Chapter 11

41 5 3
                                    

Chapter 11
 

Hindi raw pumasok si Van kaya wala akong matanong tungkol sa love letter na ito. He was the only person I had a conversation with about this type of letter. Naalala ko pa nga kung paano niya ako inasar at sinabihan ng corny. Nakapagtataka, timing naman ang pagdating ng sulat na ito. Hindi kaya pinagtitripan lang ako ni Van?
 

Pero absent siya kaya impossible na sa kanya iyon nanggaling. Sa pagkakaalam ko, dapat ay kinikilig ako ngayon o at least matutuwa dahil nakatanggap ako ng love letter dahil ibig sabihin ‘non ay may nagkakagusto sa akin. Yet, heto ako ngayon at tila mababaliw na kakaisip kung sino ang nagsulat ‘non.
 

“Who the fuck would consider this a love letter?” iritado kong saad saka napasabunot sa sarili kong buhok. Sumasakit ang ulo ko dahil sa lintek na love letter.

 
Unang-una sa lahat, sobrang pangit ng handwriting niya, kaya ultimong pangalan ko ay hindi ko pa halos mabasa. Kung tutuusin, pangit din ang calligraphy ko pero ibang level ‘yong sa kanya.

Pangalawa, long bond paper ang ginamit ng sumulat pero ang laman lang ay ang katagang, ‘I think I like you’. Lastly, his drawings—ewan ko nga kung puso ba ang ginuhit niya o tae na kinulayan lang ng pula.

 
“What happened to her?” rinig kong tanong ni Marwin kay Farrah. Napapikit ako ng mariin bago isinubsob ang mukha ko sa desk.
 

“She’s frustrated about the love letter she received,” Farrah replied. Huminga ako ng malalim saka itinaas ang hawak kong envelope. Marwin quickly grasped it and read the content.
 

“I think I like you,” diretsahan niyang basa sa nakasulat. My heart skipped a bit. What the hell? Iniangat ko ang mukha ko saka siya nilingon. “What is wrong with it?” aniya na ikinasimangot ko. Should I tell him the details?
 

“Ah basta! Kung sino man ang sumulat niyan, turn-off na agad ako sa kanya.” I crossed my arms in front of my chest.

Huwag lang talagang tangkain ng taong iyon na sumulpot sa harapan ko dahil paniguradong hindi niya rin magugustuhan ang sasabihin ko sa kanya. Baka isumpa ko siya!
 

“Hindi ka fan ng love letters?” tanong niya. “I received a lot of these when I was in elementary school." I had lots of fun reading the sender’s messages.” Itinupi niya ng ayos ang papel saka iyon ibinalik sa akin.
 

“Ang unfair mo talaga, Pres.” Sinimangutan ko siya. “Kung makalait ka sa handwriting ko, wagas. Hindi mo ba nakita kung gaano kapangit ang sulat niya?” Tumabang ang tingin niya sa akin.
 

“Kung alam lang siguro ng admirer mo na ganyan umandar ang bunganga mo, baka hindi na siya nag-aksaya ng panahon para sulatan ka.”

Nagkatinginan kami ni Farrah nang matunugan ang inis sa boses niya. Is it just me, or maybe he’s being too sensitive about an issue that doesn’t even involve him?

 
“This might sound weird, but somehow, I agree with his statement.” Akala ko ay kakampi ko si Farrah sa bagay na ito, but then she’s choosing Grey over me. I thought she didn’t like him.
 

“See? I obviously got the point.” I can’t believe him. He’s finally boosting now that he has someone to back him up. I was about to open my mouth to counter him, but then he raised his index finger to stop me. “Save that for later; may kailangan pa akong gawin.”
 

“Saan punta mo, Pres?” tanong ni Farrah.
 

“At the library, I have to study.” Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Something smells fishy. How come they’re exchanging casual terms? Farrah said that she doesn’t like Grey, but ngayon ay nag-uusap sila sa harapan ko na para bang walang naganap na silent bashing sa pagitan nila.
 

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Where stories live. Discover now