PROLOGUE

993 16 0
                                    

PROLOGUE

HINDI MAIPINTA ang mukha na lumabas si Vince sa exit door ng isang kompanya na kung saan mahigpit limang oras siyang naghintay sa isang mahabang linya. Hindi siya makapaniwala na kung kailan siya na ang susunod na papasok, pinaalis na siya at iba dahil sa may nakuha na raw na isang secretary ang CEO ng kompanya na pag-aaplayan niya sana.

Kasabay ng pagdilim ng kalangitan ay dumilim din ang paningin niya sa babaeng halos maghubad na nang bumaling siya at makita ni Vince na nakatayo ito sa tabi ng CEO ng kompanya na sa mukha palang, mukhang mga babaeng may malaking boobies at maganda ang pangangatawan ang hanap nito.

Naningkit ang mga mata ni Vince nang makita niya kung paano ipagdidikan ng babae ang dibdib nito sa braso ng matandang grabe naman makatingin doon. Kulang nalang dakmain niya ito at himas himasin.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ni Vince at walang kasigla siglang naglakad siya patungo sa isang malapit na parke na kaniyang dinaanan kanina. Doon na muna siya magpapakalma ng demonyo sa kaloob looban niya. Baka maatake pa niya ang mga shutang!names na iyon.

Nakakainis talaga ng sobra.

Kanina pa siya nagugutom dahil sa sobrang haba ng pila tapos bawal pa kumain doon sa hallway kung saan siya kanina pumipila kasi, bawal nga. Kailan pa ba naging pwede ang bawal? Unless matigas ang ulo siguro at walang pake.

Nang makarating siya sa parke, agad na umupo siya sa isang bakanteng bench at nagpahinga na muna ng saglit dahil sa haba ng naging lakaran. O diba, may alam siya na malapit na parke, kaso malayo naman kung lakarin. May alam din siyang shortcut, kasi malayo.

Pagkalipas ng ilang minuto, nang muling nagwala ang kaniyang tiyan, inilabas ni Vince ang kaniyang binaon na pagkain. Sa halip na mapangiti siya dahil sa magkakalaman na ang kaniyang sikmura na kanina pa nagwawala dahil sa sobrang gutom, isang masaklap na buntong hininga ang kumawala sa kaniyang bibig dahil sa tila mas malamig pa sa patay ang kaniyang pagkain.

As expected nga naman… Tila parang nasa Antarctica siya kanina dahil aircon. Grabe nga naman ang matandang iyon, tatlong air conditioner ang nasa isang room kasi ang umaandar.

Nawalan nalang ng gana si Vince at walang kabuhay buhay niyang kinagat at kumain ng kaniyang baon hanggang sa maubos na ito at kahit papano ay nabusog siya’t hindi na nakakaramdam ng gutom. Sa ngayon, uhaw naman ang nararamdaman niya dahil sa wala siya ni isang dalang baonan ng tubig.

Maluha luha na napatingin nalang si Vince sa kaniyang wallet na kaunti lang ang pera na natitira. Gusto niya sana mag-emote kaso baka mapagkamalan pa siyang baliw kaya wag nalang.

Delikado kung gagawin niya iyon dahil sigurado talagang mapagkakamalan siya lalo na’t anluma na ng kaniyang suot sa ngayon na kaniyang hiniram sa kaniyang pinsan na ngayon ay isang professional tambay sa isang kanto. Tutal wala naman itong paggagamitan kaya naman ay pinahiram ito sa kaniya.

“Kapag nakaipon ako, reregalohan ko ng bagong kasuotan ang mokong na iyon. Pasasalamat narin dahil sa pagpapahiram niya sa akin ng damit niya.” Ani ni Vince na tumayo mula sa kinauupuan at napagpasiyahan niyang pumasok sa Seven Eleven na nasa tapat lang ng parke para bumili ng maiinom na malamig.

Sana nalang talaga nagdala na siya ng baunan ng tubig doon sa kompanya na pinanggalingan niya, para pagkalabas niya, malamig na ito.

Habang naglalakad siya, bigla nalang may nabangga si Vince nang hindi niya sinasadya. Lumabas na naman kasi ang pagiging lutang niya kaya naman hindi niya napansin ang lalaki na nahulog ang mga kagamitan nito na hawak.

“S-Sorry. Hindi ko sinasadya –”

Napakurap kurap nalang si Vince nang kaniyang biglang mamukhaan ang lalaki na kaniyang binangga at tinulungan na pulutin ang mga kagamitan nito na nahulog dahil sa kaniya.

[BL] POSSESSIVE VAMPIRE: Marrying Mr. BloodsuckerWhere stories live. Discover now