“I think I know this one” Saad nito saka ipinakita sa kausap nito ang isang picture “He's one of the son of the famous business Man”

“Who?” kunot noo nitong tanong

“Mr. Albert Dawson. I met him one time sa isang business trip. Their family is well known specially in business” sagot naman ng lalaki. Tumango-tango naman ang kausap nito saka pinaglaruan ang isang ballpen na nakuha nito sa lamesa

“Why are you interested about them? May atraso ba sila sa'yo?” Puno ng pagtatakang tanong nito. Tumayo ang kausap nito at tumalikod sa kaniya


“Just do what I say” malamig na saad ng lalaki saka naglakad paalis. Napailing na lamang ito ng tuluyang makalabas sa kaniyang opisina ang lalaking kausap. Binalingan nito ng tingin ang mga larawang nasa ibabaw ng kaniyang lamesa

Samantala dumiretso ang lalaking nag-ngangalang Mr. Scott sa isang coffee shop kung saan kikitain nito ang isang importanteng tao.


“Mrs. Brent” Pagkuha nito ng atensiyon sa ginang na nakaupo sa ipina-reserve nitong table. Tumayo naman kaagad ang ginang


“Mr. Scott, thank you for accepting my invitation” ani ng ginang saka nito masayang inilahad ang kaniyang kamay para makipag-kamay sa binata. Hindi naman iyon kinuha ng binata at tinignan lamang nito ng seryoso ang ginang sa kaniyang mga mata

“I will straight to the point, Mrs. Brent. I accepted your invitation not because of your proposal” anang lalaki sa seryosong tinig saka ito umupo. Napakunot naman ang noo ng ginang

“What do you mean?” tanong ng ginang saka dahan-dang bumalik sa pagkaka-upo


“I came here to talk about your daughter. About our wedding” sagot ng binata na siyang ikinatigil ng ginang


ACACIA'S POV



“Tell me, Mamci. Ano yung nabalitaan ko na Deron is courting you daw, totoo ba?” biglang tanong ni Broccoli habang kumakain kami. Umiral na naman ang pagiging chismosa niya


Break nga pala namin ngayon at narito kami sa Cafeteria. Hindi namin kasama si Asi dahil may practice sila ng team niya. Si Macarine naman ay baka bukas pa daw makakapasok.

“Oo. Iyon ang sabi niya” sagot ko na lang sa kaniya saka muling nagpatuloy sa pagkain ko ng


“So, pumayag ka?”


“As if susunduin niya ako kapag sinabi kong tumigil siya. He said it already, gagawin niya ang gusto niyang gawin” sagot ko

Kahit papaano naman ay kilala ko ang pag-uugali ni Deron. Kung ano kasi yung bawal, iyon ang madalas niyang ginagawa. Halimbawa, if he wants to do something na hindi pwede, gagawin niya pa rin, and you can't do anything about it. The more na pagbabawalan mo siya, the more siyang mae-eager na gawin 'yon. Parang ako din. May pagkakapareho kami minsan ng ugali

“Sabagay. Pero infairness ha, mukhang effective yung pagpapanggap niyo ni Asi dahil mukhang natauhan ang lalaking 'yon at na-realized yung halaga mo sa kaniya. Ang galing niyo kasi sa part ng pagpapaselos” anito na ikanataas na kaliwang kilay ko

“Hindi kami nagpanggap ni Asi for that purpose” Irap kong sagot sa kaniya. “Hindi ko plinano na pagselosin siya. That's his choice” Dagdag ko pa. Tumawa naman siya ng mahina na tila ba natutuwa siya sa inusal ko0

“Alam ko naman 'yan, mamci. What I mean is, ang galing niyong mag-panggap ni Asi in a way na parang pinapaselos niyo siya and it really worked. Imagine, yung guy na hinahabol at nag-e-snob sa iyo noon ay siya namang naghahabol sa iyo ngayon, to the point na nililigawan ka na with asking you. Honestly Mamci, If I were you, bibigyan ko ng chance si Deron. Kasi 'diba, he's the father of your baby. Para maging complete family kayo. ” mahabang linya nito. Saglit akong natigilan.

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now