SIMULA

3 0 0
                                        


Inilibot ko ulit ang aking paningin sa apat na sulok ng silid. Katapat ng pinto ay binta at nakalagay sa kanan nito ay isang puting cabinet na puno ng collection ng iniidolo kong grupo. Mula album, lightstick, at iba't iba pang merchandise na kundi ko binili ay iniregalo sa akin. Katabi naman nito ay ang ngayong malinis kong lamesa kung saan lagi akong namamalagi kapag may kailangang gawin pang akademiko o kapag nanunuod. Sa tabi nito ay may maliit din na shelf kung saan nakalagay ang mga libro ko mula high school. Sa likod naman niyo ay ang kama kong maayos na nakasalansan ang mga unan at stuff toys ko.

"Kai! Halika na naghihintay na ang lolo mo sa sasakyan." sigaw ng lola ko na sa tingin ko ay nasa pintuan na ng aming bahay.

"Sige nay! Susunod na po ako!"

"Wag mong kalimutan ilock ang kwarto mo." paalala niya. "Opo!" Isang buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago ko tuluyang isinara ang aking kwarto.

Naabutan kong nakatayo sa pintuan ng bahay si lola. "Ready ka na ba? Nakapag paalam ka na ba sa mga koryano mo?" nakangiti niyang tanong.

"Babalik naman po ako sa susunod na linggo 'nay di nila ko mamiss at nagdala rin ako oh." sabay pakita sa kanya ang nakasabit sa aking bag na mga photocard na may mukha ng koryano.

"Ikaw talaga. Osiya at sumakay ka na sa kotse at ilolock ko pa itong bahay. Naghihintay na ang lolo mo sa kotse." sumunod naman ako sa kanyang utos at naglakad na papunta sa kotseng nasa labas na ng gate. Bago pumasok sa loob ng sasakyan ay ibinalik ko muna ang aking paningin sa kabuuan ng bahay.

Tahanan.

Ang lugar na ito ang tinatawag kong tahanan. Isang espasyo na kung saan iginugol ko ang halos lahat ng oras ko. Mula pagkabata hanggang sa aking pag alis. Nasaksihan ng lugar na ito ang iba't ibang bersyon ng aking sarili. Ngunit ngayon ay kailangan kong umalis para sa aking pangarap, para sa kinabukasan. Siguro nga parte ito ng paglaki. Kailangan nating tumayo sa sarili nating mga paa upang mamulat sa mas malawak na katotohanan ng mundo. Iba iba tayo ng pamamaraan kung paano natin haharapin ang parte ng buhay natin na ito at ito ang pinili kong tahakin.

"Pasok ka na Kai, andiyan na ang lola mo." nawala ang pagkakatitig ko sa aming bahay ng marinig ko ang aking lolo. "Ah sige po." tugon ko at pumasok na rin sa loob ng sasakyan. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbukas at sarado ng pintuan.

"Okay! Tara na at para hindi tayo matraffic sa daan." tumango lamang ako at nagpangalumbaba habang nag umpisa na ang aming byahe.

Simula noong huling taon ko sa Junior High School, inaasam ko na talagang mag-aral sa labas ng aming probinsya. Gusto kong humiwalay upang makapag pokus ako sa aking pag-aaral ngayong kolehiyo. Nag-aral akong magluto, gumagawa ng mga gawaing bahay at nagiging masunurin sa aking ina upang maipakita sa kanila na mapagkakatiwalaan at responsable ako upang payagan akong mag-aral sa ibang lugar. Nagwagi naman ako sa parteng iyon.

Noong sinabi ko na nakapasok ako sa isang kilalang unibersidad sa Baguio ay hindi na sila nagdalawang isip na payagan ako. Sobrang saya ko ng nakita ko ang pagtango ng aking pamilya at pagpayag nila sa desisyon kong ito. Ngunit isang linggo bago umalis, habang nag aayos ng mga gamit, hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili kung tama ba ang desisyon kong ito. Napatulala ako sa mga gamit na nakalatag sa kama.

"Hindi ba ito ang gusto mo?"
"Tama ba ito?"
"Kaya ko ba? Kaya ko bang mapalayo sa kanila?"
"What if dito na lang ako? What if wag na lang umalis"

Sa mga oras na yun sobrang dami kong tanong. Bigla akong nalungkot. Wala pa pero parang ayaw ko na lang umalis at manatili na lang kung saan ang comfort zone ko. Sa mga araw na yun binalikan ko ang mga pangarap ko. Mga rason kung bakit nga ba ako andito at kung bakit ko tinatahak ang daan na ito.

Hindi sa lahat ng oras andito ang lolo at lola ko para alagaan ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay aasa ako sa kanila. Kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong paa para pagdating ng araw, hindi ako nawawala.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at pagdilat ko ng aking mata ay isang daan na pakurba ang nakita ko. Pagsilip ko sa bintana ay napagtanto kong bandang taas na kami ng bundok. Sobrang aliwalas ngunit nakakatakot na daan. Kaunting minuto na lang ay makararating na kami sa aming destinasyon. Kung dati ay purong asul ang nakikita ko sapagkat malapit kami sa dagat, ngayon ay may halo ng berde.

"Kumain na muna tayo sa mall bago tayo dumiretso sa tutuluyan mo." suhestiyon ni lolo. "Sige po lo gutom na rin po ako." sumangayon din naman si lola at iyon nga ang aming ginawa.

Pagdating namin sa bayan ay dumiretso na kami sa mall. Pumasok na kami pagkatapos magpark ng sasakyan at naghanap ng makakainan. "Ang daming tao ngayon." pansin ni lola. Nasa may terrace kami pumwesto sa paborito naming kainan na tatlo.

"Sabado ngayon at for sure dadagsa ang mga turista." sagot naman ni lolo. Nagkwentuhan lang kami habang naghihintay ng pagkain. Ilang paalala at mga tanong tungkol sa aking paaralan pa ang napuntahan ng usapan. Alam kong nag-aalala pa rin sila pero alam kong payag din sila sa desisyon kong ito. Dumating na ang pagkain at kumain kami ng nagkwekwentuhan. Minsan ay nagtatawanan dahil sa mga biro ni lolo o sa mga alaala na aming napagsaluhan. Pagtapos ay naglibot kami saglit upang pababain ang kinain at pagtapos ay bumalik na kami sa aming sasakyan upang pumunta sa aking tutuluyan. Pagdating ay nagbaba na kami ng gamit at dumiretso sa front desk.

"Hello, good afternoon! I'm Alexa Sky de Carlos bagong tenant po sa Room 104 po." sabi ko sa babaeng nakatayonsa may front desk. "Hi, good afternoin Ms. de Carlos! Pakisulat na lang po yung name, time of log in, room number, and signature dito sa may log book po. Thank you!" sinunod ko naman ang sinabi niya at nagsulat na sa logbook. Si lolo at lola naman ay naupo muna sa lounge area habang naghihintay.

"Okay na po?" tunango naman akonsa kanya. "Sige po tara na. Hahatid ko na po kayo sa kwarto ninyo." tinawag na rin namin si lolo at lola. Inilagay naman sa parang trolly ang mga gamit ko at may kasama kaming lalaki na nag tutulak nun ngayon.

Nasa pang-apat na palapag ang aking kwarto. "Ito po. You can go inside na po ma'am, sir and here's the key. If you need anything, just press 1 lang po sa telephone na ito." sabi niya at sabay turo sa teleponong nasa tabi ng pintuan. Nagpasalamat na kami sa kanila at hinintay na makaalis bago tuluyang pumasok sa condo na aking tutuluyan.

Sakto lamang ang laki nito. Pagpasok ay ang refrigerator, katabi nito ay ang sink at ang extension ng sink ay pwedeng maging dining table sapagkat medyo malawak ito at may upuan rin. Katapat naman nito ay ang banyo na hindi nawawalan ng heater. Pagdiretso ng kaunti ay makikita na agad sa bandang kanan ang single size na kamang nakadikit sa pader. Katabi nito ay isang maliit na drawer na nagsisilbing side table. Sa opposite side naman ng kama ay makikita ang closet at ang vanity table. Sa kaliwang bahagi naman ng kwarto ay ang maluwang na study table.

Dahil mag-isa lamang ako ay hindi ganun karami ang mga gamit pero hindi pa rin naiwasan na gabihin kami sa pag-aayos. Napagdesisyonan na manatili na lang din sila lolo at lola ngayong gabi at bukas na bumyahe sapagkat delikado na rin. Buti na lamang at mayroong extra na kama sa ilalim ng aking kama at nagkasya naman sila duon.

Hating gabi na at tulog na ang mga kasama ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod mula sa araw na ito. Sumilip ako sa bintana at ang tanging nakita ko lamang ay madilim na langit kaya hinawi ko na ulit ang kurtina at tumitig na lang sa madilim na kisame.

Bukas, bukas mag-uumpisa ang aking reyalidad, Bukas mahihiwalay ako sa kanila.

Sana makaya ko. Kakayanin ko.

Not AloneBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin