“Y-you are w-what?” Si Kuya Zaire na halatang hindi pa nakakahuma sa pagkagulat

“Ang sabi ko, buntis ako kaya hindi ko pwedeng pakasalan yang lalaking sinasabi niyo. Ayaw niya naman sigurong makasal sa babaeng may laman na ang tiyan, 'di ba? Kung wala na po kayong ibang sasabihin, magpapahinga na po ako. Kung gutom po kayo, mag-order na lang kayo dahil wala akong pagkain dito. At kung aalis na po kayo, pakisara na lang po ng pinto. Aakyat na po ako dahil napagod po ako ngayong araw.  Escuse me po” Saad ko bago ako tumayo at akmang aalis na sana ng muling magsalita si Papa na siyang ikinatigil ko


“Gusto kong makausap ang Ama ng dinadala mo. Iharap mo siya sa akin bukas” anito. Muli ko siyang hinarap at tinitigan ng seryoso. Halata sa ekspresyon ng mukha niya ang pagka-dismaya

Dismayado malala ba siya sa akin? Maybe because he didn't expect this. Ang akala niya siguro ay susunod ako sa lahat ng gusto niyang mangyari, but no.

“Sige po. Dadalhin ko sa inyo ang Ama ng baby ko. Ipapakilala ko siya sa inyo” buong tapang kong sagot bago ako tuluyang umalis sa harapan nilang tatlo.

Dumiretso ako sa kwarto ko. In-lock ko rin ang pinto para walang ibang makapasok. Nanghihina akong napaupo sa kama ko habang inaalala ang mga naging pag-uusap namin ni Papa kanina. Hindi ko akalain na kaya niya akong ipagpalit sa kompanya niya, na mas mahalaga ang kompanya nila kaysa sa akin na Anak niya.

Napatunayan ko lang na hindi niya ako Mahal at hindi niya ako tanggap bilang Anak niya. Siguro ito yung purpose ng kunwaring may pakialam siya sa akin, para pambayad utang ako at kapalit na kompanya nila.

All my life naniwala ako na kahit papaano, may Papa ako na matatawag kong Ama ko talaga, na may pakialam siya sa akin dahil kahit papaano ay nakakausap ko siya sa video call. Pero dahil sa nangyari ngayon, mukhang wala talaga akong tunay na Ama. Wala talaga akong totoong magulang.

Bakit ang saklap ng buhay para sa akin? Bakit kailangan kong mabuhay sa pamilya na hindi buo. May Papa nga ako, pero hindi naman ako kayang itinuring bilang anak. May Mama nga ako, pero nagawa naman akong iwan sa bahay ampunan noong baby pa lang ako.

Napatawa ako ng pagak kasunod ng pagtulo ng isang butil ng luha mula sa mata ko. Agad ko iyong pinunasan para mawala. Nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak, na Wala na akong iiyakan. They don't deserve my tears. They are my family yes, but they never treat me like one.

Pambayad utang lang? Tsk!

Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko. Hinayaan ko ang sarili kong nakahiga hanggang sa unti-unti na akong dinalaw ng antok.


KINABUKASAN pag-gising ko ay panay na sa pagkalam ang sikmura ko. Ng matapos ako sa morning rituals ko ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Mabuti na lang at hindi sumumpong ang morning sickness ko ngayong araw.

Inalis ko na rin muna sa isip ko ang mga nangyari sa pag-uusap namin ni Papa kagabi dahil ayokong masira ang araw ko ngayon

Pagdating ko sa kusina ay nagulat ako ng madatnan kong puno ang mesa ng mga pagkain. May napansin din akong note na nakapatong sa gilid ng lamesa. Agad ko iyong nilapitan at binasa

'SORRY IF NAKIALAM NA AKO SA FRIDGE MO. I JUST WANT TO COOK MY LITTLE SISTER FOR THE FIRST TIME. DITO NA RIN PALA AKO NATULOG DAHIL MUKHANG WALA KANG KASAMA. ANYWAY, I HOPE YOU ENJOY YOUR BREAKFAST'

LOVE, KUYA ZAIRE

Muli kong binalingan ng tingin ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Sa totoo lang ay paborito ko lahat ng nakahain. Nagtaka ako dahil sinabi niyang nakialam siya sa ref, gayong wala namang laman ang ref dahil hindi pa kami nakakapag-grocery ni Asi. Mukhang bumili pa siya sa labas

Ignoring The Father Of My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon