Chapter 1

7 0 0
                                    

"Raylei! nakapag-review ka na ba? nababaliw na ko sa pre-cal" Bungad ni Phin sa'kin. Laging maaga si Phin para tumambay sa library kaso ito ang bungad niya sa akin. Agad naman akong umiling sa kanya at pinatong ko mga gamit ko sa upuan ko.

"sino ba mauuna sa pre-cal?" tanong ko, for sure conic section lang naman yun kaso for sure may graphing nakakainis. Minsan kasi kakaiba magpatest teacher namin sa pre-cal pero lahat naman 'yon naturo niya. 

"General Biology naman first subject natin, Phin. After break time pa pre-cal" sabi ko sa kanya kasi for sure may activity quiz sa genbio laging ganun naman set-up namin e. Pero sana hindi pumasok genbio namin sabi may problema raw sa science department. Inaya kong lumabas si Phin sa court madami pa rin tao sa court kasi may mga naglalaro at tumatambay.

"Einstein ata first ay pre-cal, may kakilala ka ba ron?" sabi ni Phin. Einstein yung top section ng buong 11 STEM, naka-based yung section names namin sa mga scientist. Umiling lang ako, wala naman kasi talaga akong kakilala dyan, minsan lang din ako makadungaw ng mga estudyante galing Einstein.

"Sayang daming gwapo pa naman dyan sa Einstein kaso parang ang hirap makahalagilap" sabi ni Phin habang naka-tingin sa room ng Einstein. "Lagi ka bang nasa kanila?" inosente kong tanong sakanya

"Oo anteh! lagi akong inuutusan diba dalhin yung gamit sa section Einstein, sa Curie, sa Galileo" super approachable kasi nitong ni Phin kaya laging nauutusan ng mga teachers. Tinignan ko ang oras may 10 minutes pa kami para sa unang subject. "Hindi ko na rin alam pinasok ko, Lei" seryosong sabi niya sakin. Nagtataka ako, anong pinasok nitong babaeng ito.

"ha?" 

"Sa STEM, nagexert ako ng effort sa entrance exam para sa strand natin tapos aalis akong buang. nakakainis," sabi nito, nakakaoverwhelm talaga kapag bago lang sa field, pero pinili namin ito kaya wala kaming magagawa. " may 12th grade pa tayo, Phin." natatawa kong sabi sakanya.

Lalo siyang nabanas dahil alam niyang mas mahihirapan kami lalo na graduating at sabay ang mga college entrance exam. Bumalik na rin kami sa classroom kasi baka makasabay pa namin si Mam sa daan. Pagpasok namin halos mga naka-ngiti mga kaklase namin. Absent daw si Ma'am pero may ipapagawa, iyon ang bungad sa amin.

Ilang minuto may pumasok na taga-einstein. "Good Afternoon Newton, Ma'am Ree said that she has emergency today, so basically she can't attend your class today. She left us activity to work on, please be seated on your seats and start answering the activity" sabi ng lalaki. Siya ata yung president ng Einstein? kasi lagi ko siyang nakikita sa Faculty, e laging ganun kapag president ka lagi kang nasa faculty. Nakakapagod kaya.

"And Ms. President?" tinaas ko kamay ko since ito ang etiquette kapag tinatawag ang representative ng klase. "Collect the works of your classmates after checking, Ma'am Ree said she needs the summary of the score" tumango lang ako. Normal. maging recorder ng klase, hindi na bago.

Pagkatapos namin sa genbio agad binalik ng mga kaklase ko yung papel nila sa akin. Etiquette. Nilabas ko na agad yung paper ko para makapagsimula na rin ako magrecord at baka matambakan pa ako. Ang maganda sa section namin ay mayroong kaming classroom etiquette na dapat naka alphabetical na ang pagpasa ng papel sa akin at sa mga teachers pero hindi pa rin maiiwasan na magugulo ito.

Boys. I started to record the boys activity scores. Buti naman at hindi magulo dahil hahanapin ko nanaman ito. Tuloy-tuloy ang pagrecord dahil naka-alphabetical naman na. Habang nagrerecord ako na-abutan kami ng next subject. Tumingin lang si Sir Yil sa akin at tumango. Usual na Wala kaming masyadong ginagawa sa reading and writing dahil more on self-explanatory siya at tapos na kami sa weekly lessons. Pumapasok lang Siya for attendance.

"Don't forget your weekly quizzes, we need to record that. And the upcoming exam, I will send the pointers online" Sir Yil announced. Pinagpatuloy ko lang yung pagrerecord hanggang sa matapos. I raised my hand again, "Sir Yil, I need to go to Einstein to pass this summary of our scores" He nodded.

I walked kasi nasa kabilang dulo yung classroom nila. Einstein — Curie — Galileo — Newton
"Excuse me po" Sir Tristan discussing about CPAR. Agad niyang tinawag yung president ng Einstein, mag eend na ang 1st sem hindi ko pa rin siya kilala.

"Thank you" maikling Sabi niya. Umalis na rin ako para maka-tambay pa. Iba talaga yung kamandag ng Einstein may kakaiba. Pero stereotypes lang naman yan kasi top section Sila.
I don't find them intimidating, siguro naging intimidating kasi walang kumakausap.

Wala kaming next subject since practical research siya and usual gagawa lang per chapter but since napasa na namin hanggang chapter 2. Wala na kaming gagawin sa kanya maliban na lang sa exam. Ang boring talaga kapag malapit na exam, tapos na rin ang hell week namin since sinagad na nila last week.

The STEM department is very cautious when it comes to our schedule. Talagang hindi nila sinasagad yung pinakaweek para matapos at mapasa na mga gawain. They're putting a date para hindi sabay sabay ang pasa. I usually sending them the to-do list sa group chat namin para alam nila gagawin nila. 

"Lei, tara canteen" aya sakin ni Avi, tumayo ako at kinuha ko na yung wallet ko, usually pinagbabawalan kami bumili sa canteen kapag class hours pa. Wala naman kaming ginagawa kaya goods lang siguro.

Pumunta kami sa kabilang canteen yung Rakeni canteen kasi nandoon yung donut stand tapos yung milkshakes kaya Doon kami lagi pumupunta.

"Alam mo Lei, Ang pogi ni Ethan. Feel ko siya na talaga. THE eye contact please!" Rant sakin ni Avi. Crush na crush niya talaga si Ethan ng Einstein. Napakahilig sa matalino.

"Alam mo, tigil ka na sa I'm fine admiring him from afar. Wala kang magagawa don!" Tugon ko sakanya. Nameet niya si Ethan noong entrance exam. Same exam room ata sila noon kaya nalaman niya yung name from the list.

"Kasi naman super out of my league! Matalino, pogi, mabango, mukhang gentle at soft spoken! Lahat na from fictional characters meron Siya!" Kinikilig Siya habang sinasabi niya yun.

"Sa super perfect ng pagka-describe mo sakanya malala ang pagiging red flag niya..." Not to burst her bubble, but usually if someone look innocent, young, and so gentle. They're the ones who has massive red flag! Kaya it's a NO.

"Bitter mo naman, pres! Pero sabagay madami rin theory na ganyan. Sana! Green flag Siya! Kung hindi... EKIS!" Natatawa niyang Sabi. Nakarating na kami sa Rakeni canteen, Wala pang masyadong tao since hindi pa naman recess.

"Lei, si Ethan" kinikilig nanaman 'tong kasama ko. Jusko lord, please lang. Ang landi ng mga tao sa paligid ko. "Ate, pabili nga po Choco glazed" Sabi ko nasa tabi lang namin yung grupo ni Tristan kaya distracted si Avi.

"Order mo teh!" Kinakalabit ko na si Avi. Grabe naman impact ni Ethan sa kanya.
"Choco butternut po Isa" Natauhan na siya. Tinignan ko yung Ethan. Mukhang may jowa. Impossibleng wala.

Hindi ko napansin na nakatitig pala ako nang matagal sakanya. Natauhan lang ako nang marinig ko pangalan ko sa Isa sa kaibigan niya.
'type ka ata ng president ng Newton, Tan' aba'y saan nanaman nila nakuha 'yon! Lagot ako Kay Avi nito!

Inirapan ko na lang sila baka mag-assume pa Sila! Biglang pumasok yung representative ng Einstein. Naconfused ako sa system nila, hindi Siya ang president pero siya ang representative ng Einstein?

"Euan, bro."

Euan Pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving the Boundaries (SHS coded #1)Where stories live. Discover now