Kabanata 1

9.6K 183 3
                                    

Kabanata 1

"Rhian, welcome to your new world. Welcome to Hacienda Mendoza!"

Napailing na lamang si Rhian ng marinig ang masiglang pagbati sa kanya ng kanyang ina.

Binuksan niya ang bintana ng kotseng kanyang sinasakyan at sumalubong sa kanya ang preskong hangin na nararanasan niya lamang sa tuwing umuuwi siya sa probinsiya.

Nakangiti siya habang inililipad ng hangin ang kanyang medyo kulot na buhok. Habang nakaandar ang sasakyan ay pinagmamasdan niya ang mga tanawing kanilang nadadaanan.

Tama nga ang sinabi sa kanya ng kanyang ina. Malaki nga ang haciendang ito. Maraming puno ng mangga at niyog na nakapaligid dito. Sa tingin niya, ang mga iyon ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga trabahador.

Nilingon niya ang kanyang nakatatandang kapatid na natutulog sa kanyang tabi. Nakasalampak ang earphones sa magkabilang tenga nito habang natutulog. Napailing siya. Kung sana ay laging payapa ang mukha nito sa tuwing nagigising ito.

"Ma, ilang hektarya ang lupa?" Tanong niya ng mapansing tumigil na sa pag-uusap ang kanyang mga magulang sa front seat.

Ang kanyang ama na kasi mismo ang nagmaneho ng sunduin siya ng nga ito sa syudad.

"Fifty hectares, anak." Sagot ng kanyang ina.

Napatango siya.

"Ang lawak naman pala."

Nilingon siya ng kanyang ina.

"Mas malawak iyong rancho na katabi ng hacienda natin, Yan. Higit two hundred hectares yata 'yun."

Napaawang ang kanyang bibig.

"Grabe! Ang yaman siguro ng may-ari nun."

Narinig niya ang paghalakhak ng kanyang mga magulang.

"Sinabi mo pa." Sabat ng kanyang ama.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang paghinto ng kanilang sasakyan sa labas ng isang mataas na bakod. Gawa sa isang metal ang bakod na iyon at napakaganda ng disenyo na hula niya ay hindi rin biro ang presyo.

Narinig niya ang pagbusina ng kanyang ama na siyang dahilan upang bumukas ang bakod na iyon.

Hindi niya napigilan ang mapanganga ng makita ang bahay na nakakubli sa mataas na bakod. Napakaganda ng ancestral house na iyon!

Pero nang biglang may sumagi sa kanyang isip ay hindi niya napigilang magtanong sa kanyang ina.

"Mama, ang laki naman yata ng bahay tsaka parang sa panahon pa iyan ng mga Kastila. Wala po bang multo d'yan?"

Napasimangot siya ng marinig ang halakhakan ng kanyang mga magulang. Nang maiparking ng kanyang ama ang sasakyan ay binalingan siya nito.

"Anak, walang multo d'yan kaya wala kang dapat ikatakot. Ang haciendang ito ay pagmamay-ari ng mga ninuno ng angkan ko kaya lang ay naibenta ito. Nang malaman kong ibebenta ito ng tagapagmana ng bagong may-ari, sinunggaban ko na ang pagkakataon. Isa pa, kung may magparamdam man sa bahay na iyan, baka ang mga ninuno lang natin iyan." Natatawang sabi sa kanya ng ama.

Kinilabutan siya sa sinabi nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng takot.

"Papa naman, eh." Nakangusong sabi niya.

"Tsk. Ang ingay naman."

Napasulyap siya sa katabi at nakita ang kapatid na kinukusot ang mga mata at tinatanggal ang earphones sa tenga nito.

"Oh sya, alam kong pagod kayo sa biyahe kaya lumabas na tayo at nang makakain." Ani kanyang ina.

Lumabas siya ng kotse at inilibot niya ang kanyang paningin sa kapaligiran. Maganda ang lugar dahil napapalibutan ito ng maraming punong kahoy kaya halos kulay berde ang paligid. Idagdag pa ang napakalawak na hardin na halatang inaalagaan ng husto.

Kinuha ng isang kawaksi ang kaniyang mga gamit mula sa compartment ng sasakyan at sumunod na siya sa kanyang mga magulang papasok ng bahay.

