CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)

Start from the beginning
                                    

“Why do you keep on staring?” kunot-noong tanong nito habang nakatingin sa akin.

“Pogi mo kasi,” nakangiti kong tugon. Nakita ko namang namula ang tainga nito kaya umiwas siya ng tingin. Ewan ko ba, pero parang bigla akong nawalan ng hiya sa kanya. Dahil siguro best buddies na rin kami kaya gano’n.

Hindi na ito nagsalita pa at nag-focus nalang sa ginagawa niya. Napa-ayos naman ako ng upo nang maramdaman ang presensya ng isang tao sa harap ko. It was Celeste. She was standing there with shyness on her face.

“Uhm, Zivienne, I just want to say I’m sorry for being so full of myself,” biglang saad nito. Uhm, wow, ang ganda naman ng bungad niya. Wala man lang, “Hey, Zivienne, can we talk for a while?” gano’n? “I’m so sorry for trying to take your place. Nasanay lang ako na ako ang President since Grade 1 at hindi ko matanggap na hindi ako magiging President ngayong grade 10.”

“Uh…” I don’t know what to say so I just smiled at her. “It-It’s fine.”

“So…” Inilahad nito ang kamay niya sa akin. “Can we be friends?”

Tumayo at tinanggap ang kamay niya. “Sure.”

Nakita ko ang mabilisang pagsulyap nito kay Wave sabay ngiti. Binitawan ko na rin ang kamay niya at bumalik sa pagkakaupo. Si Celeste naman ay lumapit kay Wave.

“Hi, Wave! Ano ‘yang sinusulat mo?” tanong nito sabay tingin sa notebook. “What’s this?” May kinuha itong litrato na sa tingin ko ay nakaipit sa notebook ni Wave. Biglang nag-iba ang reaksyon ni Celeste nang makita niya ang litrato. Bahagyang nalukot ang mukha niya pero nagplastar din naman siya ng ngiti pagkatapos. But why do I feel like it’s fake?

Biglang inagaw sa kanya ni Wave ang litrato kaya nagulat siya. “I don’t like it when someone touches my stuffs,” masungit nitong saad tiyaka muling inipit ang litrato. Nag-sorry naman si Celeste at tahimik na umalis.

“Ano ba ‘yon? Patingin,” I said. Sinubukan kong kunin ang notebook sa kanya pero itinaas niya iyon sa ere. Hayss, nagiging bata na naman siya. Parang notebook lang eh.

Napadighay nalang ako bago sinubukang abutin iyon. Dahil masyado siyang matangkad ay sinubukan kong tumalon, pero na out of balance ako at natumba sa kanya. Bigla akong nahiya nang makita ang posisyon namin. Nakaupo kasi siya sa upuan niya habang nakaupo ako sa hita niya’t nakayakap sa kanya.

Agad ko namang inabot ang notebook niya at umayos ng upo. Wala na siyang nagawa nang makita ko ang litratong tinitignan ni Celeste kanina. I looked at Wave after I saw the picture. Nag-iwas lang ito ng tingin sabay lunok.

It was a picture of the two of us. The one that was taken on Barangay Pilapil. We’re both smiling in this picture. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti dahil meron pala siya nito? “I didn’t know you have a copy of this.” Nakangisi kong ibinalik sa kanya ang notebook tiyaka ‘yung picture, pero napasimangot din ako nang may maalala. “Sorry, kakasabi mo lang pala na hindi mo gustong pinapakealaman ang gamit mo.”

“What? Of course, you’re an exemption,” bawi nito na ikinatawa ko. May favoritism, yawa HAHAHAHA.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng klase katabi si Wave dahil chini-check namin ang attendance. “Buenaventura.” Ilang beses ko nang tawagin ang apelyido ni Mia ngunit walang sumasagot. “Is Mia absent?”

“Nakita ko siyang pumasok kanina, pretty Zivienne!” masiglang sagot ni Caryl. “Hindi siya absent.”

“Yeah, her bag is here,” sagot naman ni Zero sabay taas ng bag ni Mia.

“Nakakapagtaka namang lumabas siya eh nandito si Zero?” ani Quialla. “Parang linta na ‘yon kung makalingkis kay Zero eh.”

“Baka nandiyan lang siya sa tabi-tabi,” mahinhin na wika ni Vivian tiyaka tumayo. “Hahanapin ko siya sa labas.”

AMONG US IWhere stories live. Discover now