PROLOGUE

22 0 0
                                    

Umuulan nang malakas dito sa aming malaking bahay.May kasamang kulog at kidlat.

Nasaan na kaya sila Mommy at Daddy?Ba't nila ako iniwan dito mag-isa.Alam naman nilang takot ako sa tunog ng kulog at sa lakas ng kidlat.

"Arf arf arf arf arf" malakas na tahol ng aming aso pero kahit anong tahol nya di parin maipagkakaila na di nya kayang higitan ang mabagsik na sigaw ng panahon ngayon.Parang nagagalit ang langit.

Naalala ko tuloy ang napag-aralan namin kanina.Nagkwento ang aming butihing guro kung pano sumigaw ang isang babaeng nilalang dahil sa pagluluksa nya sa kanyang naging kasintahan.Ang kanyang kasintahan ay meron ng iba.Pinagpalit sya nito sa isang babaeng mas maganda at mas higit sa kanya.Labis na hinanakit ang naramdaman ni---

"Teacher,ano pong pangalan ng babaeng bida?" maligayang tanong ni Xy sa aming guro.Si Xy ay isa sa mga nagkakagusto sa akin dito sa room.Gusto rin sya nila Mommy at Daddy dahil close ang magulang nito sa magulang ko.Isa pa mayaman din kasi sila.

"HEAVEN" ngiting sagot ng aming guro.

"Wowww Heaveennn"

"Ang gandang pangalan naman nun"

"Kawawa naman si Heaven hays"

"Marami pang iba dyan di naman sya mauubusan ng lalaki"

Isa lang yan sa mga narinig ko sa aking mga kaklase.Halos lahat sila ay dismayado sa nangyari sa bida.Kahit ako sa akin mangyari yun ay madidismaya ako.Kawawa naman si Heaven.

*RING DING RING DING RING DING RING

Nagsitayuan agad ang aking mga kaklase nang marinig ang bell.Hudyat na tapos na ang klase at uwian na.Dali dali nilang kinuha ang kanilang mga bag.

"Okay Grade 6 Section A salamat sa pakikinig ng kwento ngayon.Pwede na kayong magsiuwian sainyo.Wag kakalimutan ang inyong mga takdang-aralin.Magiingat kayo sa pag-uwi mga anak." nakangiting bilin ng aming magandang guro na si Ms.Solaire.

Si Ms. Solaire ay isa sa mga magagandang guro dito sa aming paaralan.Maraming nagkakagusto sakanya dahil bukod sa napakaganda nya,mistisa pa sya at matalino.Dagdag factor din na pihikan sya at hindi easy to get kaya mas lalong nagugustuhan sya ng mga kalalakihan na parte ng aming paaralan.Kahit nga may mga asawa na yung iba ay nagkakagusto parin sakanya.Kaya di rin maiwasan ang selos at inggit.

"Ms. Solaire kung ako kay Heaven hindi ko sya gaganunin kasi bakit mo gagawin yun sa taong mahal mo na nakasama mo ng matagal na panahon.Kaya pag naging kami ni Sky hinding hindi ko gagayahin ang ginawa ng naging kasintahan ni Heaven.Diba Sky? " tanong ni Xy sa akin sabay kindat.Nasa likuran nya lang ako.Natawa naman ang aming guro sa naging eksena.

"Ikaw talaga Xy namula tuloy pisngi ni Sky" pilyong asar sa akin ni Ma'am.Hinawakan ko naman ang pisngi ko at napansin na parang uminit nga ito.Napayuko nalang ako sa ilang.

"Pero Xy hindi mo masasabi ang magiging kapalaran sa buhay.Kaya ikaw masyado kapang bata.Marami kapang pedeng maranasan sa buhay.Ang akin lang bilang inyong butihing guro.Gawin nyo lagi kung ano ang dapat at nararapat." ngiting bilin ng aming guro.

"Yes Ms.Solaire !  " aktibong tugon ni Xy habang nakamilitary pose at tumakbo na papalabas ng room.Kami nalang ni Ma'am ang natira.

"Sky" palabas narin ako ng room ng bigla nyang tinawag ang atensyon ko.

"Bakit po Ms.Solaire " magalang kong sagot.

"Wala lang magiingat ka lagi anak.Ikaw pa naman ang pinakamaganda dito sa room natin.Sige ka mawawalan kami ng muse nyan saka most outstanding student of all time." nakangiting bilin sa akin ni Ms.Solaire pero ramdam mo sa tono nya ang lungkot at pag-aalala.Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ma'am pero tumango nalang ako at umalis dahil gustong-gusto ko narin umuwi.