Nakakapit pa siya sa braso ng kanyang ina na natawa lang dahil sa inakto niya.

"Hay naku, Rhian. Ang laki-laki mo na pero napakamatatakutin mo pa rin."

Nagkamot lang siya ng ulo.

Nang tuluyan na silang makapasok ay napanganga pa siya ng makita ang kabuuan ng bahay. Malawak ang sala at karamihan sa mga gamit ay mga antique.

May grand staircase din na siyang nagpalula sa kanya. Higit na mas malaki ang bahay na ito kaysa sa isang bahay nila sa probinsiya ng San Antonio.

Habang tinititigan niya ang grand staircase ay nagbalik sa kanyang isipan ang isang tagpo sa isang nakakatakot na pelikula na ipinilit ipapanood sa kanya ng kaibigang si Nadine dahilan upang pumalahaw siya ng iyak noon.

Naiisip niya kasi si Sadako na pababa ng hagdanan. Bigla ay kinilabutan siya at pakiramdam niya ay pinagpapawisan na siya.

Pilit niyang iwinaksi iyon sa kanyang isipan. Hindi na siya dapat nag-iisip ng ganun.

Hindi na siya bata at dapat lang na maging matatag siya. Dito na siya titira sa bahay na ito kaya dapat hindi siya mag-isip ng mga nakakatakot na bagay. Baka iyon pa ang maging dahilan upang hindi siya makatulog ng maayos sa gabi at maging miserable pa ang kanyang pagtira dito sa hacienda.

Maya-maya pa ay tinawag na sila ng isang katulong upang ipaalam na handa na ang hapag-kainan. Hindi na rin siya nagdalawang-isip pang tumungo sa dining area at napasinghap siya ng makita ang napakalaking lamesa. Maging ito ay masasabing makaluma rin pati na ang mga mwebles.

"Ma, pansin ko lang, masyado yatang makaluma ang mga gamit." Aniya ng maupo siya sa tabi ng kanyang ina.

Nakangiting tinapik nito ang kanyang kamay.

"Magaganda naman ang mga gamit anak. Isa pa, gusto ng Papa mo na i-preserve ang mga iyon. Wag kang mag-alala, sa hapag at sala lang naman. Sa ibang sulok ay hindi na gaano."

Napatango na lamang siya. Tama nga naman na i-preserve ang mga lumang kagamitan. Maganda naman ang mga ito. Talagang kinikilabutan lang siyaa sa tuwing umaandar ang kanyang makulit na imahinasyon.

Matapos makakain ay nagpaalam na muna siyang magpapahinga. Itinuro naman ng isang katulong ang kanyang kwarto.

Hindi niya maiwasang mapangiti ng mapasadahan ng tingin ang kanyang bagong silid.

May isang queen size bed na may pink na bedsheet at mga unan. May bedside table din ito kung saan may isang nightlamp at mga picture frame kung saan nandoon ang kanyang larawan, larawan nila ng kanyang buong pamilya at larawan nilang dalawa ng kanyang kapatid.

May walk-in closet din at sliding door kung saan papunta sa verandah. May malaking flat screen TV, maliit na couch at isang study table. May nakita rin siyang isang pinto na hula niya ay ang banyo.

Binuksan niya ang pintuang iyon at nakita ang malawak na banyo. Kumpleto iyon sa gamit. May tub din na mas lalo niyang ikinatuwa.

Lumabas siya doon at nahiga sa kanyang malambot na kama. Nagpagulong-gulong siya doon at impit na napatili.

Sobrang saya niya dahil napakalaki at napakaganda ng kanyang silid. Idagdag pang halos kulay pink ang kabuuan niyon.

Mas lumawak ang kanyang ngiti ng makita ang mga malalaking picture frame na nakasabit sa dingding.

Mga larawan niya iyon.

Aaminin niya, kinikilig siya dahi sa ginawang ito ng kanyang mga magulang. Alam na alam talaga ng mga ito kung paano siya pasisiyahin.

Kahit na malaki na siya at may sariling trabaho ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging pusong-bata. Binebaby naman kasi siya lalo na at siya ang bunso.

Nakangiting ipinikit niya ang kanyang mga mata habang yakap-yakap ang kanyang pink na unan.

This is your new home, Rhian.

His Hidden Identity [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя