"Oh? Huwag kang mag selos Hon! Syempre ay swerte rin kami ni Janina sayo." ang baling naman nito sa akin ni Melody at sa tingin ko ay narinig niya ang aking ibinulong.

Hindi naman ako nagsalita at ngumiti lamang ng pilit.

Isinauli na ni Melody ang aking telepono at muli ko namang tiningnan ang masayang larawan ni Yamato habang buhat ang kaniyang bunso.

Ang swerte nga talaga ni Ma'am Karen dahil nakilala at napangasawa niya ang isang Yamato takeguchi.

Nakakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib sa hindi malamang dahilan.

Siguro ay selos ang pakiramdam na ito.

Nagseselos ako sa asawa ni Yamato.

Nagseselos ako sa hindi ko malamang dahilan.

Basta ang alam ko ay nagseselos ako sa kaniya.

Napatingin naman ako sa asawa kong si Melody habang nag vavacuum ito sa dito sa aming sala.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang gabing iyon kung saan ko muling inayang makipagtalik ang asawa ko.

Sa loob ng nakalipas na dalawang buwan ay sinubukan kong buwagin ang buhay kong walang sex sa asawa ko.

Sobrang tagal na naming hindi nagtatalik at hindi ko na alam kung paano ako magpapaalam sa kaniya.

Ngunit pinilit ko pa ring subukan.

Pumapasok sa aking utak kung ano ang gagawin ni Yamato kung siya ang nasa ganitong pwesto.

Siguro ay matagal na silang nagtalik ng asawa niya.

Naiisip ko pa lamang ang hitsura ni Yamato habang nagtatalik sila ng kaniyang asawa ay tinitigasan na ako.

Kailangan ko lamang alalahanin ang dating ako at magiging ayos na ang lahat.

"Melody...Hon? Tulog na si Janina."

Ang malambing kong bulong kay Melody.

Nandito rin kami noon sa sala at kasalukuyang nanonood ng panggabing drama sa telebisyon.

"Gu-Gusto mo bang gawin natin..."

Ang muling bulong ko sa kaniya.

Naghintay naman ako sa kaniyang sasabihin.

Mula sa telebisyon ay nabaling sa akin ang atensyon ni Melody.

"Pasensya na Hon...Wala kasi ako sa mood eh."

"Next time nalang." ang dagdag pa nito.

Para namang sumabog ang isang dinamita sa akin noong marinig ko ito.

Ang kaninang matigas kong pagkalalaki ay parang lobong pumutok at nawalan ng hangin.

Nawala ang excitement at libido ko sa aking katawan.

Simula noon ay hindi ko na muli siyang inaya pang makipagtalik.

Nakakawalanggana lang.

Ngayon ko lamang siya tinanong at ganoon pa ang makukuha kong sagot sa kaniya.

Paulit-ulit nalang niya akong tinatangihan at dahil doon ay nawawalan na ako ng tiwala sa aking pagkalalaki.

Hindi na ba ako nakakalibog?

Siguro ay napapangitan na siya sa akin.

"Hayyyyyyss..." ang pakawala ko ng malalim na buntong hininga.

Pinatay ko na lamang ang telebisyon noong makaramdam na ako ng pananawa sa aking pinapanood.

Naisipan ko na lamang umakyat sa aming kwarto upang maaga ng makapagpahinga.

Sumalampak na ako ng higa sa kama at napatingin sa itaas ng kisame.

Maging doon ay mukha pa rin ni Yamato ang nakikita ko.

"Hayyyyyyss..." ang muli kong buntong hininga at napahilamos sa aking mukha.

Bakit minuto minuto ay dumadaan na lamang siya sa aking isipan.

Napatingin ako sa bedside table at nasa ibabaw noon ang isang kaha ng sigarilyo kasama na ang lighter.

Nag sisigarilyo lamang ako kapag nakakaramdam ako ng stress at sa tingin ko ay kailangan ko ito ngayon.

Kaya naman kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isang stick.

Akmang aabutin ko na ang lighter noong madulas ito sa kamay ko at malaglag sa lapag.

"Lintek naman oh!" ang asar kong bulong sa sarili at muling bumangon sa kama para kuhanin ang lighter.

Kinuha ko na ang lighter at hindi ko inaasahan ang makikita ko mula sa ibaba ng kama kasama ng lighter.

Isang itim na wallet.

Wallet na alam kong hindi ko pagmamayari.

Isa lamang ang taong posibleng mag mayari ng wallet na ito at kilalang kilala ko ang taong iyon.

Ang taong iyon rin ang palaging gumugulo sa aking isipan.

Ang nagmamayari ng wallet ay walang iba kung di si Yamato.

Siya lang naman ang tanging tao na makakaiwan ng ganito dito.

Dalawang buwan na rin ang nakalipas ng araw na magpunta dito si Yamato.

Wala naman siyang sinasabing naiwan niya dito ang kaniyang wallet.

Mabuti nalang at hindi ito nakita ni Melody.

Hindi ko pa naman nabanggit sa kaniya ang pagpunta ni Yamato ng araw na iyon.

At siguradong magtataka rin siya dahil sa dinamiraming pwedeng pagiwanan ay dito pa maiiwan sa aming kwarto.

Iyon ang problemang hindi kayang takasan kaya mabuti nalang talaga at ako ang unang nakakita nito.

Tumingin ako sa pintuan ng aming kwarto at nakiramdam, mukhang hindi pa naman tataas si Melody.

Kinuha ko ang aking telepono at dinial ang numero ng taong nagpapagulo sa aking utak.

Riiiing...Riiiing...Riiiing.

Ilang ring palang ay sumagot na ang tao sa kabilang linya.

"Moshi-moshi?(Hello?)"

Kaitagal kong hindi narinig ang kaniyang boses.

Heto na naman!

Kumabog na naman ng mabilis ang puso ko.

Lubdub! Lubdub! Lubdub!

"He-Hello! Y-Yamato!"

Itutuloy...

A/N: Eto na ang update! Maraming salamat sa mga nag Vote sa kwento ko. Kayo ang inspirasyon ko para galingan pa ang pagsusulat. Lovelots! Mwah!

PS: Nagtataka ba kayo kung bakit may mga date ang bawat chapter ng kwento ko, ganito yan ang ibig sabihin ng date na iyon ay kung anong araw ko ginawa/sinulat ang bawat parte ng kwento. Ganoon iyon mga ses!

Bye!

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now