Dali-dali akong naglakad.Paniguradong naghihintay na sa akin si Daddy sa parking.At hindi nga ko nagkamali pagdating ko sa parking ay nakangiting nakasalubong nasa akin si Daddy.Malawak ang ngiti naman akong tumakbo papunta sa aming sasakyan.

"Hi Dyyyyyyyy! " bungad ko sakanya na may kasamang pagyakap at halik sa pisngi.

"Hello sa aking prinsesa.Oh kamusta naman ang araw ng Sky ko?" pagkamusta sa akin ni Daddy.

"Okay naman Daddy.Ako parin nangunguna sa klase.Tingnan mo Dy oh." sabay kuha ko ng exam namin kanina mula sa bag ko.Pinakita ko sa kanya ang mataas kong score sa testpaper.

"Dalawa lang mali ko ako pinakamataas sa room namin hihi" tuwa kong kwento kay Daddy.

"Eto rin oh tinatakan ako ng teacher ko ng very good kasi isa ko sa mga nakasagot sa recitation namin " hindi maawat na ngiti kong kwento kay Dy.

"Wow galing naman talaga ng Princess Sky ko nayan" puri ni Daddy sa akin habang pumapalakpak.

"Dahil dyan tayo ay kakain ng paborito mong ulam mamaya.Nasa bahay na si Mommy mo nagluluto ron at hinihintay na tayo." masayang tugon ni Dy.

"Yeheyyyyy sisig!!!" alam ng mga magulang ko kung gaano ko kafavorite ang sisig na ulam.Lalo na pag may mayonaise at may pagkamaanghang.

Umayos na ko ng pwesto, umupo ng maayos at sinuot ang seatbelt.Nagsimula narin magdrive si Daddy.Nagpatugtog sya habang nagdadrive.Habang ako naman ay nakatingin sa labas at nageenjoy sa bawat patak ng ulan.

Pangalawang araw na ngayon sa pag-ulan at tila mapait parin ang pakiramdam ng langit.Siguro umiiyak parin ngayon si Heaven at umaasang babalik ang kanyang minamahal.Anobayan tuwing umuulan tuloy ay si Heaven na ang maaalala ko.

Btw nga pala yung 'Sky' na pangalan ko ay napangalan sa akin dahil napanganak ako ni Mommy ay umuulan nun kaya pinangalanan nila kong  ko

SKY RAIN CRUZ NETHER

ayan ang full name ko pero madalas akong tawaging "Sky" limitado lang ang pagtawag sa akin ng "Rain" pero kung ako papipiliin mas gusto kong "Rain" ang laging tawag sa akin

Nabasag ang katahimikan bukod sa pagpapatugtog ni Daddy nang magring ang kanyang phone

"Oh Honey yes ay tapos kana magluto.Oosge wag ka mag-aalala malapit na kami dyan.Oo,bibili nalang ako ng malaking drinks.Sgesge walang problema.Okay fine bye I love you" tugon ni Daddy sa call ni Mommy.Napangiti naman ako sa naging interaction nila.Ilan taon naba nagsasama ang mga magulang ko pero hanggang ngayon ay di parin mapantayan ang sweetness nila sa isa't-isa.

Napansin ko rin na unti-unting tumitila ang ulan at---

"Sky sky naririnig mo ba ko gising nak"

"Sky sky skyyy...."

May bumubulong sa akin at habang tumatagal ay lumalakas ang bulong nito.

Nagtataka akong napatingin kay Daddy.Masigla parin itong nagmamaneho ng kotse.

"Daddy naririnig mo ba yun?" nagtataka kong tanong kay Dy pero di nya ko sinagot at patuloy parin sya sa pagmaneho.Napansin korin na hindi na ko pamilyar sa daanan na tinatahak namin.

"Daddy?" patuloy kong tawag sa atensyon nya pero tila wala parin syang naririnig.

"Daddy ano ba naririnig mo ba yo-

*BOOSH*


"SKY RAIN!!!" habol hininga akong nagising mula sa masamang panaginip.Umiiyak akong napayakap sa tumawag ng pangalan ko at nasa harapan ko ngayon.

"Ms.Solaire" umiiyak kong bulong habang nakayakap parin sakanya

at mula sa pwesto namin ay nakita ko ang nakabulagta't duguan kong magulang.












©swissgaze





















Rain,Rain go away(Go away Sky Rain)Where stories live. Discover now