bag.

I opened the message and it was Marco, my 1 year boyfriend.

Babe:

Hi babe. Baka hindi ako makapunta sa date natin mamaya. I still have a lot things to do here in the company.

I rolled my eyes and ignore his text and just back my phone. Isa pa 'to, hindi na nga nakasama si Sammy sa akin tapos siya rin.

Umiling iling na lang ako.

"Nandito na po tayo, ma'm." Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang driver namin.

"I will just text you later," sabi ko rito bago bumaba at naglakad na papasok sa coffee shop.

Dumiretso agad ako sa counter para mag-order.

"What's your order, ma'am?" Tanong naman ng babae pagkakita sa akin.

"Mist choco on ice and one lava cake," sagot ko rito. Kapag gusto kong lumabas na may araw pa ay dito ako pumupunta, siyempre kasama ang friend ko na si Sammy.

"Mist choco on ice," rinig kong sabi ng katabi ko sa babaeng kausap ko kanina.

"Hihintayin niyo na po ba rito ma'am?" Tanong nito.

"Yes," nagtinginan kami ng katabi ko nang sabay kami nitong sumagot. Tinaasan ko ito ng kilay at sinagot naman ako nito ng irap.

Binalik ko ang aking tingin sa babae na palipat lipat ang tingin sa katabi ko. Naglakad ito sa isang pinto, ipapagawa na siguro ang order namin.

Ilang minuto ang hinintay ko at may lumabas na isang babae ulit, bago na ito dahil hindi na 'yong babae kanina na kausap ko ang lumabas.

Nilapag niya ang mist choco na order ko. "Here's your order, ma'am."

Again, sabay na naman kaming humawak sa baso ng katabi ko. Lumingon ako rito at kinunutan ito ng noo.

"This is mine," sabay na naman kaming nagsalita nito. Hinila ko ang baso para mawala sa hawak nito iyon.

"Hey! This is mine!" Hinila niya rin ito kaya napasunod ang kamay ko.

"Mine," nanggigigil na sabi ko at hinila rin ito.

Alam ko na marami ng nakatingin sa amin ng babae na ito pero wala na kong pake dahil mas mahal ko ang inumin na 'to kesa sa reputation ko.

"Hindi mo ba nakita na may kasamang lava cake ang ibinigay and that means sa akin ang mist choco na 'to." Sabi ko habang hindi pa rin binibitawan ang baso.

"Still mine!" Hindi ito nagpatalo at pinilit pa rin sa kaniya iyon.

Sa sobrang inis ay binitawan ko na ang cup at hindi ko inaasahan na tatapon 'yon sa kaniya.

"Oh my...!" Sigaw niya habang nakatingin sa damit niya na natapunan.

Napatakip naman ako ng bibig dahil nabigla talaga ako. Mukha siyang basahan ngayon dahil ang maliwanag na kulay ng damit niya kanina ay kulay putik ngayon.

"This is your fault!" Mangiyak-ngiyak na sigaw nito ulit. Tumingin naman ako sa paligid.

By looking at their eyes I know they already judging me on their minds. Huminga ako ng malalim at tinaasan ito ng kilay.

This is not my entire fault kaya!

"Sweety?"

Isang baritonong boses ang pumukaw sa atensyon naming lahat. At sa kuryusudad ay napatingin din ako rito.

"Sweety...!" Madramang tawag ng babae sa lalakeng kakapasok lang.

Lumapit naman ang lalake rito at hinawakan agad sa bewang. Tumingin pa muna ito sa damit ng babae bago sakin.

Ang unang napansin ko rito ay ang mata niya na kulay abo. I scanned his face down to his proud nose and his natural red lips that it's in thin line.

Medyo mayabong ang buhok niya pero hindi ganoon kahaba. May ilang hibla lang na tumatama sa noo nito na medyo basa pa.

Tumingin ako ulit sa mata nito at sakto naman na tinaasan ako nito ng kilay animo hinihintay lang ako tumingin ulit sa mata nito.

I gulp and raised my brow at him too. I can't be defeated with this guy. Kung mataray siya mas mataray ako.

"What happened?" Sinulyapan niya ang babae na kasama niya tanda na ito ang tinatanong pero bumalik ulit sa akin ang kaniyang tingin.

What's this guy's problem? Is he shamelessly staring at me? Well, I can't blame him, I can't hide my beauty wherever I'd go to.

I'm in my mid 20's so my beauty is showing more than in my teens but I'm also pretty in my teenager time.

Sa pagmamasid ko naman dito ay tingin ko nasa edad 28-29 ito. Pwede na rin. Wait, what? Inalis ko na lang ito sa isip ko.

"Tinapon niya sakin 'yong order ko." Parang aping-api nitong kwento ng babae.

I scoffed. "Come again? So I'm the one at fault now? Wow." I sarcastically laugh and bit my lip. "As long as I remember, I am the one who ordered first then you just came and your claiming my mist choco order yours."

Bumuka ang labi nito pero wala na 'tong masabi pa. Better shut your mouth, girl.

"Apologize to her," biglang sabi ng lalake kaya tumingin kami rito at kita kong nakatingin ito sakin.

"But sweety—"

"She's the one I'm reffering to." He cut her off, nodding his head to my direction.

Ilang sandali akong 'di nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Nakatitig lang ako rito, naghihintay na bawiin nito ang sinabi.

I scoffed. "Your really serious about this?" He remained quite. Tinignan ko naman ang babaeng dahilan lahat nito, kung kanina mukhang aping-api ito ngayon may ngiti na sa labi. It was a creepy one.

Nag umpisa na kong magkutkot ng kuko ko dahil sa pagkainis. My pride is at risk right now. But I don't wanna prolong this show as well.

"Fine. I will make sure you'll regret forcing me to apologize." Sabi ko rito at humarap sa babae. Huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang salitang kahit kailan hindi ko sinabi sa taong wala naman akong kasalanan. "I am very sorry for what I've done. I'm sorry."

Tumingin ulit ako ng matalim sa lalakeng nagpahiya lalo sakin sa mga taong nandito.

"Remember this day," I wisphered, enough that would still reach him.

I leave with a memories of a grey-eyed man that I will surely hate for the rest of my life.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Secret DealWhere stories live. Discover now